Chapter Sixteen

24.7K 723 254
                                    

Song: Better- Kodaline

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Better- Kodaline

Curiosity

Nagulat ako nang makita ko si Ryan na nasa loob ng condo ko. Hindi naman siya nag-sabi sa akin na dito muna pala siya.

"Oh, napapunta ka ata?" Tanong ko nang makapasok ako. 

Sinarado ko ang pinto at dumiretso sakanya. Nilapag ko ang bag ko sa center table at naupo sa tabi niya.

"I'm bored. Wala akong magawa. I want to party." Reklamo niya. Umiling naman ako. 

Alam ko na ibig sabihin niya! Ako ang aayain niya mag-party. E, naku! Huwag ako at marami akong gagawin.

"I won't join you." Sabi ko at napabalikwas naman siya ng upo at hinarap ako.

"WHY NOT?!" He shouted. Nilakihan ko naman siya ng mata telling him to tone it down baka mareklamo kami ng iba pang unit owner dito. "Corny mo, Sammy! Minsan lang naman, e."

"Tsaka na pag hindi na ako busy." Umirap siya.

"Kelan pa 'yun? Wala ka na ngang oras para sa social life mo! Ang baduy mo!" Ngumuso siya. Tumawa naman ako.

"Priorities first, Ryan. Tsaka na pag nakagraduate na ako." sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Hala! Oonga! Gagraduate ka na nga pala! Oh my gosh!" Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. 

Paanong hindi niya alam? Grabe 'tong baklang 'to porque nagkajowa lang! 

"Sino kasama mo sa graduation mo?" tanong niya.

"Ikaw. Sino pa ba?" 

"Ako?" parang gulat na gulat siya dahil sa tono ng pananalita niya. 

"Oo. Sa april na 'yun kaya clear your sched for me." Mas ngumuso naman siya. I already know the meaning of this. "Oh..."

"I'm sorry, Sam." Malungkot niyang sinabi. "I promised Tony to go to Mexico in April to meet his family. Pero pwede ko namang icancel at sabihin kay Tony na hindi pwede. I'm sure okay lang sakanya 'yun. He'll under-"

I smiled to assure him that it's okay. Pwede naman sigurong mag-isa ako sa graduation diba? O di kaya, try ko ulit tawagan ang family ko baka this time ay pumayag na sila.

"No. It's okay. Tatry ko nalang ulit sa family ko." I cutted him off. Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka ngumiti sa akin. 

"Let me know how it goes."

Matagal kaming nag-usap ni Ryan tungkol sa kahit ano. Nabanggit ko rin sakanya 'yung nangyari kahapon at ngayon. Nung nabanggit ko 'yung kahapon ay galit na galit si bakla! Kala mo siya 'yung naprovoke, e.

Tapos 'yung nakwento ko naman 'yung ngayon ay kala mo nakakita ng multo sa gulat. 

"Oh my god! Hindi nga?!"

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon