Nagpabalik-balik ako ng iniisip. Ihahatid niya si Cat? Bakit? Ah, oo nga pala . . . chivalry is not dead—lalo na sa pinakamamahal kong torta. Hindi naman ako puwedeng magpaka-selfish at isipin na ako lang ang puwede niyang ihatid, di ba? E natural, dis oras na ng gabi kaya niya dapat ihatid si Cat. Isa pa, nasa way naman ng torta ko yung bahay nina Cat, pagkakaalam ko.
"Sigeeeee, patuklaw ka pa sa ahas," asar ni Pet nang kinuwento ko sa kanya. "Sabi na e. Nang nakita kong mas mahaba pa yung nguso mo kesa sa pila sa MRT, alam kong may problema na naman kayo ng jowa mo."
"Ewan ko ba," sagot ko sa kanya. "Siguro dahil lang sa distansiya. Mag-apply kaya ako sa school niya?"
"Sa grades mo?"
"Leche ka. True friend ka, e, no?"
Tumawa si Petty. "Sa ayaw mo man o sa hindi, sa una lang masaya ang relationships. Tingnan mo ako, single at masaya."
"Choice naman natin 'yon kung papaniwalaan natin 'yon," sabi ko. "Mawawala at mawawala ang kilig. Pero kapag ginagawa niyo naman lahat para mapasaya ang isa't isa, hindi lang yung temporary na kilig pero eternal and deep happiness, peace of mind, mga gano'ng bagay, pipiliin at pipiliin niyo ang isa't isa."
"Wow," sabi ni Petty. "Hindi ka pa nasasaktan, ano?"
"Well, eto na nga, nasasaktan na ako," sabi ko. "Pero pipiliin kong pagkatiwalaan siya at gagawin ko lahat para lang maging kami sa huli."
"Ayan, ayan ang magiging problema. Ikaw lang ang may ideya niyan. E siya? Musta lolo natin?"
"Hindi pa kasi kami nagkakausap nang matino. Ang dami niyang requirements. E, alam mo naman sa school niya. Yung expectations . . ."
"Ewan ko nga sa 'yo, mars," sabi ni Petty sabay lagok ng pagkain niya. "Masyado kang idealistic pag dating sa love. Sana nga, sana nga hindi ka niya saktan."
Inisip ko yung sinabi ni Petty. Nasasaktan na ako ngayon, sa totoo lang, pero nagkikita naman kami tuwing weekends—iyon na nga lang yung saving grace ko matapos ang buong linggong puno ng acads. Tinutulungan ko siya sa mga requirements niya kung kailangan para mas mapadali ang buhay niya at para mas marami kaming oras para sa isa't isa. Ramdam ko naman kasi yung bigat ng expectations sa kanya.
Ako dapat ang mag-adjust. Ako ang may oras. Ako ang kayang mag-adjust.
Tama naman . . . di ba?
***
Generally, okay naman yung holiday season—the usual stuff. Nagregalo ako ng Hershel na wallet sa kanya kasi kapag pumupunta kami sa mall, lagi 'yon yung tinitingnan niya kahit ba alam naman naming pareho na wala kaming pambili. Akin naman, nagregalo siya ng isang malaking pack ng cappuccino na kape. Nahihilig kasi ako doon kaya siguro iyon ang binigay niya. Hirap ko raw kasi regaluhan kasi natatakot siya na baka hindi ko magustuhan.
Medyo nalungkot ako nang pagkasabi niya niyon. Hindi naman ako mahirap paligayahin . . . lalo na kung bigay mo at pinagefortan mo, gusto ko sabihin pero tinikom ko lang yung bibig ko. Ayoko lang na may magbunga pa ng away. Baka rin iniisip niya, hindi ko naappreciate. Na-appreciate ko naman. Yung sinabi lang niya ako napaisip.
Anyway.
Second sem na, all I can say is . . . mas naging excited pa ako sa birthday ng torta ko kesa sa excitement ko noong Pasko at New Year.
Doon ko nalaman na may mga rooms pala sa mga microhotel na less than 500 pesos, twelve hours na puwedeng magstay. Kaya ko 'yon, given na marami akong nase-save. Nagplano lang ako nang nagplano at dinamay ko pa si Petty sa kagagahan ko. Nagsabi ako sa mga magulang ko na mag-o-overnight ako. Binigay ko yung number ni Petty para may assurance sila . . . kahit hindi si Petty yung kasama ko talaga.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...