Gabi-gabi since nag-install ako ng laro niya, araw-araw na rin kami naglalaro. Minsan, kahit hindi siya naglalaro, naglalaro pa rin ako para ma-enhance yung skills ko. Para naman pag naglaro kami, maayos-ayos akong kakampi or kalaban.
"Yung totoo," sabi ni Eli habang naglalakad kami papuntang faculty. "Ano ba talaga kayo?"
"Friends."
"Friends? Buong klase ang alam eh kayo."
"Eh kayo ni Allen, alam ba ng buong klase na kayo na?"
"Wag mo i-divert sa amin yung usapan. Chismis lang 'yon. Best friends lang kami."
"Eli, hindi ako tanga. Nakita ko kayo last Saturday na magkaholding hands tapos nagkiss kayo sa lips. Best friends?"
"Nasa bahay lang ako noong Saturday. Baka iba yung nakita mo."
"Sabi na nga ba sasabihin mo 'yan eh."
Kinuha ko yung phone ko. Dahil alam kong sasabihin 'yon sa akin ni Eli, kinuhanan ko sila ng picture.
"O," inirapan ko siya. "Hindi ikaw 'yan?"
Hindi na siya nakapagsalita. Alam ko naman kung bakit nila tinatago. Iwas chismis, siyempre, girl to girl relationship yung kanila.
"Wag mo na lang sabihin, please?" bumuntong hininga si Eli. "Kung ako lang, ayos lang naman sa 'kin sabihin na kami. Pero si Allen yung may ayaw."
"Bakit?"
"Yung religion niya, una sa lahat. Siyempre, parents niya, 'di ba?"
Sensitive din ang topic tungkol sa religion kaya ayoko na mag dive in. Hindi rin naman ako usisera tulad ng ibang tao.
"Basta," tinapik ko yung likod ni Eli. "Kung saan ka masaya. May utak naman na kayo."
"Okay lang sa'yo relationship namin?"
"Whether okay lang sa akin or hindi, desisyon niyo 'yan, Eli. Hindi ako makikialam."
"Shit," napangiti si Eli. "Ang gaan pala sa pakiramdam."
"Ng?"
"Yung may masabihan ng tungkol sa amin."
"So ako ba ang unang nakakaalam ng tungkol sa inyo?"
"Yup. Eh yung sa inyo ni Theo, ako ba unang nakaalam?"
"Walang kami okay?"
"Lungkot naman 'non."
Natawa ako. "Ikaw nga nalungkot, ako pa kaya?"
"Wala kang balak i-level up?"
"Ano bang i-lelevel up? Hanggang dito na lang ata kami. Ano bang tawag sa greater than best friends but less than lovers?"
"Mga nag tatanga-tangahan?"
"Bwisit naman 'to eh."
Natawa na lang siya. Maganda rin naman sa pakiramdam na may nasasabihan ako tungkol sa frustrations ko.
Pagdating ng lunch, excited akong kuhanin yung baon ko sa loob ng bag. Nagbaon kasi ako dahil tortang talong yung niluto ni mama.
"O," lumingon si Theo sa 'kin. "Di ka maglulunch sa canteen?"
"Hindi, may baon ako."
"Sana sinabi mo para nagbaon din ako."
"Eh, hindi naman kailangan sabihin sa'yo."
"Gusto kitang kasama kumain sana," nag sad face siya na parang nagpapacute.
"Sige, samahan na kita sa canteen."
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...