25Her Plea

5.9K 235 6
                                        

We lay in his sacred bed cuddling its other.

Naniniwala ako sa kanya sa sinabi nyang itinuring nyang sagrado ang kanyang silid mula ng may mangyari sa amin doon dahil nasakaihan ko kung papano nyang pinagbawalang pumasok doon ang mga kaibigan nya kung dati doon sila tumatambay kapag nagsasama sama sila sa bahay ni Jacob, mula ng gabing yun lumipat na sila sa entertainment room at kapag makikitulog naman ang mga kaibigan nya sa guest room nya pinatutulog ang mga ito.

Akala ko noon wala lang yun kung baga trip nya lang, pero ngayon alam ko na.

Lihim akong napangiti.
Pinitul ng isang katok sa pinto ang pag momoment namin.

"Sir Jacob maam Lucy bumababa na daw po kayo kakain na." Sabi ng isa sa mga katulong sa bahay nila.

Tinatamad na bumangon si Jacob at magkahawak kamay kaming lumabas ng kanyang silid.

Ramdam ng lahat ang tensiyon sa pagitan nina Jacob at ng daddy nya.

Ngunit pilit iyong pinagagaan ni mommy Ella, alam ko na nasasaktan sya bilang asawa at ina na makitang hindi magkasundo ang kanyang mag ama lalo pat matagal na panahon ng ganun ang sitwasyon nila.

"So Jacob what are your plans.?"

Tanong ni Tito Jays matapos kumain ng lahat.

Hinawakan ko ang kamay ni Jacob na nakapatong sa kanyang hita sa ilalim ng mesa.

Tumingin sya sa akin.

Gamit ang mata ko ay sinabi kong "Please".

Pinisil nya ang aking kamay bago sya tumingin sa daddy nya.

"I and Lucille will be staying here for a while. Balak ko kasing ipa renovate ang penthouse."

Alam kong alibi nya lang yun para lang mapagbigyan ang kahilingan kong tumira kami sa bahay nila.

"Thats good sayo naman talaga ang bahay na to ipinagawa namin to para sayo at sa magiging pamilya mo, kung hindi mo gustong makasama ako sa bahay na to uuwi kami ng mommy mo sa probinsya. Sa sarili naming bahay."

Ang bahay na sinabi ni Tito ay ang ancestral house nila sa kung saan sila tumira ng nasa probinsya pa sila, kung saan kami nagkakila kilala ang lugar kung saan namin gunugol ang kabataan namin at ang probensiya kung saan nakatira ang mga magulang ko na pinagtataguan ko hanggang ngayon.

Humigpit ang hamak nya sa kamay ko, palatandaan na umiinit na naman ang ulo nya.

"No tito napagusapan na namin to ni Rafael dito kami titira kasama kayo di ba babes..."

Sabat ko sa usapan nila sabay ngiti ng matamis sa asawa ko.

Ang sarap lang ng salitang asawa ko.

Alam kong nagulat sya sa pagtawag ko sankanya nf babes, napahugpit kasi ang hawak nya sa aking kamay.

Tumango lang sya.

Ang usapan sa harap ng dining table ay ipinagpatuloy namin sa family room.

Magkatabi pa rin kami ni Jacob sa mahabang sofa nakayakap sya sa beywang ko at nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

Sa kabila ko ay si Mommy ella.

Katabi nya sa pang isahang sofa si Tito Jace. Sa harap namin ay sina Chelsea at Jayson.

Tila ba sadyang ipinapakita ni Jacob na hidi sya interesado sa kung anomang paguusapan nila.

"Kaylan mo balak itake over ang kompanya.?" Walang sereseremonyang tanong ni tito Jace.

Hindi kumibo si Jacob sa halip ipinatong nya sa kanyang noo ang isa nyang braso.

Ipinatong ko sa kanyang hita ang aking kamay at marahang hinaplos iyon.

Bigla nyang napisil ang beywang ko at napaayos sya ng upo.

Naramdaman kong nagiba ang ritmo ng kanyang paghinga.

"Babes tinatanong ka ni Tito."

Mahinahong sabi ko sa kanya.

Sinadya kong ilapit ang bibig ko sa mukha nya.

Bago ako muling humarap kay tito.

Naginit naman ang mukha ko ng bigla nya akong halikan sa gilid ng aking tainga.

"Susundin ko ang kagustohan ng matandang yan, if you you sleep with me tonight." Bulong nya sa akin.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi nya.

Pinisil ko ang kanyang hita at muling hinaplos iyun.

"I take that as a yes." Muling bulong nya.

Umayos sya ng upo at humarap sa daddy nya.

"Call for a board meeting tomorrow. Sisiguradohin kong makakarating ako bago matapos ang meeting nyo, gusto ko pagdating ko handa na ang buong board na humarap sa akin bilang bagong presidente ng kompanya mo." Walang kagatol gatol na sabi nya.

"And one more thing, once na naupo na ako sa upuan mo ako na ang magpapatakbo ng kompanya at hindi ka na makikialam, or else pababagsakin ko ang kompanyang minahal mo ng higit pa kaysa sa amin na pamilya mo."

Bigla kong iniyakap ang braso ko sa ibaba ng kanyang dibdib para pakalmahin sya, nakita ko kasi kung papano ikinuyom ni Tito Jace ang kanyang kamao.

"Babes please..." Mahinang sabi ko at tiningnan ko sya ng nakikiusap.

Agad nya akong niyakap.

Huminga sya ng malalim.

"I'm sorry..." Bulong nya sa akin.

"Sorry." Sabi nya uli pero alam king hindi na yun para sa akin, kung para kanino yun hindi ko alam.

"Please excuse us." Sabi nya sabay akay sa akin patayo.

Umiling ako tanda ng pagtutol sa balak nyang pag alis.

Hinawakan ako ni mommy ella sa braso.

"Sige na iha samahan mo na sya."

Naka ngiting sabi nya.

Tumingin ako kay Tito, nakahawak sya sa kanyang sentido, pero marahan syang tumango.

Magkahawak kaming naglakad patungo sa hagdan paakyat sa itaas kung saan naroroon ang kanyang silid.

Pagdating namin sa loob ng kanyang silid ay marahas syang bumuga ng hangin.

"Ang hirap ng pinagagawa mo sa akin." Pagrereklamo nya.

Niyakap ko sya mula sa likod.

"You did a great job... thank you."
Umikot sya paharap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at inangkin ang labi ko.

"Advance payment para sa utang mo sa akin, mamaya maniningil ako ng kabuuang bayad mo."

Sabi nya bago ako muling hinalikan.

Act Of DeceptionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon