Pagbalik sa school, naghanap ako kaagad ng tortang talong—literal na talong—dahil hindi kami nakapaghanda ng agahan. Hindi ko alam kung bakit iyon 'yong hinanap ko sa labas ng karinderya ng school namin. Basta, bigla na lang ako nag-crave.
"Uy!"
Nagulat ako nang bigla akong tinawag ng crush kong human-sized tortang talong, ang paborito kong kainin kahit di ko pa natitikman. Chos. Siyempre, pinigilan kong itago 'yong kilig ko.
"Bibili ka?" tanong ko.
"Natanaw lang kita mula doon," sabi niya.
"Naks, natanaw talaga?" sabi ko. Pero ang gusto ko talaga sabihin ay kinilig ako dahil nakita niya ako agad.
Hay, ang sarap niya tikman—este tingnan. Bakit kasi ang nahulog ako kaagad sa patukso-tukso sa 'min? Bakit kasi imbis na pigilan, ginagatungan pa niya? Tapos dahil wala pang na-li-link sa 'kin noon pa, biglang na-trigger tuloy ang natutulog kong damdamin.
At ako naman, si asa at umaasa.
Hindi ko naman masabing paasa siya. Malay mo . . . umaasa rin pala. HAHAHA! Kumukulo at umaariba ang mantika, ano? Nabigla ako sa confidence ko bigla. Saan ko hinugot 'yon?
Sabay kaming pumasok sa gate. Nagulat kami na paglapag naming dalawa ng mga bag namin sa bleachers, biglang may naghagis ng mga bougainvillea sa 'ming dalawa. Itong mga kaklase ko, supportive sa love team namin eh 'no?
"Anong pakulo 'to?" tanong ko na nakangiti, pinipigilan na ipahalatang gusto ko ng isa pang pasabog.
"Bridal shower," sabi ni Allen. "Echosera."
"Tagal naman kasi magkaaminan," biglang sabi ni Eli. Pinalo ko lang siya sa braso.
"Ano bang aaminin?" biglang tanong ni Theo. "Hindi pa ba sapat ang gawa?"
Juskeleeeeerd! Nagtuksuhan lahat ng kaklase ko at nagsabog pa ng mas maraming bougainvillea na hindi ko alam kung saan lupalop nila kinuha eh wala naming bougainvillea sa school. Ano to, pinagplanuhan nila?
"Wow, makaganyan ka, Theo," sabi ni Baste. "Paano na si Paul?"
"Ano, dinamay mo na naman ako na walang kamalay-malay," sagot ni Paul. Kinindatan niya ako na napangiti naman ako.
"Tigilan niyo nga kami!" sabi ko. "Ikaw naman kasi, ikaw tortang talong ka, gatong ka nang gatong sa mga tukso nila."
"Bakit hindi? Eh napapangiti ka kapag tinutukso tayo."
FOOT SPA. Hindi ba niya naiintindihan na sumasabog na lahat ng dopamine, oxytocin, damdamin ko? Pwedeng dahan-dahan lang? Pwedeng isa-isa lang? Ang bata ko pa para mamatay sa heart attack—o siguro, sa nag-iinarte kong puso, heart attach.
"Yan, yaaan," sabi ni Eli. "Problema sa 'yo, Theo, puro ka pasabog pero wala kang torotot. Napapa-happy New Year na lang 'tong si Tasha sa 'yo eh."
"Hoy," depensa ko, "sinong may sabi sa 'yo?"
"Ayaw mo n'on?" Tumingin si Theo sa 'kin. "Araw-araw bagong taon . . . tapos magkasama tayo?"
Napahiyaw 'yong mga kaklase ko. Ang sarap nilang hambalusin kasi hindi nakakatulong sa fragile feelings ko 'yang mga paghiyaw nila.
Biglang nag-bell kaya kailangan na rin naming pumila para sa flag ceremony. Nga lang, na-special mention ang section namin dahil sa kalat na bougainvillea. Nahuli tuloy kami sa pagpasok sa room.
Dumaan ang buong araw. Okay naman kasi puro klase lang. Parehong tuksuhan, parehong emosyon. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na ang sarap ng ganitong nararamdaman. Tipong tingin mo, gusto niyo ang isa't isa. Tingin mo, merong namamagitan sa inyo. Ang problema, tingin mo lang.
BINABASA MO ANG
Lost and Found
RomanceHiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang m...