8 Her Secret

5.4K 199 3
                                    

Dahil sa wala na si Chelsea sya na ang naging bestfriend ko na lihim kong minamahal.

Its on his last year in college ng naging matindi na ang problema nila ng daddy nya. Madalas na silang magaway dahil daw sa pagiging iresponsable ni Jacob. Puro lang daw barkada ang alam nito.

Hanggang sa nakagraduate sya ng college at naging isang ganap na abogado.

Mas lalong naging grabe ang away nila dahil sa ayaw ni Jacob na magtrabaho sa kompanya nila.

Kaya nagpasya ang daddy nya na ipakasal sya sa anak ng kaibigan nito.

Halos gumuho noon ang mundo ko. Okey na kasi ako na lihim ko lang syang minamahal kahit pa alam ko na walang katugunan iyon mula sa kanya. Masaya na ako na araw araw ko syang nakikita at nakakasama kahit pa isang oras lang yun sa maghapon.

Kasi alam ko na may pagasa pa para maging akin sya, pero kapag nagpakasal sya wala na tuluyan na syang mawawala sa akin.

Ilang beses nya ng binalak maglayas sa kanila pero hindi nya naman magawa gawa.

Ewan ko ba kayang kaya nya namang gawin yun kasi mayaman sya hindi dahil sa kayaman ng mga magulang nya kundi dahil sa bata pa lang sya ay nagsimula na syang magipon at mag invest sa ibat ibang negosyo at hindi yun alam ng parents nya.

Minsan ko na rin syang kinausap na umalis na lang sya para hindi sya maipakasal ng daddy nya sa babaing hindi nya naman gusto pero sabi nya hindi raw pwede, tinanong ko sya kung bakit hindi pwede eh kaya nya namang mabuhay ng wala ang magulang nya. Ang sagot nya lang sa akin ay "Basta hindi ako pweding umalis hindi ko kaya, natatakot ako." Yun madalas ang dahilan nya.

Ang sabi pa nya gagawan nya na lang daw ng paraan para hindi sya makasal sa babaing pinili ng daddy nya basta magtiwala lang daw ako sa kanya.

At kinagabihan noon may kumatok sa bintana ng silid ko ng hating gabi ng buksan ko isang bogbog saradong Rafael Jacob tumambad sa akin.

Halos madurog ang puso ko sa nakita ko. Isinama nya ako sa isang hotel kung saan daw sya pansamantalang nanunuloyan at doon ginamot ko ang mga sugat at pasa nya.

At doon nalaman ko ang dahilan kung bakit sya ipinabogbog ng daddy nya.

"Bhe.... alam na nila lumantad na ako." Sabi nya sa mahinang tinig.

"Anong ibig mong sabihin anong alam na nila anong lumantad.?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sa kanila na hindi ako pweding magpakasal kasi..... kasi...." Nakita kong may pumatak na butil ng mga luha sa mga mata nya.

"Bernadette... bakla ako.... I'm a gay kaya hindi ako pweding magpakasal sa babaing yun kasi iba ang gusto ko may mahal akong iba at mahal na mahal ko sya."

Para akong nauupos na kandila sa sinabi nyang iyun. Pakiramdam ko unti unting dinudurog ang puso ko.

Matatangap ko pa na magpakasal sya sa ibang babae kasi at least kahit maging kabit nya lang pwede pero yung maging bakla sya.

Hindi ko kaya.

Iniwan ko sya ng gabing yun umuwi ako sa bahay at doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa wala ng mailabas na luha ang mga mata ko.

Pero kahit yata anong gawin ko hindi talaga mawawala ang pagmamahal ko sa kanya kasi mahal na mahal ko sya kahit pa bakla sya at kahit pa may mahal syang iba.

Kinabukasan binalikan ko sya sa hotel na tinutuluyan nya at doon naabotan ko sya kasama ang mga kaibigan nya at alam mo kung ano ang mas masakit may kayakap sya yung bestfriend nya na si Ronald.

Shit lang bakit ba hindi ko agad nahalata yun kaya pala close na close sila ni Ronald, kaya pala hindi sila mapaghiwalay yun pala sya yung lalaking sinasabi nyang mahal na mahal nya.

👈👈👈👈👈👈👈👈

"Bernadette please magsimula tayong muli kahit sa pagkakaibigan lang uli, maging magkaibigan uli tayo."

Noon lang bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko.

Tiningnan ko sya sa mata.

Nandun pa rin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko kapag ginagawa ko yun tulad pa rin noon walang nagbago.

Isang mapanguyam na ngiti ang sumilay sa labi ko.

"Kaibigan talaga Rafael. You think pagkatapos ng nangyari sa atin noon at pagkatapos nating magkainan ng bibig at magpalitan ng laway kanina pwede pa tayong maging msgkaibigan.?"

Nakita kong pinamulahan sya ng mukha o baka imagination ko lang.

Pero agad then naman syang nakabawi.

"okey kung hindi tayo pweding maging magkaibigan Lets be lovers then."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Batokan ko nga. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun sadya nga yatang old habbit never die ba yun?.

"Ouch!" Reklamo nya.

"Ako ngay wag mong pinaglolokong bakla ka."

Bigla syang ngumiti yung ngiti nyang makalaglag panty.

"Thats a good sign we talk this out. Dito ka na matulog at magdamag tayong maguusap para ayusin ang mga issues natin sa isat isa."

"No way."

"Yes way...higway Bebhe ko.... after all were bestfriends back then at siguro naman hindi mo kakayaning basta basta na lang itapon ang mga pinagsamahan natin noon."

Its more than that... hindi lang pagkakaibigan ang pinagsamahan namin noon higit pa dun.

Kaya pa nga ba naming bumalik sa dati na hindi bumabalik ang sakit.

Kaya ko pa nga bang maging parte uli sya ng buhay ko ng hindi nasasaktan kasi alam ko sa srili ko mahal ko pa rin sya hanggang ngayon kahit pa paulit ulit nya pa akong sinaktan noon.

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon