"Hindi ako aalis dito." pagmamatigas ko.
Tumikhim ang kaibigan kong si Francine na alam kong kanina pa nagugulohan sa usapan namin.
"Ahem excuse me pweding sumali sa usapan nyo."
Tiningnan ko sya ng masama.
"Ah Best ang pumayag ka na na lumipat tayo ng tirahan kasi ano eh di ba alam mo naman na tatlong buwan na tayong di nakakabayad dito, pinalalayas na tayo ni aling loring." Tila nahihiya pang dabi nya.
Napapikit ako sa sinabi ni france, totoo kasi yun.
Pero hindi pa rin kami pweding tumira sa pent house nya ano na lang ang sasabihin ng ibang tao lalo na ang mga taga university na magka live in kami ng profesor at boss ko. At baka yun pa ang maging dahilan para hindi ako maka graduate.
"Gagawan ko ng paraan maghahanap ako ng perang ipambabayd kay Aling Loring."
"Look Bernadette i don't want to do this pero kung hindi mo susundin ang gusto ko tatawagan ko ang pamilya mo at ipapaalam ko sa kanila ang kinaroroonan mo at kung papano mo pinahihirapan ang sarili mo."
"Binabalaan kita Aragon wag na wag mong gagawin yan."
"Binabalaan din kita Punzalan wag mo akong hahamonin dahil sa pagkakataong ito gagawin ko ang lahat maialis ka lang sa lintik na lugar na to. Shit ang dami kong bahay at penthouses tapos ikaw nakatira ka sa ganitong lugar aba mas maganda pa ang barn house natin sa hacienda kaysa sa dito. "
"Shut... Up!! "Mariing sabi ko sa kanya bago ko tinapunan mg tingin ang lalong nagulohang si France.
"Kung gusto mo akong manahimik gagawin mo amg gusto ko, o pasasabugin ko amg bulok na boarding house na ito. " Galit na sabi nya.
At nakakatakot sya kapag galit dahil ginagawa nya kung ano ang sinasabi nya.
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Jacob, ayaw kong malaman ng magulang ko kung nasaan ako.
Naglayas ako 5 years ago madalas naman akong nagpaparamdam sa kanila sa pamamagitan ng cellphone but using defferent number everytime i call them.
Ang alam nila maganda ang buhay ko, nakapagtapos ng pagaaral at isa ng ganap na abogado na nagtatrabaho sa isang law firm.
Ayaw kong malaman nila ang totoo na hindi pa ako nakakapagtapos ng pagaaral dahil sa hindi ko kayang mag full load kasi bukod sa hindi kaya ng sweldo ko hindi pa kaya ng oras ko kasi working student ako st hindi scholar tulad ng inaakala nila.
Ang dami ko ng kasalanan sa magulang ko kaya hindi ko gugustohing humarap sa kanila hanggat wala akong maipagmamalaki sa kanila.
Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi kami sa penthouse nya titira kundi sa kaharap na unit nya.
Three bedroom condominium unit ang kinuha nya para sa amin.
Fully furnish, ang mga gamit hindi basta basta lahat mamahalin. At naka centralize aircon.
"Wow.... seryoso dito kami titira."Hindi makapaniwalang sabi ni Francine.
"Yes... yung kaharap na pinto sa akin yun kaya kung may kaikangan kayo katokin nyo lang ako."
"Ang laki naman nito sana yung maliit lang ang kinuha mo sanay naman kami sa maliit na tirahan."
"I want the best for you so don't complain... "
"Wow best puno ng pagkain ang ref at puno rin ng groceries ang cup board ang galing." Sigaw ni France mula sa kusina.
Napapikit ako sabay kuyom ng aking kamao para pigilan ang galit ko. Kanina pa ako nagtitimpi kay jacob.
Ayaw ko lang talagang magaway kami sa harap ni France kasi sigurado uulanin na naman ako ng katanungan ng kaibigan ko.
"Ito ang susi ng sasakyan mo, alam ko na marunong kang mag drive at may lisensya ka kaya hindi na kayo ipagdadrive ni manong. Pero kung ayaw mong mag drive ako ang maghahatid sundo sayo."
Enough of this. Hinablot ko sya sa kamay at hinila palabas ng unit namin papunta sa penthouse nya na nasa tapat lang namin.
"Buksan mo." utos ko sa kanya.
"Ikaw magbukas, aniversary natin ang password nyan. "
Napatingin ako sa kanya.
"Anong aniversary.? " Nagugulohang tanong ko.
Pero yung didib ko ang lakas ng kabog.
"Bakit may iba pa tayong aniversary.? " Sarvastic na sabi nya.
Hindi man sigurado ay pinindot ko ang buwan petsa at taon na nasa isip ko.
At bumukas nga.
"I'm happy that you still remember it, mukha hindi ako magisang nagsi celebrate ng araw na yan. " Nakangiting sabi nya.
Lalong naghuramintado ang aking puso.
Pero ayaw kong magpa apekto.
Wala akong panahong makipaglaro sa larong gusto nyang laruin.
"What do you think your doing Mr.Aragon.?" Puno ng diin at nakapamewang na sabi ko sa kanya.
"What do you think its is Bernadette.?" Balik tanong nya sa akin.
"Pinakikialaman mo ang buhay ko."
"Ginagawa ko kung ano ang makakabuti para sayo."
"Na hindi ko gusto na gawin mo... look here Jacob."
"Its Rafael for you." Putol nya sa sinasabi ko.
"Whatever... as i was saying... Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo dyan sa utak mo kung ano bang binabalak mo. But please leave me alone ayaw ko ng magkaroon ng anomang kaugnayan sayo, sobra sobra ko ng ikinahihiya ang sarili ko dahil sa mga pinagagawa kong katangahan noon na kahit sa panaginip ayaw ko ng ulitin. Subalit kung lagi kang nandiyan hindi malayong maulit na naman yun, Rafael aaminin ko hindi sapat ang limang taon para tuluyang mawala sa puso ko ang bahagi na inukupa mo dito." Itinuro ko ang bahagi ng dibdib kung saan naroroon ang puso ko.
May sumilay na munting ngiti sa labi nya na hindi ko alam kung para saan."Pero wag kang magalala ginagawa ko naman ang lahat para tuluyang mawala ang kung anomang damdamin dito sa puso ko na meron ako para sayo."
Singbilis ng kidlat na nakalapit sya sa akin at bigla nya akong hinapit sa beywang.
At yung mukha nya halos dumikit na sa mukha ko.
Puno ng emosyon ang kanyang mga mata. Emosyon na hindi ko mabasa.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Don't do that."Hindi ko sya maintindihan.
"Do what.?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Wag na wag mo akong aalisin sa puso mo. Because i want to stay inside your heart foreever."
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Ficción GeneralAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...