"Besty yung totoo... matagal na kayong magkakilala no Atty Aragon no.?" Pangungulit sa akin ni Francine.
Kanina pa sya nagtatanong sa akin ng kung ano ano tungkol sa walanghiyang jacob na yun at hindi ko sya gustong sagutin.
"Ano... magsabi ka na nga ng totoo may past kayong dalawa no.?"
"Wala!!!.... hindi ako pumapatol sa bakla.!" Pasigaw na sagot ko sa kanya dahilan para makuha namin ang atensiyon ng mga kumakain sa canteen.
Pinandilatan ako ni Francine bago nya ako hinila palabas.
Natapos ang maghapon na nakatulala lang uli ako. Wala akong natandaan sa kahit na anomang itinuro sa amin ng mga prof namin.
Palabas na kami ng gate ng umalingawngaw sa buong campus ang bell na naghuhudyat na may mahalagang anouncement ang admin.
Tumigil kami saglit ni France para makinig.
"Announcement the ARU admin is in need of a student assistant for those student who are interested please proceed the HR department. Thank You."
"Announcement the ARU admin is in need of a student assistant for those student who are interested please proceed the HR department. Thank You."
Nagkatinginan kami ni Francine, noon ko din lang naalala ang sinabi sa akin ni Jacob.
Walang sabi sabing ibinigay ko kay France ang hawak kong aklat at tumakbo na ako papunta sa opisina ng HR.
Pagdating ko doon ay may mga nakapila na lahat ay gustong mag apply na student assistant.
Kinabahan ako. Ito na lang ang pagasa ko para maka graduate, sana makuha ako.
Mahigit isang oras din akong pumila bago ako tinawag at may mga nakasunod pa sa akin kaya alam ko na manipis ang tsansa na makuha ako pero kailangan ko pa ring subukan.
Simple lang naman ang tanong sa interview madali ko namang nasagotan.
At tulad sa mga naunang inaplayan ko tatawagan na lang daw nila ako.
Naglalakad ako magisa palabas ng Uni dahil pinauna ko ng umuwi si Francine, ng may tumigil na sasakyan sa tapat ako.
Minsan ko pa lang nakita ang sasakyan na yun pero kilalang kilala ko na iyun.Nagmadali ako sa aking paglalakad.
Bumukas ang driver seat at lumabas doon ang may ari.
Si Jacob.Lalo kong binilisan ang paglalakad halos tumakbo na nga ako.
Pero mas mabilis sya kaya inabotan nya rin ako.
Walang sabi sabing hinila nya ako papunta sa sasakyan nya.
Pilit ako nakikipag matigasan sa kanya."Bitiwan mo ako ano ba."
"Ayaw mo naman sigurong makatawag tayo ng pansin ng mga kapwa mo estudyante di ba.?"
Nagpalinga linga ako. Wala pa namang nakakapansin sa ginagawa nyang paghila sa akin maliban sa mga guard na nasa gate.
Ng makita kong may mga grupo ng estudyante na paparating ay agad akong yumuko at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan nya.
Ayaw kong maging sentro ng usapan ng mga tsismosang estudyante ng University.
"Ano na naman bang kailangan mo sa akin ha.?" Pagalit na sabi ko sa kanya ng nakaupo na sya sa Driver seat.
Hindi sya sumagot sa halip inisitart nya ang sasakyan at pinaandar iyun taliwas sa dereksiyon ng boarding house ko.
"Saan mo ba ako dadalhin... itigil mo ito at baba na ako." Utos ko sa kanya.
"Iuuwi kita."
"Iuuwi mo ako eh hindi naman papunta dito ang boarding house ko kundi doon sa kabila."
"Bakit sinabi ko bang sa boarding house mo kita iuuwi."
"What.? At saan mo ba ako balak iuwi ha.?"
"Sa bahay ko."
Halos magwala na ako sa loob ng sasakyan nya at namamaos na rin ako sa katatalak pero hindi nya talaga itinigil ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa pent house nya na nasa top floor ng isa sa pinaka mahal na condominium building sa makati.
Naghihilahan pa nga kami papasok sa elevator dahil ayaw ko talagang sumama sa kanya.
May sarili syang elevator kaya wala kami kasabay sa loob.
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin ha.? Kasi ako ayaw ko ng magkaroon ng anomang kaugnayan sayo. Kaya nga nagpakalayo layo na ako di ba, kasi ayaw na kitang makita."
Puno ng diing sabi ko sa kanya.
"So ganun na lang yun, pagkatapos ng nangyari sa atin bigla ka na lang aayaw, bigla ka na lang lalayo at parang bulang maglalaho." Mataas na rin ang boses nya kaya alam kong galit na rin sya.
"At anong gusto mong gawin ko ha patuloy na maghabol sayo samantalang iba naman ang gusto mo ay hindi pala pareho pala tayo ng gusto lalaki. Shit lang ang boba ko kasi magkakagusto din lang ako sa bakla pa."
Nagsalubong ang mga kilay nya.
"Say that again."
"Alin yung ang boba ako.?"
"No... the last one."
"Bakla ka." Walang pagaalinlangang sabi ko.
Bigla nya akong hinapit sa beywang at idinikit sa dingding ng elevator.Napasinghap ako sa ginawa nya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nanonoot sa ilong ko ang kanyang mabangong amoy.Nagiba ang ritmo ng aking paghinga.
Magkadikit na magkadikit ang mga katawan namin mula sa dibdib hanggan sa ibaba ng puson ko may naramdaman akong matigas na bagay na nakadaiti sa ibaba ng aking pusod at alam na alam ko kung ano iyon.
Naginit ang buong katawan ko.
Mataas sya sa akin kaya tiningala ko sya ng bahagya, hawak nya ang cellphone nya sa kanyang isang kamay at may idinadayal syang numero at nagriring iyun, alam ko kasi ini loudspeaker nya ang cp nya.
Tumingin sya sa mata ko habang hinihintay ang pagaagot ng kung sino mang tinatawagan nya.
"Hello Boss." sagot ng lalaki na nasa kabilang linya.
"i disable nyo ang lahat ng CCTV sa unit ko ngayon na."
"Yes Boss"
At pinutol nya na ang tawag.
Tapos may ginawa pa sya sa phone nya bago iyun Ibinalik sa bulsa ng kanyang pantalon at tsaka itinukod ang isa nyang kamay sa gilid ng ulo ko, habang ang isa ay nakapulopot pa rin sa beywang ko.
"Say it again." Deretso ang tingin nya sa aking mga mata.
Kinabahan ako sa klase ng pagkakatitig nya sa akin. Ngunit ayaw kong makitaan nya ako ng kahinaan minsan na akong naging mahina sa harap nya, pero hindi na sa pagkakataong ito.
"B..A..k..L..A..."
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sinelyohan nya na ng labi nya ang labi ko.
Pigil sa gitna ang hininga ko at nanlaki ang mga mata ko.
Then his lips start moving on mine.
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Ficción GeneralAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...