Chapter Fourteen

25.3K 735 109
                                    

Song: Unbreakable- Jamie Scott

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Unbreakable- Jamie Scott

Girlfriend

Pumasok ako ng school na parang walang nangyari kahapon. Maraming estudyante ang nakakita or most likely ay nakarinig sa pag-uusap namin ni Xander.

For nine months of endless hurting, ngayon ko lang lubusan na nalaman o naintindihan kung bakit nila nagawa iyon sa akin. Just because I can't satisfy his needs doesn't mean he can cheat on me.

Kung alam ko lang na 'yun lang rin pala ang gusto ni Xander sa akin ay sana hindi ko nalang siya sinagot. I was so foolish back then. I just want someone to love me at akala ko kayang ibigay sa akin ni Xander 'yun pero hindi pala dahil sinaktan niya ako.

I remember confronting them in such private dahil ayokong gumawa ng gulo. Ayoko rin na maging issue pa ito sa buong school. At higit sa lahat ay ayoko rin naman silang masira sa buong school ng dahil lang doon. May reputasyon si Xander na pinanghahawakan at ayokong masira iyon.  

I loved Xander so much, I really do. Kayang kaya kong maging considerate sakanya dahil nga mahal na mahal ko siya ng sobra noon. Maybe my selfless love for him is what made him cheat on me. 

Ang sabi sa akin ni Xander noon ay tuwing wala ako, si Alisha ang laging nandiyan para sakanya. Kaya inisip ko na baka nafall out of love lang siya sa akin kasi most of the time ay wala ako. Hindi ko siya kasama dahil na rin busy ako sa trabaho.

May nagsabi na rin sa akin na may nangyari daw kay Alisha at Xander nung gabi na nagparty sila pero hindi ko pinaniwalaan 'yun dahil malaki ang tiwala ko sakanila. Lalo na kay Alisha.

After all, she's my best friend. Hinding-hindi niya kayang gawin sa akin iyon. I trust her so much to the point na hindi ko siya panghihinalaan sa kahit anong bagay.  Pero agad ring nawala ang tiwalang iyon nang makita ko sila na naghahalikan sa likod ng gym. 

Susurpresahin ko sana si Xander nung oras na 'yun dahil kababalik ko lang galing London. Pero sa pagbabalik ko ay 'yun ang bubungad sa akin. Ako pa ata ang mas nasurpresa. 

They were doing it all along behind my back and I didn't know. Ginawa nila akong tanga. I was such a coward that time dahil pilit ko parin silang inintindi kahit na ganoon.

But when I caught them again for the third time, that's when I lose it. I confronted Alisha at sakanya ko naituon ang galit ko. Dahil baka nga inakit niya ng sobra si Xander kaya hindi ito makawala sakanya. Pero nang kampihan ni Xander si Alisha ay doon na ako hindi makapaniwala ng lubusan sa nangyayari.

Bakit ganito? Ano bang nagawa kong mali?

I was begging Xander to stay with me but what he did is to push me away. Nagmamakaawa ako na sana ako nalang ulit. Na sana ako ang piliin niya pero hindi. Pinagmukha niya akong basura sa harap nila. Sa harap ng buong student body.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon