7 His Second chance

5.9K 205 4
                                    

Pumasok ako sa banyo at napag pasyahan kong mag half body bath na rin tutal may dala naman ako laging panty sa bag ko.

Pagbaba ko ay nakahanda na ang pagkain sa mesa, pero wala si Jacob. Baka lumabas lang sandali at may binili.

Naglagay na ako ng plato at kubyertos habang hinihintay ko sya.

Maya maya lang ay lumabas sya mula sa banyo sa baba, naka paligo at nakabihis na rin sya.

Naginit ang mukha ko ng makita ko ang damit na suot nya.

Ang ka partner ng suot kong shirt.

Spell Akward.

Na agad ding naglaho dahil sa pagtawa nya na sinabayan ko na rin ng walang anomang sinasabi.

Magkasabay kaming dumulog sa mesa, kumain kami na puro safe topic lang ang pinaguusapan more on about sa parents nya at kay chelsea na isa ng ganap na journalist at may sarili ng TV show sa isang top rating TV network.

Pagkatapos naming kumain at magligpit ay naupo kami sa mag kabilang side ng mahabang sofa sa sala at nanood ng TV pero kapwa naman kami wala doon ang buong atensiyon.

Ng maramdaman kong hindi na naman ako komportable sa sitwasyon namin ay pinili ko ng magpaalam.

"Hmmm Raf... i think i should be going."

Akmang tatayo na sana ako ng mabilis syang umusod sa tabi ko at maagap na hinawakan ang kamay ko.

"No.... I mean... please stay for tonight...." Hindi sya mapakali para bang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi-sabi.

"Ah... this may sounds insane but i want you to stay. Magusap tayo about us... about what happened between us."

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko.

"Wala naman tayong dapat pagusapan."

"BheDette alam nating pareho na marami tayong dapat." pagusapan. "

"Jacob please. kalimutan na lang natin ang nangyari okey lets go on with our life, isipin na lang natin na hindi nangyari ang mga nangyari noon."

Bigla syang tumayo at humarap sa akin.

"How i wish ganun lang yun kadali. Fuck! Bernadette you never know the hell i been through for the last five years of my life." Puno ng emosyong sabi nya.

Napakunot ang noo ko hundi ko maintindihan ang sinasabi nya. Ano naman ang kinalaman ko sa impyernong sinasabi nya.

"I also have my own hell for the past 10 years Jacob pero nakapag move on na ako, masaya na ako ngayon sa buhay ko, so please hayaan mo na ako live your own life and i live mine."

Inihilamos nya sa kanyang mukha ang kanyamg dalawang kamay palatandaan na desperado na sya sa hindi ko malamang kadahilanan.

Tumingala muna sya bago muling humarap sa akin.

"Hindi ko alam kung magigimg masaya ba ako para sayo kasi ako pakiramdam ko mababaliw na ako. Oo nga heto ka sa harap ko ang lapit lapit mo, pero pakiramdam ko hindi kita kayang abotin, kasi napakalayo mo...Alam ko naman kasalanan ko kung bakit ka naging ganyan, ako ang nagtulak sayo palayo. Pero gusto kong malaman mo na pinagsisihan ko lahat ng kasalanan ko sayo noon at gusto kong bumawi sayo ngayon."

Ayan na naman ang napakabilis na tibok ng puso ko.

Muli syang naupo sa tabi ko.

Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

"Bhe alam ko na masyado ng huli para humingi ako ng tawad sayo para sa lahat ng mgakasalanang ginawa ko sayo noon sa mga sinabi ko lalo na sa mga pananakit na ginawa ko sayo. But stil I want to say I"m sorry....I'm very very sorry."

Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at finala iyin sa labi nya.

"Please forgive me. and pleaae give me another chance just once more chance to make it up to you. Lucelle Bernadette can we start over again."

Second Chance.... a chance to start over again.

Kaya ko ba yung ibigay sa kanya, matapos ang mga pinagdaanan ko noon sa kanya.

Definitely no.

Hindi birong sakit ang naranasan ko noon dahil sa kanya at hindi ko na gugustohin pang muling pagdaanan yun.

At parang replay sa pilikula na bumalik sa alaala ko ang lahat.

👇👇👇👇👇👇👇

Nagmula kami sa isang malayong probinsya, teacher sa isang pribadong paaralan na pagaari ng mga Aragon ang nanay ko.

Personal tutor ng mga anak ng magasawang Aragon ang nanay ko samantalang ang tatay ko naman ay member ng board ng kompanya na pagaari pa rin ng mga Aragon.

Best friend ang daddy ko at daddy nya.

Mababait ang mga Aragon sa katunayan sila mismo ang nakiusap sa akin na kaibiganin ko ang dalawa nilang anak na sina Jacob at Chelsea.

Kadarating lang kasi nila mula sa ibang bansa para dito na sila magpatuloy ng pagaaral sa sarili nilang University.

15 years old na ako noon 18 si jacob at kaidad ko si chelsea.

Madali kong nakagaanang loob si Chelsea naging magka klase kami sa high school.

Naging best friend ko si Chelsea pero si Jacob mailap sa akin.

Actually mailap naman talaga sya sa lahat pati sa mga magulang nya kasi may relationship issue yata sila ng parents nya

Pero hindi naging dahilan ang pagiging mailap nya para hindi ako magka crush sa kanya, kaya ginawa ko ang lahat para magkalapit kami.

Ginawa ko ang lahat para mahulog sa akin ang loob ni Jacob.

Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na okey na kami. As in close na close na kami, minsan nga nagseselos na si Chelsea kasi pakiramdam nya daw hindi sya ang best friend ko kundi si Jacob.

Nagpatuloy ang pagkakaibigan namin at patuloy din na lumalim ang lihim na damdamin ko sa kanya.

Hanggang sa mag kolehiyo kami ni Chelsea.

Si Chelsea lumipat ng Maynila para doon magaral ng Journalism.

Kami ni Jacob naiwan sa probinsya.

Sa kolehiyo pinili kong kumuha ng abogasya tulad ni Jacob.

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon