Epilogue

10.3K 325 34
                                        

/AN.. Yes last chapter na tayo,  pwede ko ng ilabas yung isa ko pang story na inaamag na sa drafts ko.  Thanl you sa mga sumuporta,  abangan nyo po ang " OBSESSINGLY IN LOVE"

😄😄😄😄😄😄😄😄😄😘😘😘

With the help of Jacob ay nairaos ko ang Law school at naipasa ko ang Bar.

Graduation Day.

Nakaupo ako sa nakatalaga sa aking upuan sa loob ng napakalaking auditorium ng university kasama ko sa hanay ng upuon ang mga ka batch kong magtatapos din ng law habang sa kabilang hanay ay ang mga magulang namin,  magsisimula  ng tawagin ang pangalan ng mga graduates para umakyat sa entablado at tanggapin ang kanilang diploma,  ang dean ng bawat departamemto,  kasama ang guest speaker namin na isang chief justice at ang school president namin ay ang syang nagaabot ng diploma sa bawat isang graduates na umaakyat sa stages.

Since alphabitical ang pagtawag alam kung pang walo ako sa tatawagin.

Kinakabahan ako na hindi ko mawari, nilingon ko sina papa st mama na syang sasama sa akin sa pag akyat sa entablado.

Ngumiti si papa sa akin at suminyas na hindi sila at itinuro nya si Jacob na nasa itaas ng stages na abala sa pagaabot ng diploma sa mga kasamahan kong graduates.

Unang tumayo ang first five pagkatapos nila ay kami naman.

Napahawak ako sa aking malaki ng tiyan dahil sumipa ang baby sa tiyan ko ng makalapit kami sa stage, ako lang ang walang kasamang parents panay ang lingon ko kina mama,  pero si Jacob ang itinuturo nila.

pagtingin ko sa entablado ay nakita kong nakatingin sa akin ang school president namin at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan at para bang proud na proud sya sa akin.

Nginitian ko sya.

"Aragon,  Luccelle Bernadette P. "
Umalingaw ngaw sa buong auditorium ang pangalan ko idagdag pa ang pagbigay diin ng emcee sa apelyedo ko.

Mabilis na kumilos ang school president.

Lakad takbo syang sumalubong sa akin.

Inalalayan nya ako paakyat sa entablado.

Hawak nya ang aking isang kamay habang nakayakap sa aking beywang ang isa nyang braso.

"Careful baby. " Bulong nya.

Nagpalakpakan ang mga kapwa ko graduates ng makaakyat kami sa stage.

Iniabot sa kanya ng dean ng college of law ang aking diploma na iniabot nya naman sa akin.

Niyakap nya ako ng mahigpit matapos kong tanggapin iyon.

Lalong lumakas ang palakpakan kasabay ng pag hiyawan nila ng kiss!... Kiss!... Kiss!...

And Jacob being a PDA fan,  hinawakan ako sa magkabilang pisngi at dinampian ako ng halik sa lips.

"Wow,  thats sweet. " Komento ng emcee.

"Para po sa mga hindi nakakalam Ms. Lucelle Bernadette Aragon is the beautiful wife of our School president Atty. Rafael Jacob Aragon."

Tila proud na proud si Jacob na kumaway sa nagpapalakpakang mga tao bago ako muling inalalayan pabalik sa aking upuan.

Nagpatuloy ang graduation  ceremony na nagtagal ng kung ilang oras.

Hanggang sa tawagin ang pangalan ni Jacob para sa closing remarks.

Ang speech ni Jacob ay sumentro sa pagpapasalamat sa mga magulang at mga magaaral na nagsipagtapos pasasalamat sa pagtitiwala nila sa AU at Pagbati sa mga magaaral at magulang.

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon