Chapter 24

6.7K 263 203
                                    

TALONG<3

Good morning, pinapanTASHA ko. Hahaha may score na agad ako! Ingat kay Baste. Hinuhuli niya talaga na tayo na e hahaha

5:37


Theo - 1, Tasha - 0. Korni mo po. Iloveyou . . . nagpapa-THEO-bok ng puso ko HAHAHA ano Theo - 1, Tasha - 3

5:43


TALONG<3

Bakit 3 pts yon? Pilit na pilit nga e dapat minus 1 yon hahah. Ligo na para makapasok nang maaga at makita na kita. Ano pala ulam? May dala akong pastillas

5:45


Ilang araw na kaming ganito . . . at ganito pala yung pakiramdam. Magkikita kami sa school, magreresume yung asaran, dadalhan ko siya ng baon, magtutulungan kami sa assignment . . . mga ganon effect. Nag-aasaran pa rin kami, pero maraming nakakapansin na may "nagbago" sa 'min. Para na daw kaming "tunay" na in a relationship. Hinahayaan lang namin kasi totoo naman. Haha!

Pinakapaborito kong parte ng araw ay uwian. Maglalakad kami tapos tatambay kami saglit doon sa tindahan malapit sa kanila-ang saglit naming medyo one hour and thirty minutes. At yep, this time, ako na ang naghahatid sa kanya. Siyempre, mas gusto ko siya makasama nang matagal. Kung doon kasi kami sa may amin tatambay, mas malaki yung tiyansa na makikita kami. Noong una tumanggi siya, pero nang sinubukan namin isang beses at nag-enjoy lang talaga kami magkasama, pumayag rin naman basta ihahatid niya ako sa sakayan. Isa pa, mas kampante ako na makita siyang safe. Pag nakauwi naman ako, magtetext rin naman ako.

"Hoy," sabi ko nang nakita kong kumakalikot siya ng cell phone koi sang beses na tumatambay kami. "Anong ginagawa mo diyan?"

Nakita ko siyang hinahalungkat yung kalendaryo ko sa e-mail ko. Nakita ko na may nilagay siya sa anniversary namin: Ipaalala kay talong na may ibibigay siya sa 'kin.

"Luh? Ano to?" tanong ko.

"Anniv gift," sagot niya.

"Agad?" natatawa kong sabi. "Bakit, natatakot ka na baka makalimutan ko?"

Ngumiti siya. "Oo, makakalimutin ka pa man din."

Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at saka nag-iba ng topic. "Sorry kung ano ha . . . medyo hindi pa tayo legal kina Mama at Papa. Pero promise, kapag eighteen ko, sasabihin ko na sa kanila."

"Magdedebut ka ba?" tanong niya.

"Parang ayoko. Pera na lang."

Natawa siya. "Shet, wais ng future wife ko."

"Alam mo, ikaw, puro future yang napaghahandaan mo ah."

"Siyempre. Di naman mahirap yon lalo na kapag sigurado ka na sa makakatuluyan mo."

Pinalo ko siya sa braso, yung palo na hala ang harot ng sinabi mo pero kinilig ako.

"Aray ko," sabi niya habang natatawa. "Sige lang, paluin mo pa ako."

"Bastos."

"Hala siya! Anong sinabi kong bastos?"

Ganyan. Ganyan kami. Kami pero may tawanang halo kaya ewan . . . sana ganito lagi. Naalala ko tuloy noong nakita ko si Ate na umiiyak sa kwarto namin dati dahil sa ex niya. Sana . . . sana di mangyari sa 'min yon. Naniniwala naman ako kay Theo.

"Hoy, eight thirty na ng gabi," sabi niya. "Tara na."

"Shocks," sabi ko nang tiningnan ko yung relo ko. In-off ko kasi yung cell phone ko para di ako matawagan ng kahit sino. "Bakit ba kasi ang bilis ng oras kapag kasama kita?"

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon