Pagdating ng school, dire-diretso lang ako sa kinauupuan nina Eli. Ginagamit ko na lang yung peripheral vision ko in case na makita ko si Theo. Pero lumingon at tumalikod na ako, wala siya.
“I-i-snob-i-snob-in mo tapos hahanap-hanapin mo rin,” bati ni Eli. “Ano ba talaga?”
Nginitian ko lang siya. Totoo naman yung bintang niya sa kin.
“Hayaan niyo na nga yon. Patingin ng assignment niyo sa math.”
Napansin ko naman na dumating siya, pero hindi ko siya pinansin.
“Uy,” singit niya. “Gawa niyo?”
“Kumokopya ng assignment si Tasha,” sagot ni Allen.
“Grabe ka,” depensa ko, pero di pa rin pinapansin si Theo. “Pwedeng nagpapaturo lang?”
“Weh,” bigla sabat ni Theo. “Nagpapaturo ka ba talaga?”
Umirap ako pero hindi nakatingin sa kanya. DI ko pa rin pinansin yung mga sinabi niya. Tumayo na lang ako tapos magpapaalam na magbanyo. Gulat ako nang bigla niya akong hinabol at sinigaw yung pangalan ko. Ako naman, bingi-bingihan pero kilig-kiligan din.
“Uy,” sabi niya habang hawak yung balikat ko. “May problema ba tayo?”
“Ha? Bakit naman tayo magkakaproblema?”
“Bakit di mo ko pinapansin?”
“Anong tawag mo sa ngayon?”
“Eh yung kanina?”
“Huh? Anong kanina?”
“Pati yung kahapon.”
“Excuse me. Ikaw ang nagbaba ng telepono sa kin. Ano sa tingin mo mararamdaman ko? Matuwa?”
“Tapos pinuntahan niyo ako ni Paul sa bahay?”
“Palusot ko lang yon para makasama ko si Paul.”
Fuck myself. Bakit ko sinabi yon?
Napatingin siya sa kin na walang kaemosyon-emosyon. Siguro nagulat sa sinabi ko. Kung ano man yon, di ko nagustuhan yung naramdaman ko pagkatapos.
“Ah, ganon pala, sige, baka nagkamali lang ako.”
Umiral yung pride ko at tumalikod ako. Pagkabanyo ko, pinaghahahampas ko yung pader. Naiinis ako sa sarili ko na sinabi ko yon, at naiinis ako sa kanya dahil… dahil… bakit kasi hindi na lang ako?
Bakit hindi na lang ako yung pinili niyang makasama noong intrams? Bakit di siya nagtext? Bakit ang tagal nila magkasama nung Bea na yon? Ano ba ako, panakip butas? Flirt effect? Pampaselos effect?
Teka, eh bakit ko ba siya sinisisi eh choice ko to?
Nakita kong medyo bad trip siya. Umupo na lang ako at pinagpatuloy ang araw. Nakakainis lang noong pass the papers nung isang quiz, hindi man lang niya ako nilingon tulad ng dati. Padabog kong kinuha yung papel.
Pagdating ng recess, umalis ako agad. Ang naisip ko pa, sayang yung baon na hinanda ko para sa kanya. Bumili ako ng pagkain sa canteen tapos bumalik sa classroom. Wala na siya doon sa upuan niya.
Pagkaupo na pagkaupo ko, sinermonan ako ni Allen.
“Te, kakaganyan mo, di talaga kayo magkakatagpo.”
“Bakit ako?”
“Ikaw yung unang nagselos, te. Ikaw yung unang nagtampururot.”
“Hindi naman ah.”
“Sige, best in denial ka eh no.”
Bumuntong hininga ako.
“Te, tingnan mo ah. Buong araw siyang hindi nagtext that day. Ano, bakit? Magkasama sila nung Bea? Ni wala man lang siyang text sa kin?”
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...