Kasama ko si Allen at Eli sa banyo noon pagkatapos ko ikwento yung nangyari. Kinikilig si Allen, pero mukhang hindi convinced si Eli.
"Una, naghahatiran. Tapos, nagbabaunan. Ngayon, meron na kayong pag ganyan ganyan. Wag niyo kaming lokohin. Ako yung nabibitin sa love story niyo."
"Hindi naman minamadali 'yon no."
"Tapos? Kailan na kayo magmamadali? Kapag pagraduate na? Kapag magkahiwalay na kayo ng university ng papasukan?"
"Ewan. Basta kung anong meron kami kunteto na ako."
"Wag ako, urur."
"Makapagmura ka sa 'kin ah! Hambalusin kita eh! Allen pagsabihan mo nga tong—" Tapos may pumasok sa banyo. Buti hindi ko natuloy yung 'girlfriend' na gusto ko talagang sabihin.
Pagkalabas namin, nakita namin si Sean na nagigitara tapos nakaupo lang siya, Baste, at Paul. Maganda boses ni Paul, pero siya, wala talaga. Tunog kalawang na di ko ma-describe. Natawa na lang ako kasi siya pa yung pinakamalakas kumanta.
"Oy," tumingin si Sean sa 'kin tapos tumingin kay Theo. "Gandahan mo naman boses mo. Parating na oh."
Tumalikod si Theo at nagkatinginan kami. Napangiti ako, at ito namang si Allen, tinukso ako. Lalo tuloy akong napangiti.
"Ganda ng ngiti mo ah," sabi ni Theo, "dahil ba sa 'kin?"
"Hindi pwedeng natatawa lang ako?"
"Eh bakit ka natatawa?"
"Yung boses mo po kasi. Kung may boses ang talong pag kinukulo, malamang ganyan 'yon."
"Pag gumanda boses ko sasagutin mo na ko?"
Hala?! Sinabi niya 'yon openly eh di ang daming nakarinig. Nanlaki na lang yung mga mata ko at di ko mapigilan ngumiti. Binato ng kung ano-ano si Theo nina Sean, tinutukso siya na may halong "woah" at "gago" at "breezy."
Ah, ganon ah.
"Ay, di ako informed. Nanliligaw ka ba?"
Lumakas yung mga hiyaw. Namewang ako. Ang daming audience bigla nang tumayo siya mula sa pagkaupo niya tapos tumapat lang sa 'kin at tinitigan ako sa mata. Potek, di ko mapigilan ngumiti kahit sa harap niya. Paano ko itatago yung kilig ko?!
"Kailangan ko pa ba itanong?"
"Aba, eh para sure."
"Di ba pwedeng sagutin mo na ako tapos ligawan kita araw-araw?"
Nilakasan ni Sean yung pagigitara sabay kumanta yung tatlo ng Harana ng Parokya ni Edgar.
"Alam mo narinig ko na 'yan," umirap ako. "Ano, hanggang cliche ka na lang?"
"Boom!" sabi ni Baste. "Basted ka na pre."
Natahimik siya tapos tinitigan niya ulit ako sa mata--as in mata sa mata--kahit naririnig at nakikita kami ng ibang batch mates namin.
"Magpapaprito ako sa'yo araw-araw para ako ang magiging pinakamasarap na tortang matitikman mo."
Wala na lang ako nasabi kundi, "Bwisit ka!"
Natatawa talaga ako pagkasabi niya 'non. Pinicture-an pa nga kami ni Eli. Itong sina Baste, puro mura. Ano, ganon ba yon, na kapag kinikilig ang mga lalaki nagmumura sila? Hahaha!
"Hoy," biglang andon na si Sir sa likod namin, "bumalik na kayo sa classroom F4 at Shan Chai."
Bumalik na ako sa room. Eh siyempre di ba, nasa harap ko lang naman si Theo kaya di pa rin tumitigil yung tuksuhan.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...