Chapter Thirty-One

23.6K 706 275
                                    

Song: Almost Is Never Enough- Ariana Grande ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Almost Is Never Enough- Ariana Grande ft. Nathan Sykes

Flowers

After ng graduation, ay inimbita ako ng magulang ni Zach sakanila para daw sa graduation dinner. Syempre pupunta ako. Papalampasin ko ba 'yun?

Kanina pa akong hapon dito. Naghahanda palang kasi sila para sa dinner. Pinapakita pa sa akin ni Tita Carmel 'yung mga pictures ni Zach nung bata. Natatawa naman ako kasi sobrang cute niya nung bata!

Kinukwento pa sa akin kung gaano kakulit si Zach noon. Zach is stopping Tita Carmel to tell me more embarassing stories about him. Kahit si Tito Patrick ay nakikisali minsan.

Iniwan muna nila kami at tumulong na si Tita Carmel sa paghahanda habang si Tito Patrick naman ay sumasagot ng tawag mula sa mga kliyente.

Puro photo album ang nasa harap namin ngayon. Nakuha naman ng isang picture ang atensyon ko. Nasa beach sila at kasama nila si Cindy sa picture. Pinakita ko ito kay Zach. Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Is this Cindy?" I asked him. Tumango lamang siya. "What happened to her?"

"Sam..." Aniya.

"What?"

"I told you I don't want to talk about her."

"And why is that? Bakit ayaw mo siyang pag-usapan?" Hindi siya sumagot.

"Zach, hindi mawawala 'yang sakit kung lagi mong itatago 'yan. Look, I'm trying to help you. Pero bakit parang ayaw mo?"

Hinilot niya naman ang sentido niya. "I don't need your help, Sam."

"You need to move on!" Nilapag ko 'yung picture at hinarap siya.

"Move on saan?"

"From her death!" Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo. 

Naiinis siya dahil sa pinag-uusapan namin ngayon. Wala akong pakialam. Gusto kong sumaya na siya dahil 'yun naman ang dapat sakanya.

"Sino ka ba para sabihan ako kung kelan ako pwedeng mag-move on? Wag mong sirain 'tong araw na 'to, Sam." Matigas niyang sinasabi sa akin. Hindi na ako nakasagot pa dahil iniwan niya akong mag-isa sa sala.

Tama nga naman 'yung sinabi niya na sino nga ba naman ako para pakialaman ang buhay niya? Kung ganoon naman pala edi sana hindi ko nalang rin siya pinayagan na pakialaman 'yung buhay ko.

Sana hinayaan niya nalang ako para hindi ganito. Akala ko pag sinabi ko sakanya lahat, matututunan niya rin na sabihin sa akin. Pero hindi. Ako lang itong umaasa.

Bakit ang unfair niya? Meron na ngang tao na gustong tumulong sakanya pero pinagtatabuyan niya.

Alam kong dapat na namin tapusin 'tong relasyon na 'to dahil tapos na naman kami mag-aral at hindi ko na kailanman makikita ulit si Xander. Pero hindi ko ginagawa dahil ayoko. Marami pa akong gustong gawin para sakanya but he's not letting me. Sobrang tigas ng puso niya.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon