"What.?" Hindi makapaniwalang sabi nya.
"Pinagsamantalahan mo nga ako oh my God rapist ka.. rapist." OA na ngawa ko.
Bigla nya akong binato ng unan sapol ako sa mukha muntik pa akong matumba.
"Wag kang OA... oo ako nagbihis sayo, pero pinatay ko ang ilaw para wala akong makita at hindi kita hinubaran ng underwear kaya wag kang mag alala, as much as i want to take advantage of you pero hindi ko kaya, kahit may karapatan pa akong gawin yun."
Halos pabulong na lang ang pagkakasabi nya ng huling mga salita kaya wala akong maintindihan.
"Kasi bakla ka." Pabulong na sabi ko.
"What did you say.?" Kunot noong tanong nya.
"Wala sabi ko maliligo na ako at may pasok pa ako sa trabaho."
At bumaba na ako ng kama para magtungo sa banyo.
"Anong trabaho ang pinagsasabi mo.?
"Trabaho, sa call center alam mo yun yung hello this is your agent how may i help you... ganun."
Sabi habang kunyari ay may hawak akong telepono.
"Alam ko ang ibig kong sabihin ano bang oras ang trabahong sinasabi mo.?"
"10:00 pm kaya kailangan ko ng magmadali para hindi ako mahuli."
"10:00pm ganun." lumapit sya sa bintana at hinawi ang makapal na kurtina na nakatabing sa floor to ceiling na bintana.
"Hala bakit ang liwanag.?"
Nagulat na sabi ko.
"Eh kasi po 8:00 am na at may pasok ka pero hindi sa trabaho kundi sa school."
"Hala... oh shit." Nanlumo ako bigla sa nalaman ko.
"Absent na naman ako.... at kasalanan mo yun... bakit ba kasi hindi mo ako ginising na walanghiya ka at bakit ba kasi dito mo ako dinala sa bahay mo... kasalanan mo kapag natanhal ako sa trabaho, pababayaran ko sayo lahat ng tution ko at ikaw din ang mapapakain at bubuhay sa akin..." Galit na sani ko sa kanya.
Makibit balikat lang sya.
"Okey... pumasok ka na sa banyo at maligo ka na, hihintayin kita sa baba."
Parang wala lang na sabi nya samantalang ako halos maglupasay na dahil sa inis.
"Ahh...." Nanggigil na sabi ko habang nagdadabog papasok sa banyo.
Paglabas ko sa kwarto nya, naabotan ko syang naghahanda ng pagkain sa mesa at hindi na ako nagpaka plastic pa eh sa gutom na ako, ikaw ba naman ang hindi magtanghalian kahapon kasi mas ginusto ko pang matulog habang lunch break ng klase ko tapos kagabi naman hindi na nga ako nagising para pumasok sa trabaho kumain pa kaya.
Pagkatapos naming kumain ay isinabay nya na ako papunta sa school ayaw ko sana pero makulit sya, kaya pumayag na rin ako.
Sa loob ng sasakyan ay wala kaming kibuan. Ako iniisip ko kung ano ang magiging kapalaran ko sa trabaho ko may written warning na pati ako dahil sa madalas na pagiging late at pagliliban ko. Kapag ngayon pa ako nawalan ng trabaho hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto kong ibunton ang sisi sa kasama ko sa sasakyan kaya pasimle ko syang tiningnan mula sa gilid ng aking mata.
Ang gwapo nya sobra sayang kung straight lang sana sya pagnanasaan ko sya.
Pero pamilyar talaga sya.
Pagdating namin sa Uni ay nauna na akong bumababa sa kanya at deretso na akong naglakad papunta sa building kung nasaan ang classroom ko, ni hindi ko man lang pinagkaabalahang lingonin ang taong nagmagandang loob na patulugin at pakainin ako.
Ewan ko ba pero iba kasi ang pakiramdam ko sa kanya parang may something sa amin na hindi ko masabi kung ano.
Pagdating ko sa classroom namin ay as usual nagkukumpol kumpolan ang mga estudyante kanya kanyang grupo yung mga bratenila isang grupo rin, yung middle class isang grupo at yung mga tulad ko na walang class isang grupo rin.
Pagkaupong pagkaupo ko ay agad na lumapit sa akin ang kadarating din lang na besty at room mate kong si Francine.
"Ikaw na babae ka saan ka nanggaling ha.? Bakit hindi ka umuwi sa boarding house natin ha.?" Sita agad nito sa akin.
"Hay naku mahabang kwento mamaya na lang a baka dumating na ang prof natin."
"Ah yes makikita ko na naman ang napaka gwapong prof natin... alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kapapantasya ko sa kanya..." Tila kinikiliting sabi nito.
"Eww... kadiri ka..."
"Kadiri dyan hintayin mo pag nakita mo na sya saka mo sabihin sa akin na eww."
After 5 minutes nagkagulo na ang mga kaklase ko, pati si Francine para ng sinisilihan sa puwit.
"Besty andyan na sya." Kinikilig na sabi nito.
Kaya napalingon naman ako sa may pintuan.
Halos mapanganga ako ng makita ang prof namin.
Ang lalaki/gay na tumulong sa akin.
Hala....
"Oh di ba sabi ko sayo ang gwapo nya Best super lusaw ang panty ko."
"Good morning class." Sabi nya.
"Good morning Atty. Aragon."
Ganting bati ng mga ka klase ko habang halata naman sa mga babae na nagpapa cute sila, pati na iyong katabi ko.
Tumingin ako sa harapan at sakto naman nakatingin din sya sa akin at napansin ko ang pasimpleng ngiti na ibinigay nya sa akin.
"This is our second meeting so almost evryone of you already know me but for the sake of those who are not here last meeting i will again introduce myself. I'm Rafael Jacob Lopez Aragon youre profesor."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko ang buong pangalan nya.
Bakit hindi eh kilalang kilala ko ang pangalan na yun.
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
General FictionAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...
