22 His Friends

5.1K 205 2
                                    


"Lucelle... I'm sorry."

Sabi ni Ronald.

Natahimik ang lahat at napunta sa amin  ang tingin ng lahat.

"I'm sorry." Ulit nya sa mas mahinang boses pero sapat para marinig ng lahat.

Humakbang sya palapit sa akin.

Tiningnan ko sya ng masama.

Humakbang din palapit sa amin ang nagugulohang si Jacob.

"Whats going on.?" Tanong nya habang napapalipat lipat ang tingin sa amin.

Umiling ako. Bago pa pumatak ang mga luha ko ay tumalikod na ako.

"Lucille... hear me out first please..." Sabi ni Ronald.

Binuksan ko ang pinto at tuluyan akong lumabas.

Tinungo ko ang pinto sa kataoat na unit at binuksan iyon, pero bago ko pa iyun maisara uli ay naiharang na ni Ronald ang katawan nya.

"Lucille please.... let me explain." Pakiusap nya.

"Ang ganda naman ng timing mo ngayon pa talaga." Naluluhang sabi ko.

"Sorry... Hindi ko naman kasi alam na okey na pala kayo ni Jacob."

"Were not yet okey..." Mariing sabi ko. "Sinusubukan pa lang namin na maging okey... lalo na ako.... ngayon ko pa lang nakukumbinsi ang sarili ko tapos bigla ka na lang susulpot para ano para ipaalala sa akin ang kababoyan nyo na pinipilit kong kalimutan..."

Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Its not what you think it is... Lucille.. its just a prank... i don't know what got into me that night... Basta ng makita kita na gulat gulat sa nakita mo bigla na lang may pumasok na kalokohan sa utak ko. Sinakyan ko yung maling iniisip mo... hindi ko naman kasi alam na seseryosohin mo yun."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Anong sinabi mo.?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Its just a prank." Sabi uli nya.

Biglang sumiklab ang galit ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko malakas ko syang sinampal.

"Sinasabi mo ba na yung nakita ko na pareho kayong nakahubad ni Jacob at nakaluhod ka sa harap ng mukha nya ay biro lang yun." Nangangalaiting sabi ko.

"what is that again... you did what.?"

Nanguusig na tanong ni Jacob na nakatayo sa tapat ng nakabukas na pinto.

Matalim ang tingin nya kay Ronald.

"I'm sorry bro parepareho tayong lasing na lasing at naka drugs nun... hindi ko na alam ang ginagawa ko.. i just found out ng makita ko yung Video na nairecord ."

Bigla syang sinugod ni Jacob at hinawakan sa kwelyo.

"Anong video.?!"

"S-sex video nating dalawa.. pero trip trip lang naman yun para lang sakyan yung drama mo na bakla ka... we just did that to tease you... kaya lang dumating bigla si Lucille at nakita nya yung part na hindi nya dapat makita."

"Sex video.? " Nagugulohang tanong ni Jacob na nakatingin sa akin.

"You giving him a blowjob. " Diring diring sabi ko.

"What the fuck.? !" Numula ng husto ang mukha ni Jacob.

Biglang binitiwan ni Jacob si Ronald sabay pakawala ng suntok sapol sa mukha ang lalaki.

Natumba si Ronald, muli syang sinugod ni Jacob at tumama uli ang kamao nito sa kanyang mukha.

Isa pa uling suntok sa kabilang pisngi naman.

Doon na ako natauhan.

Sumigaw ako na malakas, agad namang nagsidatingan sina jayson, Chelsea at Francine.

Inawat nila ang galit na galit na si Jacob.

"Hayup ka kaya pala bigla na lang nawala si Lucille dahil may ginawa pala kayo.!"

Pilit na inilayo nina Jayson at Chelsea si Jacob habang tinulungan namang tumayo ni Francine si Ronald.

"Sorry talaga."Sabi ni Ronald habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.

"Putangina sorry... shit sa lahat ng kaibigan ko sayo ako pinaka malapit, sinasabi ko sayo lahat ng problema ko, ikaw ang nakaka alam kung papano ko inyakan ang pagkawala ni Bernadette... ikaw ang kasama ko habang nagpapakalasing ako sa alak at nagpapakalulong sa drugs kasi hindi ko matanggap na iniwan nya ako pagkatapos ng kasal namin."

May pumatak na luha sa mga mata ni Jacob.

Parang sinsakal ang puso ko.

"Sorry... noong una hindi ko naman alam na yun yung dahilan, a month later ko na lang nalaman, nung nag scan ako sa gallery ng cellphone ko doon ko nakita yung video natin... kahit yung mga kaibigan natin hindi nila maalala na ginawa namin yun ni hindi nga namin maalala na dumating pala si Lucille, sa video na din lang namin nalaman kasi nakunan pa yung reaksiyon nya ng makita nya yung gingawa ko." Pag sasalaysay ni Ronald.

Susugurin sana iyong muli ni Jacob pero humarang na ako.

"Enough" Sabi ko sa kanya sabay tulak ng marahan sa kanyang dibdib.

"No... you never know what the hell i been through dahil sa iniwan mo ako."

"I been in that hell to kaya alam ko, and right now gusto ko syang patayin dahil sa ginawa nya, but that wont change a thing tapos na, nangyari na ang magagawa na lang natin ngayon ay ang pagusapan ang mga dapat pagusapan ayusin ang dapat ayusin." Puno ng emosyong sabi ko.

"5years Bernadette... 5 years na pinarurusahan ko ang sarili ko dahil buong akala ko ako lang ang may kasalanan kaya ka umalis... yun pala mas malaki ang kasalanan ng mga gago kong kaibigan lalo na lintik na yan."

Sabi nya sabay duro kay Ronald.

"Sorry..." Sabi uli ni Ronald.

"I wanna see that video." Sabi ni Jacob.

"Sure... pero tawagan muna natin yung ibang ksabwat... alangan namang ako lang ang mapatay mo."

"Yah sure... do it... kakargahan ko lang tatlong bala ang baril ko."

"Tol naman."

" Rafael.!" Saway ko sa kanya.

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Tell me ano ba ang nakita mo at nagdesisyon kang umalis ng ganun ganun na lang."

"Panoorin mo na lang kasi hanggang ngayon nasusuka pa rin ako pag naalala ko yun." Sabi ko.

"That worst.?"

"See for yourself."

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon