Chapter 21

6.2K 318 244
                                    

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Hindi ko alam kung papaano kakausapin o titingnan man lang si Theo. Utang na loob, nasa harap ko pa siya nakaupo! Yung puso ko nang pumasok, gusto humiwalay sa katawang lupa. Mag-cut na lang kaya ako ng flag ceremony?

ANO NA?

Nang dumating si Theo, bwisit, ang loko loko, sa akin agad nakatingin tapos nakangiti.

NAKANGITI ANG LOLO NIYO.

Wow, feel na feel naman niya, sa isip-isip ko.

Nang nakita kong papunta siya sa kin, pinabantayan ko yung gamit ko sa isa sa mga kaklase ko sabay harurot sa banyo at nanalangin para isa ikabubuo ng dignidad ko.

"Ano ba, ano ba, ano baaa," sabi ko sa sarili ko. "Eh ano naman? Umamin ka lang naman. Hindi naman maipangbabayad ng tuition yang pag-amin ko."

Napatahimik ako nang may lumabas sa isa sa mga cubicle. NAK NG ANO NAMAN O. Bakit ba paulit-ulit kong pinapahamak ang sarili ko? Ito naman si ateng freshman na lumabas, parang di ko alam kung masama yung tingin sa kin o baka pinaghihinalaan na akong nasisiraan ng ulo.

Sumilip ako sa pinto at nakita lang naman si Theo na papunta sa banyo—

BAKIT SIYA PAPUNTA RITO?

Ano na, ano na, ano na? Naghintay ako ng five minutes. As in . . . WOO. Tiniis ko yung amoy ng banyo para lang hindi lumabas. Siguro naman wala na si Theo.

Sumilip ako saglit. Nag bell na so pumipila na sa labas. Mukhang wala naman na si—

"Gawa mo dyan?"

Napasigaw ako, and remember, nasa banyo ako kaya nag-echo lang naman, at narindi ako sa sarili kong sigaw.

Nga lang, na-stuck sa lalamunan ko yung iba ko pang sasabihin.

"Uy," sabi niya nang nakangiti. Diyos miyo yung ngiti niya nakakagigil.

Ako naman si iwas at si takbo papunta sa grounds, at siya naman si habol. Nakakagat labi lang naman ako kasi hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman pagkatapos lahat ng kahihiyang nangyari. Buti na lang nag-umpisa na yung flag ceremony kaya tahimik na.

Wala ata akong maisip kundi kung anong gagawin ko pagkatapos nito.

Like, hello, eh nasa harap ko siya! Wala akong takas!

Pagdating sa room, todo iwas pa rin ako. Pagdating ni ma'am, saka lang ako umupo. At pagkaupo na pagkaupo ko, bigla siyang tumingin sa likod.

"Usap tayo sa recess?" tanong niya sabay ngiti.

YUNG PUSO KO.

Hindi ako makapagconcentrate. Dati naman, ayos lang eh. Since, alam mo niyo yon? Tuksuhan kahit may feelings pero at least hindi niya alam?

Bakit ang gulo ko? Akala ko ba gusto ko na umamin tapos ngayong accidentally na umamin ako bigla akong sulong abante? Girl, sabi nga nila, learn to face your future husband—char—learn to face your fears.

At ano bang kinakatakot ko?

Yung di niya ako magustuhan pabalik?

Eh ano naman?

Gusto ko ba siya dahil gustong kong gustuhin niya ako pabalik?

Well, hindi naman. Siyempre, bonus na yung gustuhin niya ako pabalik. PERO KASI YUNG GINAWA KO! Hindi iyon yung dream na pag-amin ko. Alam niyo yon? Kahit sabihin mong uso mga cellphone ngayon, gusto ko aamin ako kapag special occasion. Kunwari, sa ferris wheel.

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon