"Oh shit." Pagmumura ko ng makita kong nawawala ang dalawang unahang butones ng blouse ko, tuluyan na nila akong iniwan, kanina pag bihis ko napansin ko ng malapit ng matangal ang mga iyun, pero dahil nga sa late na ako hindi ko na lang muna iyon pinansin.
Kaylan pa ba ito natanggal.?
Baka naman kanina pa, ibig sabihin kanina pa nakasilip ang dibdib ko yaikz nakakahiya.
Nakita kong tapos ng pulutin ng lalaking paminta ang gamit ko kukunin ko na sana iyun sa kanya pero inilayo nya iyon sa akin at bago pa ako makapag reklamo ay hinawakan nya na ako sa kamay at hinila ako papunta sa parking lot ng Uni.
"Sandali!" Pasigaw na sabi ko sa lalaking nakabanga ko at basta na lang nanghila sa akin.
Tumigil naman sya sa paglalakad pero hindi nya pa rin binitiwan ang kamay ko.
"Bitiwan mo nga ako... " Pilit kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at nagtagumpay naman ako.
"Sino ka ba ha sa palagay mo at pwede mo akong hilahin kung saan mo gusto. Akina na yang gamit ko at uuwi na ako." Pagalit na sabi ko sa kanya.
"Ihahatid na kita."
"No way." Mariing sabi ko.
"Yes way high way baby... ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo dahil magkamatayan na hindi ako papayag na maglakad ka sa kalye na nakalantad yang dibdib mo." Galit na rin na sabi nya.
Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko na natatakpan ng coat nya.
Pamilyar talaga sya. yung mukha nya yung pananalita nya.
"Sobra ka naman nakalantad talaga eh may suot naman kaya akong bra."
"Whatever.. still walang ibang pweding makakita nya..maliban sa akin"
Hindi ko na naintindihan ang huli nyang sinabi dahil sa pabulong na lang ang pagkakasabi nya noon.
"Anong sabi mo.?"
"Wala sabi ko sumakay ka na."
Binuksan nya ang pinto ng
mamahaling sports car na nasa tapat namin.Nanlaki ang mata ko ng makita ang sasakyan nya.
Iyun ang bagong bagong labas na sports car ng kilakang car company at ikinukonsidera iyon na luxury car dahil sa milyong halaga niyon.
"Whoah.... sasakyan mo to.?"
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Ay hindi sa kapitbahay ko." Sarcastic na sabi nya.
Even the sarcasam sounds familiar.
Hala bakla nga nagtataray eh...Pabulong na sabi ko.
"Anong sabi mo.?"
"Wala sabi ko gandur ng sasakyan mo teng.." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay pasok sa binuksan nyang pinto ng sasakyan nya.
Since my instinct tells me that hes a gay so harmless naman yata sya most of the gays are.
Tama naman kasi sya alangan namang maglakad ako sa kalsada na nakaluwa ang dibdib ko.
Halos hindi ko mapigilang mapanganga ng makasakay na ako sa sasakyan nya, kulang na lang ay haplosin ko ang bawat bahagi niyon para lang mapatunayan sa sarili ko na nakasakay nga ako sa ganun kagarang sasakyan.
Nang pumasok sa driver seat ang lalaki/gay ay nanoot sa ilong ko ang napakabango nyang amoy hindi sya amoy bakla amoy lalaking lalaki sya...hmmm mapanlinlang na bading.
Pero kahit ang amoy nya pamilyar sa akin.
At ng magsimula ng umandar ang sasakyan ay para na akong idinuduyan, wala kang maririnig na ingay at napa smooth ng takbo nito.
Inaantok tuloy ako.
(~O~)zZ(~O~)zZ(~O~)zZ(~O~)zZ
Hmmm wow nasa langit na ba ako, ang lambot at ang bango kasi ng kamang kinahihigaan ko at ang unan parang ulap sa lambot at ang kumot humahalimuyak ang bango na para bang pinaghalohalong bango ng sari saring bulaklak, at ang lamig ah parang naka full blast na aircon.
Wait aircon.
Kaylan pa nagkaroon ng aircon sa silid namin ni Francine at kaylan pa naging ganito kabango at kalambot ang kama ko.
Bigla akong bumalikwas ng bangon.
Pak! nauntog ang noo ko sa isang matigas na bagay.
"Ouch!" sigaw ko
"Fuck!" Sigaw din ng isang lalaki.
Doon na nagising ang buong diwa ko.
"Ahhh.." Tili ko.
"Sino ka anong ginagawa mo sa silid ko. Anong ginawa mo sa akin."
Bigla ako pinitik ng lalaki sa gitna ng aking noo.
"Ouch!" Muli kong hiyaw pitikin nya ba naman ang noo ko na dati ng masakit dahil sa pagkakauntog ko kanina.
"Ano ba.?" Reklamo ko.
"Anong ano ba... bumangon ka na dyan at maligo ka na malelate ka na sa klase mo." Sabi nya sabay lapag sa kama ng uniporme ko at may kasama pang bagong bra at panty.
"Ipinaayos ko na yang uniporme mo at ipina dry clean ko na rin kaya malinis na na yan. Bilisan mo ng kumilos at mahuhuli ka na naman."
Noon lang na sink in sa utak ko ang nangyari sa akin.
"Oh shit... anong oras na... anong oras na....?" Nag pa panic na sabi ko habang hinahaloghog ang bag ko na nakapatong bedside table.
Ng makuha ko ang cellphone ko ay agad kong tiningnan kung anong oras na.
7:00 oclock.
"Hay salamat hindi pa ako huli sa trabaho ko.... kailangan ko ng makauwi may pasok pa ako.
Nasaan ba kasi ako at bakit ako napunta dito.?"
Tanong ko sa lalaki/gay na nakatayo sa paanan ng kama.
"Nasa pent house ko, nakatulog ka sa sasakyan ko at hindi ka magising gising kaya dito na kita dinala."
"Hala pano ako napunta dito sa kwarto mo.? kung nakatulog ako sa sasakyan mo.?"
"Ay Nag sleepwalk ka..." Sarcastic na sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay ang taray ng bakla.
"Natural binuhat kita kasi nga tulog na tulog ka, tulo laway ka pa nga."
Napahawak naman ako sa hilig na labi ko.
"Hindi ah." Tanggi ko.
Noon ko lang napansin ang damit na suot ko.
Isang panlalaking T-shirt at boxers.
Naginit bigla ang mukha ko.
"Sinong nabihis sa akin, ikaw ba.? pinagsamantalahan mo ako no.?"

BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Fiksi UmumAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...