E bakit ko kasi kaagad sinuot yung lacey underwear ko kahapon? Dapat pala ngayon na lang. Chos.
Ang tagal ko ata sa harap ng closet ko. Tipong natuyo na yung buhok ko, wala pa rin ako maisip masuot. Sana merong perfume na "I like you, so I'm giving us another chance, pero wag mo na ako sasaktan ulit" na puwedeng ipahid sa kahit anong damit para kahit simpleng T-shirt at pants lang ang suot ko, naka-game face ako.
Pero bakit hindi? Back to basics tayo.
Naalala ko tuloy yung araw na nawala kami. Pareho kaming naka-puti. Tinapon ko nga yung shirt na 'yon e. At heto, naka puting T-shirt ako na may nakalagay "Strong and Independent" sa harap tapos denim skirt at rubber shoes. Dinala ko yung scarf ko dahil lola mode na ako at mabilis ako lamigin.
Napangiti ako. Naalala ko na gustong gusto nga pala niya akong naka-half ponytail. Half ponytail it is.
Bumiyahe ako papuntang Greenfield District kasi iyon yung sabi niya. Wala namang makikita doon, puro damo at inuman lang. Sinigurado ko na dadating ako on time—hindi masyadong maaga, hindi rin late—para saktuhan lang.
Pagdating ko sa spot na sinabi niya, ando'n na siya.
Ano ba, puso, bakit ang lakas ng tibok mo? tanong ko sa sarili ko. Di ba, ex mo yan? Yung ex mo na halos makalimutan kang nag-e-exist ka pala dahil ang dami niyang ginagawa? Yung ex mo na mas pinagtanggol niya yung oras niya kasama ng babaeng pinagseselosan mo kaysa yung oras n asana kasama ka niya?
Hinawakan ko yung dibdib ko. "Ang OA mo, Tasha," sabi ko sa sarili ko. "Malay mo, iimbitahan ka na pala niya sa wedding niya. Ipamumukha lang niya sa 'yo na sobrang wala ka na sa buhay mo."
Umirap ako sa sinabi ko. "Luh, e di ba nilandi ka lang naman niya the past two days na nagkita kayo? So ano 'yon?" tanong ko sa sarili ko.
"Whatever, go, self," sabi ko sa sarili ko. "Alam mo na hindi mo na ulit hahayaan yung sarili mong masaktan, di ba?"
May nakakita sa 'king bata na parang "Luh, nasisiraan na ng ulo yung babaeng 'to" yung tinginan dahil nagsasalita ako mag-isa. Pero ako, nagbuntonghininga at pinagpag ko yung kamay ko sa ere para maalis yung kaba. Hindi ko nga ba alam sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ngayon na lang kami mag-uusap na kaming dalawa na lang.
Na-i-imagine ko na lahat ng senaryo—gusto niya ako pero kasal na pala siya, gusto niya ako pero may iba na siya, gusto niya ako pero may boylet siya, gusto niya ako pero mamamatay na siya, gusto niya ako pero lilipad na siya ibang bansa, gusto niya ako pero pupunta na siyang Mars . . . naisip ko na lahat ng senaryo na ang ibig sabihin ay hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Ang naisip ko na lang, E ano naman? Basta, mag-uusap kayo. Kung ano man yung sasabihin niya, tanggapin mo nang maluwag. Kung kinaya mo noon, kaya mo rin ngayon.
"Hi," bati ko. "Aga mo."
Tumayo siya at . . . yinakap ako, yung yakap na pambati lang. Sobrang saglit lang, pero doon ko siya naamoy—shocks, ang bango, bango niya—sapat lang para makuha niya yung atensiyon ko.
"Ayoko ma-late, no." sagot niya. "Okey lang ba sa 'yo maglakad-lakad?"
Tumango ako. Nasa tabi lang kami ng isa't isa, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa Ace Hotel."
"Hoy, at least sabihin mo munang gusto mo pa rin ako at single ka bago mo ako i-hotel. Nagkita tayo properly, 'no. Hindi lang tayo nag-PM sa Tinder."
Natawa siya, as in tawang tawa. "Halatang di ka pa nakakapunta doon. Tingin mo . . . I'll put you to bed?"
"Oo, tingin ko ihehele mo ko," mapanuya kong sabi na may irap. "Nakahanda na ba yung gatas na choco pampatulog ko? Sorry ah, lagi kasi akong lumilipad kaya di ko alam yung Ace Hotel."
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomantiekHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...