Chapter 20

6.3K 322 212
                                    

Naiinis ako sa sarili ko dahil umiiyak ako sa isang walang kwentang dahilan.

Paano kung ginagamit lang pala ako ni Theo para pagselosin si Cat? Wow, self. Grabe tayo mag-isip ano? Pero bakit—may posibilidad naman, di ba?

Bakit ba ako nagkakaganito?

Sa sobrang frustration, naiyak ako sa kama. Hindi pa nga ako masyado nakaka-move on sa hindi ko pagpasa sa dream university ko, lalong di pa ako maka-move on sa katotohanang sumulpot si Cat sa taimtim naming love story.

Bakit kasi kailangan niyang sumulpot? Okay na kami eh.

Eh bakit kasi kailangan kong sabihin 'yon? Susulpot ang mga tao kung kailan gusto ng universe. Kung maapektuhan ka man sa pagsulpot na 'yon, wala ng pake ang universe doon.

Wala naman akong magagawa. Ganon talaga. Pwedeng sila. Si Theo ang taga-pili, at kaming dalawa ni Cat ang choice niya. Pwede naman niya maging choice siya . . . pero sana ako pa rin piliin niya.

Hahaha. Nababaliw na talaga ako.

Paikot-ikot lang ako sa kama, nagtatanong kung ano ba dapat gawin ko sa feelings na dapat matagal ko na binaon sa lupa. Bakit kasi ganoon? Okay naman kami tapos biglang—

Well, in the first place, hindi pa kasi klaro kung ano kami, tama?

Eh paano? Sige, paano? Game na ba? Sasabihin ko na ba?

Napabangon ako sa kama. Eh kung sabihin ko na kaya? Bakit pa ako maghihintay ng graduation kung kaya ko naman na sabihin, di ba?

AAAAAH! NABUBUANG NA TALAGA AKO! Pesteng yawa 'tong feelings na 'to!

Binuksan ko 'yung computer. Huminga at bumuga. Nagsulat ako ng letter para kay Theo na nagsasabi kung paano niya binigyan 'yong black and white kong buhay. Naisip ko kumuha ng pictures (wow, scrapbook pala gagawin ng lola niyo haha) sa Internet. Doon, naabutan kong online si Paul.

11:47 PM
Pauuul!

Paul is typing . . .

11:48 PM
Yo
Bat gising ka pa?

11:49 PM
Aamin na akoooo
Is this the real life
Is this just a fantasy

11:50 PM
Mamaaaaa

11:50 PM
Ooooooh
Hahahaha
Pero di nga, seryoso, aamin na ako.

Seen 12:03 a.m.

Paul is typing . . .

12:03 AM
Paano? Kailan?

12:04 AM
Letter lang
Corny haha
Di ko na kaya eh
Mababaliw na ako

Paul is typing . . .

12:05 AM
Eh bat di na lang sa field trip?
Next week na yon, di ba? Sa EK?

12:05 AM
Eh para kapag doon
Kami na
Hahahah chos

Paul is typing . . .

12:06 AM
HAHA lakas!

12:06 AM
Pero oo nga, naisip ko din yan
Tas aamin ako sa wheel of fate
Ang cliché hahahaha

Paul is typing . . .

12:07 AM
Pake nila kung cliché
Importante mahatid mo feelings mo
Kaya itulog mo muna ngayon

12:08 AM
Super salamat Paul!
Na-anxious na talaga ako sa nararamdaman ko eh

Paul is typing . . .

12:08 AM
Bakit?

12:09 AM
Kilala mo si Cat? Taga kabilang section.
Napapansin ko lang na lagi silang magkasama.
Eh alam mo na, girl instincts.
:(

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon