Song: Dive - Ed Sheeran
Friend
"Samantha..." Xander called.
Kahit na puno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata ay hindi ko siya pinaunlakan ng kahit ano. We're obviously done. Matagal na kaming tapos. Ano pa ba ang gusto niya?
He already cheated on me. Ano pa ang kailangan niya sa akin? Gusto niya pa ba dagdagan iyong sakit na ibinigay niya sa akin?
"Talk to me please." He begged.
Agad niya akong hinawakan sa braso upang pigilan ako sa pag-alis. Hinarap ko siya at marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Stop it, Xander! We're done. I already told you na wala na akong balak makipagbalikan pa sa'yo kahit ano pa ang mangyari. So, give it up and go back to your girl!" galit kong sinabi sakanya. Umiling lamang siya.
"There's no girl! It's always been you, Sam. Please."
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan sabay naiinsultong tumawa. Napuno ata ng pandidiri ang buong katawan ko sa sinabi niya.
"Wala kang maloloko dito, Xander. Everyone knows that you cheated on me with my fucking best friend!"
Hinawakan niya namang muli ang braso ko pero agad ko iyong tinampal.
"It's been a long time! Wala na 'yun! I've made a mistake alright? I said sorry a few times! Hindi pa ba sapat 'yun para mapatunayan mo na sincere ako?"
"Sincere? Ano sa tingin mo ang magagawa ng sinseridad mo sa sakit na idinulot niyo sa akin ha? Sa tingin niyo ba mawawala nalang 'yun sa sistema ko kapag nag sorry kayo? Hindi! Kaya tigilan mo na ako!"
Sinubukan ko muling lumayo sakanya ngunit pinigilan niya ako. I glared at him.
"Ano bang gusto mong gawin ko? Why are you suddenly like this? May bago ka na ba?"
Nagulat ako sa tanong niya. Ako pa talaga may bago ha? Ang kapal naman ng mukha nito! Pagkatapos niya akong lokohin, paparatangan niya pa ako na may bago agad?! Sa tingin niya ba gano'n ko kabilis makakalimutan ang ginawa niya sa akin?!
Nilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa mahagip ko ang lalaking kasabay ko sa elevator kanina.
"Unfortunately, yes." Sabi ko. I smiled mockingly at him.
Patungo si Zachary sa direksyon namin ngayon kaya mabilis ko siyang nilapitan. Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa braso niya.
"Hey, babe! Bigla kang nawala sa tabi ko kanina! Where have you been?" I smiled sweetly at him.
"Huh?" nagugulohang tanong niya sa akin.
Kinurot ko ang braso niya para senyasan siya na makisakay nalang. Sinenyasan ko siya gamit ang aking ulo upang ituro ang papalapit na si Xander sa akin.
BINABASA MO ANG
When We Were Faking It (When Trilogy #1)
RomanceSamantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relationship ended long ago. As she was trying to get her life back on track, he suddenly came back and no...