Shit! kaya pala parang pamilyar sya sa akin yun pala.
Bakit ba kasi hindi ko man lang itinanong kung ano ang pangalan nya, nakitulog at nakikain na akot lahat pero pangalan nya hindi ko man lang naisipang itanong, ang bobo ko talaga.......
Oh no nakilala kaya nya ako sana naman hindi. Kung sya nga hindi ko sya nakilala malamang hindi nya na rin ako nakilala... sana naman...
Papano ko naman sya makikilala ibang iba na sya sa Jacob na nakilala ko, at hindi ganito ang hitsura nyang inaasahan ko.
"Bye the way Miss Lucelle Bernadette Punzalan Aragon welcome to the class."
Oh no....
I'm so dead.
Nagpalinga linga ang mga ka klase ko para hanapin ang inaakala nilang bagong kaklase.
Wala naman kasing nakakaalam ng buo kong pangalan kahit pa si Francine na bestfriend ko hindi nya alam na may Bernadette ang second name ko, wala naman kasing ibang tumatawag sa aking Bernadette maliban sa lalaki/gay na na nakatayo sa harapan namin tulad kung papanong ako din lang ang tumatawag sa kanyang RafRaf.
Buong duration ng klase ay nakayuko lang ako, kulang na lang ay isubsub ko ang mukha ko sa arm chair ng upuan ko.
Kaya ng matapos ang klase ay nakipagunahan na ako sa paglabas ng classroom habang hihingal naman na humahabot sa akin si Francine.
"Hoy sandali... ano bang nangyayari sayo bakit ka nagmamadali.?"
"Wala nagugutom na ako samahan mo akong kumain."
Nagtataka man ay sumunod na rin sa akin si Francine.
Sa canteen nakatanghod lang ako sa pagkaing inorder ko hindi ko naman iyon kinakain.
"Hoy Lucille ano bang problema mo ha.?" Pangungulit nito sa akin.
"Wala."
"Panong wala eh kanina ka pa dyan nakatulala."
"Wala nga hindi ko lang matanggap na ang tanga tanga ko. Sobra."
Hanggang sa natapos ang klase ko ay nakatulala lang ako ni hindi rin ako nakatulog bago ako pumasok sa trabaho.
At ang mas nakapanlulumo ay nung dumating ako sa site tapos sinalubong ako ng supervisor ko sabay sabi ng.
"Youre Fired.!"
"Fancine pano na ako wala na akong trabaho, papano na ako makaka graduate."
Kanina pa ako ngumangawa sa harap ng kaibigan ko.
Naririto kami sa bording house namin kung saan magkasama kami sa silid.
"Maghanap ka na lang ng bagong trabaho marami dyan tiyak na may makukuha ka sa talino at sa sa galing mo ba naman."
Alam kong pinalalakas nya lang ang loob ko. Pero susubukan ko pa rin talagang maghanap ng trabaho bukas.
Buong maghapon nga akong naghanap ng trabaho, hindi na ako pumasok sa klase.
Lahat halos ng inaplayan ko ay tatawagan ka na lang namin ang sagot sa akin. Kapag ka ganun ayaw ko ng umasa.
Sa sitwasyon ko kasi aminado na ako na mahihirapan akong makakuha ng trabaho. Gabi lang kasi ako pweding magtrabaho kasi nga may klase ako sa araw.
Maliban na lang siguro kung sa mga bar ako magaaply tiyak makakapasok ako.
Hindi pa naman ako ganong desperdo pa kaya hindi muna ako ngapply sa mga bar, pero bukas kapag wala na akong choice mapipilitan na siguro ako.
Kinabukasan pumasok na ako sa school ayaw ko naman kasing bumagsak no.
Unang subject ko ang taong ayaw ko na sanang muli pang makita pero wala akong magagawa kasi prof ko sya.
Pinilit ko na lang na alisin ang atensiyon ko sa taong nagtuturo sa unahan sa halip sa itinuturo nya na lamang ako nag concentrate.
Pinilit ko kahit napakahirap niyon para sa akin sa tuwing tumitingin kasi ako sa kanya ay naalala ko ang katangahan ko noon, kung papanong nagpakatanga ako sa isang Rafael Jacob Aragon.
Dahil sa malalim na pagiisip ay hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin.
Iilan na lang kaming naiwan sa loob ng classroom kasama sina Francine at Jacob.
Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na ako para lumabas na rin.
"Miss Punzalan or i rather say Mrs.Aragon please stay i want to have a word with you."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Akala ko hindi ko na uli mararamdaman yun kapag nagkita kaming muli. Pero nagkamali ako wala pa ring ipinagbagao ang epekto nya sa akin. At hindi ko yun gusto.
"Sorry sir pero may pupuntahan pa kasi ako." at hinawakan ko sa kamay si Francine para hilahin ito palabas ng classroom.
"Lucille Bernadette don't you dare walkout on me again kung ayaw mong ibagsak kita sa subject na to. Alam kong alam mo na ang subject na ito ang magtatakda kung makaka graduate ka ba o hindi."
Naikuyum ko ang aking kamao kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Francine na hawak ko.
"Ouch" sabi nya sbay hila ng kamay nya.
"Mauna ka na Miss Cordez kakausapin ko lang sandali ang kaibigan mo."
"No... dito na lang sya... sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. "
"Sigurado ka.?.....gusto mong marinig nya ang mga sasabihin ko sayo.?"
May nakakalokong ngiti na sumilay sa gilid ng labi nya.
Naginit ang mukha ko.
"Fuck you." mahina ngunit mariing sabi ko sa kanya.
"If it is with you, gladly i will." At muli syang ngumiti ng nakakaloko.
Narinig kong napasinghap si Francine sa narinig nya.
Lalong naginit ang mukha ko.
"Sige na Francine hintayin mo na lang ako sa canteen.
Ng makaalis na si Francine ay nangigil na hinarap ko ito.
"Ano bang problema mo.?"
"Wala akong problema mukhang ikaw ang meron... Naghahanap ka raw ng trabaho."
"Oo kasi natanggal ako sa trabaho dahil hindi ako nakapasok noong isang gabi... o ano masaya ka na.?"
"Hindi pa rin..... Pumunta ka ngayon sa HR nitong school naghahanap sila ng student assistant free tution and micelleneous fee and with weekly allowance pa. Bilisan mo lang kasi madaming gustong mag apply baka maunahan ka ng iba."
Yun lang at iniwanan nya na ako.
Ako naman naiwan na nakatulala at nagmumuni muni kung ano ba ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Act Of Deception
Ficción GeneralAyon ky Dr. Google... Deception is the act of propagating a belief that is not true, or is not the whole truth (as in half-truths or omission). Deception can involve dissimulation, propaganda, and sleight of hand, as well as distraction, camouflage...