10 Her New Job

5.3K 193 7
                                    

Palabas na kami ng boarding house ay hindi pa rin ako tinitigilan ni Francine ng katatanong kung sino ba ang lalaking kasama ko kagabi.

Ako naman itong deadma lang sya.

Habang naghihintay kami ng jeep na sasakyan namin papuntang school ay may tumigil na bagong bagong puting vios sa tapat namin. Lumabas ang driver niyon na medyo may edad ng lalaki.

"Maam sakay na po kayo, ihahatid ko na kayo sa school nyo."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Po.?" Tanong ni Francine.

"Ipinapasundo po kayo ni Boss."

"Boss... sinong Boss.?" Tanong ko.

"Ah si Boss Rafael po."

"Ang putik talaga naman." Naiinis na sabi ko.

"Sinong Boss Rafael.?" si Francine.

Ngumiti sa amin ang driver.

Napabuntong hininga na lang ako sabay bukas ng pinto sa back seat.

"Sakay.!" Sabi ko kay Francine.

Nagugulohan man ay sumakay na rin ito at sumunod naman ako.

Habang umaandar ang sasakyan namin ay napansin ko ang sports car na McLaren P1 LM na nakasunod sa amin.

Si Jacob.

"Ang gara ng sundo mo bhe kanino to sa lalaki mo.?" Panguusig ni Francine sa akin.

"Hindi nga yun lalaki ang kulit talaga nito."

"Okey if you say so. Pero mas hot ang ang sasakyang naka sunod sa atin, sa internet ko pa lang yan nakikita thats one of the most expensive car of 2017 McLaren P1 LM."

Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nya.

"Teka... nakita ko na yang car na yan sa parking lot sa campus natin kanino kaya yan. Makapag imbestiga nga baka boyfriend potential, makasakay man lang sa ganyan kagarang sasakyan."

Bigla akong naubo sa sinabi nya, si kuyang driver napangiti at nagkatinginan na lang kami sa rear view mirror.

"Wag ka ng magabal kasi hulaan ko bakla ang may ari ng sasakyan na yan." Sabi ko.

Biglang naapakan ni kuyang driver ang preno kaya muntik na kaming sumobsob.

"Sorry po maam." Hinging paumanhin nito.

Ngumiti lang ako.

"Ikaw ha ano ba talagang isyu mo sa mga gay ha.? Alam mo pakakasohan na kita ng discrimination sa mga LGBT."

"Wala nga akong isyu sa kanila, magaling lang talaga akong kumilatis ng sexual preference ng isang tao."

"Okey sige tutal mukhang pareho naman tayo ng pupuntahan ng kung sino mang may ari ng McLaren na yan, abangan natin sya tapos makipagkilala tayo tapos doon mo sabihin sa akin kung ano nga ba ang sexual preference nya."

Patay tayo dyan.

Mukhang mapapasubo ako sa kaibigan kong mahadira.

Pagka park ng sinasakyan namin sa parking lot ay sumunod naman na nag park si Jacob at dahil sa gara ng sasakyan nya ay napunta sa kanya ang atensiyin ng lahat ng naroroon.

Bago pa sya makababa ng sasakyan nya ay nagmamadali na akong bumababa at hinila ko na si Francine palayo sa parking lot.

Ang kaibigan ko panay pa rin ang lingon.

"Teka lang kasi... di ba si Atty.Aragon yun... sa kanya yung sasakyan.... wow....ang yaman nya pala."

Hindi ko na lang pinansin ang nga pinagsasabi nya hila hila ko lang sya.

"Teka nga sabi ano ba.!" At pilit nyang iwinaksi ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Bakit ka ba nanghihila ha.?"

Tinalikuran ko na lang sya at nagpa tuloy na ako sa paglalakad papunta sa room namin.

"Hoy teka lang Lucelle hintayin mo ako.... hoy."

Pagdating namin sa classrom ay panay na naman ang pangungulit sa akin ni Francine.

Pero hindi ko na lang sya pinansin, nagkunwari na lang ako na may binabasa sa aklat ko.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na rin si Jacob dahil sya ang first period namin.

"Good morning class." Pagsisimula nya.

"Good morning sir." Balik bati ng mga classmate kong malalandi.

Hay naku kung alam lang nila.

Pero bakit tila may kurot pa rin sa puso ko ang isiping may ibang nakaka gusto sa kanya.

Nagsisimula ng magturo si Jacob ng may kumatok sa pinto ng classroom namin.

Isang delivery boy na may dalang bulaklak. Boquet of white roses to be exact.

"Ah sir sorry po VIP kasi ang may order." Hinging paumanhin ng delivery boy.

Napansin kong tila naka ngiti si Prof.

"Go ahead." Sabi nito.

"Hmmm.. delivery po for Miss Lucelle Bernadette Punzalan-Arago"

Napatingin ako bigla kay Jacob.

Palihim nya akong kinindatan.

Nagwala na naman ang puso ko.

Hindi ako kumilos sa kinauupuan yung mga ka kalse ko hinahanap kung sino a Lucille Bernadette Punzalan- Aragon. Ang alam kasi nila ay Lucille punzalan ang name ko.

"Shes over there." Turo sa akin ni Jacob.

Magkakasabay na napatingin sa akin ang mga ka klase namin.

Ang ilan ay nagulat ang ilan ay tumaas ang mga kilay at ang ilan ay nagbulungan.

Nilapitan ako ng delivery boy at iniabot sa akin ang bulaklak.

Muli akong napatingin kay Jacob.

May something sa mga mata nya na hindi ko malaman kung ano.

"Sino ang nagpadala ng bulaklak sayo ha.? Ikaw ha kaylan ka pa natutong maglihim sa akin akala ko ba ako bestfrirnd mo...blah...blah..blah..."

Yan po si Francine na ayaw tumigil ng bunganga sa katatalak.

Natuturiti na nga ako.

Ng biglang tuminog ang announcement bell.

"Calling Mis Lucille Bernadette Punzalan please proceed to the HR...Miss Lucille Bernatte Punzalan to the HR please..."

"Di ba ikaw yun.?"

Hindi ko na sya sinagot tumakbo na ako papunta sa HR office.

Pagdating ko doon ay naabotan ko yung HR syempre.

"Good morning maam." Bati ko sa kanya.

"Mabuti naman at nandito ka na, ikaw ang pumasang Sudent assistant at magsisimula ka na ngayong magtrabaho during youre free time at hanggang 9pm ang trabaho mo. Okey lang ba yun sayo."

"Naku okey na okey po maam kahit hanggang madaling araw pa walang problema sa akin."

"Thats good kasi baka nga kailanganin ka ng school president hanggang hating gabi masyado kasing masipag ang bago nating school president minsan inaabot sya ng hating gabi sa pagtatrabaho."

"Po...ibig nyong sabihin sa opisina ng school president ako magtatrabaho.?"

"Yes Miss Punzalan kaya pagbutihin mo ang pagtatrabaho mo sa kanya medyo may kasungitan pa naman ang school president."

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi ng HR.

Pero di bali na titiisin ko na lang ang pagsusungit nya ang isang taon na lang naman ang mahalaga makapagtapos ako ng pagaaral.

Act Of DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon