1 He's a Gay

14.6K 292 6
                                    

"Ang gwapo nya Best promise, halos malusaw ang panty ko kanina ng makita ko sya, grabe ang kinis ng mukha, matangos ang ilong, maganda ang mata, mahaba ang pilik mata, pantay ang mga ngipin, mapupula ang mga labi, tapos ang ganda nyang manamit ang linis linis nyang tingnan at shit ang bango nya sobra."

Halos tumirik na ang mata ng bestfriend kong si Francine habang idini discribe nya sa akin ang hitsura ng profesor  daw namin sa law.

Hindi kasi ako nakapasok kanina dahil sa nakatulog ako ng mahimbing at hindi ko napansin ang pagtunog ng Alarm clock ko.

"For sure bakla yan." Wala sa loob na sabi ko habang nakatotok ang mga mata ko sa aklat na binabasa ko.

"Grabe ka naman, lahat na lang ng gwapo para sayo ay bakla."

"Kasi yun ang realidad ng buhay, sila ang uri ng mga species na hindi naman nanganganak pero dumadami."

"Alam mo feeling ko lang ha mukhang may pinaghuhugutan yang isyu mong yan sa mga gay."

Natigilan ako sa sinabi nya.

Napaisip ako.

Yung totoo wala naman talaga akong problema sa mga Beks, Ang ayaw ko lang ay yung mga lalaking mapagkunwari, yung mga lalaking pilit itinatago ang tunay nilang pagkatao.

Mga lalaking nagkukunwaring tuwid pero ang totoo isa palang maanghang na paminta. At marami akong kilalang ganyan.

" Wala akong isyu sa kanila okey, marami akong kasamahan sa trabaho na mga gays at mga ka close ko sila, ang ayaw ko lang ay yung mga  mapagbalatkayo.

Yung mga lalaking hindi matanggap sa sarili nila na lalaki rin ang gusto nila, tapos magtatanong kung bakit hindi sila matanggap ng pamilya nila, at ng lipunan eh kung sarili nga nila di nila matanggap. “

Mahabang litanya ko.

"Hala may isyu ka nga… pero best Hindi si Attorney Aragon lalaking lalaking sya promise makikita mo bukas."

"Hmmp... okey ako ang kikilatis sa kanya bukas kasi ako malakas ang pang amoy ko sa paminta isang tingin ko pa lang alam ko na kung ano ba ang kulay ng dugo ng isang lalaki."

"Okey sige. Pero sinisigurado ko sayo 101% sure ako na lalaki sya."

¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Lucelle Punzalan!."

Biglang nagising ang diwa ko dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko ng prop ko sa panghuling subject ko ng araw na yun.

"Natutulog ka na naman Ms. Punzalan." Sita sa akin ng medyo may edad ng babaing propfesor namin.

"Sorry maam."

Nakita kong nagbulungan ang mga Bratenela kong kaklase.

Alam kong ako ang pinagbubulongan nila, madalas kasi akong nakakatulog sa klase dahil sa pagod at antok. Pero hindi ko ikinahihiya yun.

Isa akong working student, call center agent sa gabi at estudyante sa umaga.

Sa edad kong 25 years old ay graduating pa lang ako sa kursong Law.

Every semester ay hanggang 15 units lang ang kinukuha kong subject sa dalawang kadahilanan una yun lang ang kaya ng oras ko at ikalawa yun din lang ang kaya ng budget ko.

Yung totoo hindi naman talaga kami mahirap pero hindi naman milyonaryo tama lang kaya lang ako itong may problema kaya ganito ang buhay ko. Pero ayaw ko na munang isipin yun.

Makalipas ang walong taon sa kolehiyo sa wakas heto ako makaka graduate na rin sa wakas ng law.

Last sem ko na to kaya kailangan ko ng pagbutihan .

Pilit kong pinaglabanan ang antok ko at ibinigay ko ang aking buong atensiyon sa aking prof na nagtuturo sa unahan.

Pahkatapos nanpagkatapos ng klase ko ay nagmamadali na akong naglakad palabas ng campus, may apat na oras pa ako bago ang shift ko sa call center na pinatatrabahohan ko, ibig sabihin may higit dalawang oras pa ako para matulog.

Lakad takbo ang ginawa ko, hindi katulad ng mga eatudyanting kasabayan ko na tila ba naglalakad sa ilalim ng buwan.

Ng biglang may bumangga sa akin dahilan para ma out balance ako dahil sa high heels na suot ko.

Ngunit ang inaasahan kong pagbagsak ay hindi nangyari dahil sa may bisig na pumulopot sa beywang ko, kaya sa halip na matumba ay napasubsob ako sa malapad nyang dibdib.

"I got you..." Sabi ng baritonong boses na pagaari ng lalaking nakayakap sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses nya.

Nahigit ko ang aking hininga dahilan para manuot sa ilong ko ang napakabango nyang amoy.

Parang sa pilikula dahan dahan ko iniangat ang mukha ko para makita kung sino ang nakabanga sa akin.

At parang bumagal ang pag takbo ng oras ng makita ko ang mukha nya.

Ang gandang lalaki nya.

Makinis na mukha, matangos na ilong, magandang mata, pantay na ngipin at mapupulang labi.

Hes a gay! sigaw ng utak ko.

And he looks familiar.
Bigla ko syang itinulak dahilan para makawala ako sa yakap nya.

"Sorry." Sabi ko sabay yuko para pulutin ang mga gamit ko na tumilapon.

Pero bago pa ako makayuko ay hinawakan nya na ako sa braso at pinigilan sa gagawin ko.

"What.?" Pagalit na tanong ko sa kanya.

Ewan ko ba kapag kasi nakaka amoy ako ng paminta umiinit ang ulo ko.

Tama nga siguro may isyu ako sa mga gay.

Pero itong lalaking kaharap ko hindi naman sya mukhang bakla pero ang inner mind ko iba ang sinasabi and i trust my instinct kasi madalas tama sya.

Hes a gay and i don't like him.
Hinubad nya ang coat na suot nya at itinakip iyun sa harapan ko.

Tatangalin ko sana iyon ng pigilan nya ako.

"Don't you dare... Hindi porket malaki na yang dibdib mo pwede mo na yang ipakita sa iba."Mariing sabi nya sa boses na lalaking lalaki.

Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin iniangat ko ang coat nya at tiningnan ang dibdib ko na sinasabi nya.

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon