Hindi ako makapag move on sa mga sinabi ni tita ella.
Sa dinami rami kasi ng sinabi nya isa lang ang hindi maalis sa isip ko yung ako ang dahilan kung bakit lalong lumalim ang alitan nilang magama.
I have to do something about it.
"Nasaan ka.?" Tanong ko sa kausap ko sa Cellphone.
"Hello to you Baby.....Nasa opisina ko... Bakit miss mo na ako.?"
Kahit hindi ko sya nakikita alam kong may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mukha nya.
"Exact address." Seryosong sabi ko.
"Whoa... pupuntahan mo ako.?"
"Oo.."
"Yes... Na miss mo nga ako... may GPS locator ang sasakyan mo Just type my name at ituturo ka nyan kung nasaan ako... i'm to excited to see you... i miss you too so make it faster get straight to where ever i am and i will welcome you with open arms."
Pinatay ko na ang tawag baka kasi marinig nya ang malakas na pag kabog ng dibdib ko.
Ini start ko ang sasakyan pero bago ko pa iyon mapatakbo ay biglang humarang ang baliw kong kaibigan, sabay sakay sa passenger side.
"Saan ka pupunta.? Sama ako.?"
Naka ngiting sabi nito habang ikinakabit ang seatbelt.
Nailing na lang ako.
Just looking at her alam ko ng hindi ako mananalo sa kanya kaya pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa dereksiyon ng itinuturo ng mapa sa tablet na nasa harap ko.
Naisip ko sa ayaw at sa gusto ko bestfriend ko naman talaga si Francine at unfair sa kanya kung marami akong inililihim sa kanya so this is it malalam nya ngayon kung sino ba talaga ako at kung ano ba talaga si Jacob sa buhay ko.
Dinala kami ng mapa sa AR building isa ito sa pinaka malaking building sa bansa dito matatagpuan ang pinaka malaking shopping mall sa bansa na binuksan two years ago.
"Aning gagawin natin dito.? Mag sa shopping wow libre mo ako."
Sabi ni Francine na kasabay kong naglalakad.
"Sumunod ka na lang at wag kang magtanong ng magtanong kung ayaw mong sapulin kita."
"Ang taray naman nito.. oo na mananahimik na." Pagmamaktol nya.
Pumasok kami sa mall at dumiretso sa information counter.
May dalawang babae roon na maganda kung sa maganda pero napakakapal nga lang ng make up.
Mapagsabihan nga ang may ari ng mall ma ito na pabawasan ang make up ng mga empleyado nila.
"Good afternoon" Bati ko sa kanila."Ah yes maam good afternoon welcome to AR Supermall how may i help you.?" Friendling sabi nito.
"Ah yes saan ba ang opisina ni Mr.Aragon.?"
"May appointment po kayo." Nakangiting sabi nito.
"Wala."
"Ganun po ba... ah sorry po pero kailangan nyo po ng appointment para makaharap sya."
"Tell him its Bernadette." Pinilit kong wag magtaray.
"Sorry po talaga maam pero hindi kami pweding tumawag sa kanya para lang sabihin na may naghahanap sa kanyang tao ng walang appointment."
Medyo nagiba na ang tono ng pananalita ng babae.
"Just call him okey."
Patient Bernadette.
"Maam hindi ko na ho mabilang kung ilang babae ang lumapit sa amin para lang makipagkita sa kanya ng walang appointment pero hindi po namin pinapapasok kasi since nung monday nag bigay po ng order si Mr. Aragon na wag na daw magpapasok ng babae sa opisina nya kahit pa maganda at seksi, hindi ko po alam kung bakit, kasi noong una naman po okey lang sa kanya lalo na pag mga tulad nyo na magaganda at sexy minsan nga po mahigit sampu pa ang nagiging bisita nyang babae araw araw walang problema sa kanya pero ngayon bawal na daw po kasi baka daw mahuli sya ng misis nya. eh ang alam ko naman po walang asawa si sir."
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Ficción GeneralAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...