9Her Friend

5.7K 192 2
                                    

Pilit ko ginigising ang diwa ko dahil sa naririnig kong pagiingay ng cellphone ko mula sa kung saan, pero antok na antok pa talaga ako.

Inabot kasi kami ng madaling araw sa paguusap ni Jacob at bago man lang sumilay si haring araw ay napagkasnduan namin na kalimutan na lang ang nangyari noon at magsimula kami uli bilang magkaibgan alam kong mahirap yun lalo na para sa akin pero nangako ako na susubukan ko.

Sa wakas ay tumigil din sa pagring ang pasaway kong cellphone gustong gusto ko pa kasing matulog ang sarap kasing matulog sa kama ni Jacob ang lambot at ang bango kasi niyun.

"Hello narinig kong sabi ng bagong gising din na si Jacob."

"Hala sino ka bakit nasayo ang cellphone ng bestfriend ko....Nasaan sya...? Anong ginawa mo sa kanya..? "

Boses yun ng kaibigan kong si Francine mula sa CP na naka loud speaker at alam ko kahit hindi ko sya nakikita na nakalabas ang mga litid nya sa leeg.

"oh ghad can you lower down your voice please naka loudspeaker ka, ayaw kong magising ang baby ko dahil ang sarap pa ng tulog nya sa tabi ko." Sabi ni Jacob.

Noon na nabuhay ang bawat himaymay ng dugo ko.

Bigla akong bumalikwas ng bangon.

"Oh my...oh my... sino ka anong ginawa mo sa kanya....?" nagtitili ng sabi ni Francine

Pagtingin ko sa katabi ko hawak nya ang phone ko at abot tainga ang ngiti.

"Secret para masaya." Sabi nya.

"Ano.... pu#$&@ ina mo anong ginawa mo sa bestfriend ko."

Noon ko na biglang inagaw ang cellphone ko sa kanya.

"Hello Francine tatawagan na lang kita mamaya bye..." at ine end ko na agad ang tawag.

At hinarap ko ang ngingiti ngiting si Jacob.

Kinuha ko ang unan na ginamit ko at pinaghahampas iyun sa kanya.

"Walanghiya ka bakit mo pinakialaman ang phone ko pakialamero ko."

Tumawa lang sya ng tumawa habang sinasalag ang bawa hampas ko.

Ng mahuli nya ang dalawang kamay ko ay bigla nya akong itinulak pahiga sa kama sabay dampi ng labi nya sa labi ko.

"Good morning." Naka ngiting sabi nya.

Napatulala ako sa ginawa nya at bago pa ako makapag react ay nakabangon na sya at nagmamadali ng pumasok sa banyo.

"Make some breakfast Bhedette ko, na miss ko ng husto ang luto mo." Sigaw nya mula sa loob ng banyo.

Ano ba yun Bhedette talaga at may apelyedo pang ko.

Ganun na ba agad uli kami ka close.

Ah ewan ko ba sa baklang yun, tanggap ko na naman na bakla sya pero bakit ganun pa rin ang epekto nya sa akin.

Kalokang life.

Hindi pa rin ako makapaniwala na heto ako ngayon sa bahay ng lalaking halos isumpa ko noon at ipinaghahanda sya ng almusal.

Ganun na na ba ako ka tanga para pumayag sa gusto nya na maging magkaibigan uli kami.

Alam kong hindi. pero wala na akong magagawa pumayag na ako sa gusto nya.

Friends na uli kami, Friends samatalang kahapon lang naglaplapan kami sus ginoo kung hindi ko lang talaga sya kilala iisipin kong totoong totoo yung halikan namin kahapon.

Siguro isang litrong mouth wash ang inubos nya ngayon para lang mawala yung marka ng bibig ko sa bibig nya.

Ganun naman kasi ang mga bakla di ba kapag nahahalikan ng babae diring diri na akala mo ikamamatay nila.

Tapos na akong magluto ng lumabas ng kwarto nya si Jacob, naka boxers lang at walang suot na damit habang pinapatuyo ang kanyang buhok ng tuwalyang nakatalukbong sa ulo nya.

Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang naghuhumiyaw nyang abs at kompleto yun ha 6packs abs. Totoo ba ang nakikita ko.?

Teka nandiyan na ba yan noon.?

"Pwede mong hawakan para malaman mo kung totoo sya o hindi." Sabi nya na naka ngiti.

Naginit bigla ang mukha ko sa sinabi nya papano nya nalaman ang iniisip ko.?

Parang gusto kong magtakip ng plato sa mukha dahil sa kahihiyan.

Naglakad sya palapit sa akin.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

Kinuha nya ang platong hawak ko at tila sinadya nyang idikit sa akin ang katawan nya.

"Tulungan na kita." Halos pabulong na sabi nya at naamoy ko ang mabango nyang amoy at hininga dahil ang lapit lang ng mukha nya sa mukha ko.

Halos panginigan ako ng laman dahil sa lakas ng epekto nya sa akin.

Matapos magalmusal ay nagpasya na akong umuwi sa boarding house namin ayaw ko na sanang magpahatid kay Jacob pero mapilit sya.

Pinagpalit nya muna ako ng ibang T-shirt kasi hindi raw ako pweding lumabas na suot yung tshirt nya na may naka print na FU@# ME HARD. Sa bahay nya lang daw ko yun pweding isuot.

"Salamat." Sabi ko sa kanya ng makarating na kami sa boarding house.

"Susunduin kita  magbibihis lang ako tapos babalikan kita sabay na tayo papuntang Uni."

"Hindi pwede." Maagap na sagot ko.

"And why is that.?"

"Eh kasi hindi tayo pweding makitang magkasama sa school profesor kita, estudyante mo ako bawal yun."

"Says who.?"

"Ng batas ng University. Gusto kong maka graduate no inabot na ako ng walong taon sa kursong ito, nakakapagod na mag aral ha."

Nakita kong napabuntong hininga sya.

"Ah basta susunduin kita."
"Hindi nga.... at wag kang makulit."

At lumabas na ako ng sasakyan nya at dumiretso sa loob ng walang lingon likod.

"Sinong ang lalaking kasama mo kagabi.?" Yun agad ang salubong sa akin ng kaibigan kong si Francine.

"Kaibigan ko."

"Kaibigan mo anong akala mo sa akin tanga na maniniwala na kaibigan mo lang yun, makatabi kayong natulog tapos kaibigan lang."

Hala parang ang nanay ko lang nagtatatalak.

"Eh bakit tayo nga magkaibigan lang pero magkatabi matulog."

Papilosopng sagot ko sa kanya.

"Wag kang pilosopo ako babae eh yun lalaki."

"Hindi yun lalaki."

"Anong sinabi mo.?"

"Sabi ko hindi yun lalaki kundi bakla, beki, gay.... kaya kung iniisip mong naglandi ako kagabi nagkakamali ka kaya pwede tigilan mo ako ha daig mo pa ang nanay ko."

At tinalikuran ko na sya para pumasok sa banyo.

"Sigurado kang bakla yun parang hindi naman ah."

"Bakla nga yun okey."

"parang hindi talaga kasi lalaking lalaki yung boses nya, yun tinatawag na bedroom voice."

"Ah ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo."

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon