Chapter 11

8.5K 384 224
                                    


"From a scale of one to Tasha, gaano ka katanga?" tanong ni Eli pagkakwento ko noong umaga bago mag flag ceremony.

"Ma. Natasha I. Kaluag—para exceeding Tasha. Ganon ako katanga."

"Eh aminado ka naman pala eh. Bakit tinutuloy mo pa rin?"

"Meron atang something sa mga bagay na hindi natin makuha eh."

"Hindi makuha? Abot na abot mo na nga eh. Pero alam mo yung kayo tong eksena na iaabot tapos babawiin tapos iaabot tapos abawiin? Kasuya!"

"Eh dito siya masaya eh."

"Sigurado ka? Eh paano kung nag-aassume ka lang na diyan siya masaya?"

"So ano, ako magsasabi na 'Theo, do you want to be my boyfriend?' Ganon?! Neknek niya!"

"Hindi naman ganon! Pwede mo namang itanong kung anong meron kayo eh."

"Maraming beses na, Eli."

"Anong sagot?"

Bumuntong hininga ako. "Kung ano anong kabalbalan."

"Ano bang tanong mo?"

"Pag ano...natatahimik kami, sinasabi ko, 'Ano ba to?'"

"Tapos, anong sagot niya?"

"Depende. Kung may hawak ako, kung anong hawak ko. Kunwari, may hawak akong bag, sasabihin niya 'bag.' Kung wala akong hawak, either hangin o utot."

"Gago pala yon eh. Di matino kausap."

"Uy wag mo nga siyang tawaging gago. I'm hurt," biro ko.

"Eh di ikaw na lang. Paano si Paul?"

"Ewan bahala na."

"Uy," tawag ni Theo. Gulat ako na maaga siya ngayon. Buti na lang di niya narinig yung pinaguusapan namin ni Eli.

"O, bakit?"

"Laro daw mamaya, game ka?"

"Uy, sorry, magrereview kasi ako."

Nagsilipana na ang college entrance examinations kaya busy ako. Nonetheless (naks, nonetheless talaga) nag lalast minute review ako. So iyon, halos every day hindi rin ako nakakasabay. Tuwing lunch, tulog ako. Pero gumagawa naman kami ng paraan ni Theo para mag-usap.

Wow, bakit ko ba nasabi yon? Hindi naman kami.

Hinahatid pa riya ako. Nag-uusap at nagtetext pa rin kami tungkol sa iba't ibang uri ng kabalbalan. Di ko nga alam kung paanong yung paulit-ulit na pinaguusapan namin, akala mo bagong topic. Naiinis nga ako eh. After that week, tinutukso niya ako kay Paul. Umiirap lang ako. Si Paul, kebs lang. Iniisip ko tuloy kung talagang nagkunchabahan sila.

Pwes, di ako bibigay.

"Nakita ko si Paul kanina," sabi niya habang umiinom kami sa may tindahan.

"Natural, kaschool natin yon eh. Kaklase pa. Ano ba, dapat ba alam ko lahat? Natural nakikita ko naman lahat no."

"Nakatingin siya sayo kaninang AP nung nagrereport kayo kanina."

"O? Natural, ala na nga doon siya sa hindi nagrereport tumingin. Ay, alam mo ba, si mama hinabol daw ng aso kanina."

"Weh, saan?"

"Dito daw sa min."

"O, eh bakit iniba mo yung usapan?"

"Huh?"

"Yung tungkol kay Paul."

"Ano naman?

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon