Nahuhuli ko na lang yung sarili kong tulala. Una dahil final na yung decision nina Mama at Papa na huwag muna ako pag-aralin. Naiiyak ako dahil magiging ano na lang ba ako pagkatapos? Tapos naghihikahos na nga yung relasyon namin ni Theo, mapapalayo pa ako sa kanya?
Ano naaaaa, universe?
"I'm sorry," sabi ni Pet. "Wala akong magawa kundi makinig sa lahat ng chevarloo mo."
"Bakit ka naman nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan na masaklap ang buhay ko," sabi ko sabay buntonghininga. "Gusto ko na lang bumalik ng high school. Parehas lang din naman e. High school, naliligaw. College, naliligaw. Ang kaibahan lang, landian spree kami ni Theo noon."
"So gugustuhin mo na lang na hindi kayo hahantong sa mag-jowa?"
"Sana ninamnam ko yung mga panahong pareho kaming pa-fall."
"I can't imagine kung paano." Tapos tumawa si Pet. "Paano exactly kayo naging pa-fall sa isa't isa?"
"Babanat siya, tapos babanat ako. Mga tipong gano'n. As in, mareeeee, landi moments talaga. I swear!"
Napangiti ako kakaalala—yung mga banat namin sa isa't isa, yung mga away namin na akala mo mag-jowa na kami na noon na hindi naman pala, at yung first kiss namin sa ferris wheel kahit hindi pa kami at mahaharot lang talaga kami.
"Kati kasi ng labi niya e. Nyeta! Ayan tuloy, natuluyan kami," dagdag ko. "Pero susuko na ako dapat talaga doon kasi nga yung epal na Cat na 'yon."
"Malas mo lang na hanggang college, di ka tinantanan ng ka-love triangle mo."
"Excuse me. Wag mo siyang isali sa love line namin."
"Anong love line?"
"Dalawang points lang kami. Walang triangle na nangyayari dito."
"Wooooow. In denial tayo?"
"Bakit kaya gano'n, ano? May second-guy syndrome ako. Tipong mas crush ko pa yung second guy sa mga Koreanovela na pinapanood ko. Pero kapag yung babae na yung singit, nako, kahit pa mabait, epal pa rin siya for me."
"Natural ka kasing masama."
"Mabait ako. Sa kanya lang ako masama. As in, te, nagspaspark na kami ni Theo, lumitaw siya! Magkasabay sila papuntang school, tapos binibitbit pa ni Theo yung bag niya! I mean . . . di ako tanga. May gusto siya kay Theo."
"Pero ikaw nga ang gusto ni Theo ano baaa!"
"Eh tingnan mo yung mga ganap sa 'min ngayon. Puro org, org, org . . . kung saan kasama lang naman niya si Cat, Cat, Cat. Cat-ayin ko siya e."
"Sige, bisitahin na lang kita sa impyerno, ano?"
"Grabe. Look what love can do."
"Hindi love ang gumagawa niyan. Jealousy."
"Naka naman. Wise words from the great Petra," sagot ko. "Kasi naman . . . tingnan mo naman ako? I mean . . . muse siya ng kabilang section. Ano bang laban ko, di ba?"
"Te, may laban ka. Na sa 'yo ang talong ni Theo."
"Raw pa siyang talong. Wala pang katas ng mantika."
Natawa kaming pareho. "Imoral kang nilalang!" sabi ni Pet habang kunwaring naghahagis ng imaginary holy water sa mukha ko. "All that Netflix and chill pero ganern?"
"OA! Imoral agad? I mean, di pa namin ginagawa yon kahit madaming temptation sa paligid. Di pa ako handa." Biglang naging masama yung tingin sa kin ni Pet na napaatras ako nang kaunti, tipong pajoke lang na. "Anek? Mukhang di totoo?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...