" Asawa mo talaga sya.?"
Hindi ko alam kung ilang ulit na iyong itunanong sa akin ni Francine.
"Unfortunately yes." Ngayon lang ako sumagot ng matino.
"Oh my ghad." Hindi makapaniwalang sabi ni Francine.
"Binabalaan kita, wag na wag mong ipagsasabi yan kahit kanino."
Tumango lang ito pero yung mukha nya daig pa ang nakakita ng multo.
Nagaayos ako para sa dinner namin nina Jacob at ng mommy nya.
"wow.. himala ngayon ka lang nagbihis babae ah."
"Not that i want to. Pero para kay tita ella to."
Noon biglang bumukas ang pinto ng silid ko.
"Ready.?" Bungad ng nakalong sleeve na nakatupi hanggang siko at maong fitted pants na si Jacob.
Napanganga si Farncine.
"Close youre mouth and don't droll dating bading yan."
Pinandilatan ko sya.
"Say that again baby, and i will make sure na hindi ka makakalabas ng kwarto na to na hindi ubos yang lips stick mo."
"Don't you dare."
"I do dare wife gusto mo gawin pa nating audience ang best friend mo."
Pagtingin ko kay francine nakatakip na ang kamay nya sa kanyang bibig.
Hinampas ko sya sa dibdib ng clutch bag na hawak ko.
"Perv." Sabi ko sabay lakad palabas ng silid.
Sumunod sya sa akin habang tumatawa.
"France wag mo ng hintayin mamaya si Bedette sa pent house ko sya matutulog." Pabulong ngunit may kalakasang sabi nya na alam ko namang sinadya nyang iparinig sa akin.
"At sinong may sabi.?"
"Ako... and don't argue alam mong hindi ka mananalo."
Nangigil man ay pinilit kong magkapakahinahon.
sa isang fine dinning restaurant kami pumunta.Pagkababa pa lang ng sasakyan ay ipinulopot nya na ang isang bisig nya sa beywang ko.
Pilit akong lumalayo sa kanya ngunit ayaw nya akong pakawalan.
Hanggang sa nakarating kami sa naka reserbang mesa para sa amin ay hindi nya ako pinakawalan.
Wala pa si mommy ella pagdating namin kaya tinawagan iyo ni Jacob, papunta na raw ito na traffic lang.
Magkatabi kaming nakaupo sa isang side ng pabilog na mesa na may limang upuan na nakapaikot kasama na ang inuukupa namin.
Bigla akong napaisip bakit lima ang alam ko kami lang tatlo ang mag didinner.Pero si Jacob mukhang hindi nya binigyan pansin iyon.
"So... kaylan kayo nagkita ni mommy.?" Tanong nya pagkatapos sumimsim ng wine na inorder nya.
"Para namang hindi mo alam na sya ang pumalit sayo bilang school president."
Ngumiti sya.
"So hindi mo ba ako tatanongin kung bakit bigla na lang akong umalis sa University.?"
"Personal na buhay mo yan ayaw kong makialam."
"Alam mo sa sarili mo na may karapatan kang makiaalam dahil asawa kita."
Kumabog ang dibdib ko
"Ayaw kong gamitin ang karapatan na yan na sinasabi mo."
"Alam mo bang sinasaktan mo ako sa mga sinasabi mo."
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Fiksi UmumAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...