Nanlaki ang mga mata ni Jacob.
Mukhang nabuhay pati kaluluwa nya.
"Say that again. " Sabi nya.
"Ayaw. " Sabi ko na pilit itinatago ang aking mukha sa aking dalawang palad.
Nahihiya kasi talaga ako kaya alam kong nangangamatis ang mukha ko.
Pilit inalis ni Jacob ang aking kamay.
Abot tainga ang ngiti nya.
"Okay... Narinig ko na naman yan noon... Ang gusto ko iparamdam mo na lang sa akin yan at ganun din ang gagawin ko. Mrs Lucelle Bernadette Aragon. "
At muli nya akong hinalikan na agad ko namang tinugunan.
Kung nahirapan ako kay Jacob mas nahiralan ako kay Chelsea at Jayson, mukhang hindi lang kasinsilang nalasing ng husto kundi napagod din sila ng husto.
"Sa kama ko pa talaga."
Pagrereklamo na naman ni Jacob.
"Kuya talaga akala mo naman wala kang ibang babaing inihihiga dyan sa kama mong yan noong nawawala si Lucy. "
Pangaasar ni Chelsea sa kapatid.
"Wala talaga, kasi mula ng ikinasal ako wala na akong ibang babaing ikinama, hindi ako katulad ng iba dyan. "
Biglang bumanhon si Jayson.
"Hoy... Hoy... Hoy... Wag nyo akong maisalisali sa usapan nyong yan ha. Kung faithful ka mas ako."
Sasagot pa sana si Jacob pero pinandilatan ko sya kasi biglang sumama ang mukha ni Chelsea kaya nanahimik naman sya.
"Kailangan ba kasama kami.?"
Reklamo ni Chelsea na nakapikit pa rin habang nakaupo sa harap ng mesa.
"Family affair yun, sino ba ang tunay na pamilya di ba kayo."
Walang nagawa ang tatlo kundi ang sumunod sa akin.
Iniwanan namin ang mga kaibigan ni Jacob na tulog na tulog pa rin ganun din si Francine.
Nag convoy na lamang kami papunta sa bahay nila Jacob nasa unahan sina Chelsea na sinusundan namin.
Isang kamay lang ang gamit ni Jacob sa pagmamaneho dahil magkahawak kamay kami.
Gayun na lang ang kabang aking nararamdaman, pakiramdam ko first time naming haharap sa parents nya.
Ng malapit na kami sa bahay nila ay hinalikan nya ang kamay ko.
"Relax... kahapon lang kasama natin silang mag lunch." Sabi nya.
Napansin nya yata na kinkabahan ako.
"Iba yung kahapon kasi nasa public place tayo, ngayon hindi na, nagaalala ako kasi baka magtalo na naman kayo ng daddy mo."
Hindi sya kumibo ibig sabihin yun din ang iniisip nya.
"Raf please, pwede bang wag kayong magtalo ni tito kahit ngayon lang."
Napabuntong hininga sya.
"Alam mo naman kung bakit kami madalas magtalo ni dad di ba, gusto nya susundin ko lahat ng gusto nya."
"I know... pero pwede ba na pagbigyan mo na lang muna sya ngayon, please para sa akin."
Pakiusap ko sa kanya.
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Don't do that bhe... alam mo naman na gagawin ko kahit anong gusto mo manatili ka lang sa tabi ko but not this."
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
General FictionAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...