Chapter Eight

28.4K 784 10
                                        

Song: Already Gone- Sleeping At Last

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Already Gone- Sleeping At Last

Guest

Weeks have passed at hindi parin talaga natitigil si Xander sa pangungulit sa akin. Mabilis rin kumalat ang picture namin sa school nung sinampal ko siya.

Matibay talaga ng mukha ng isang 'to. Sa tingin ko nga hindi siya nahihiya sa mga pinaggagawa niya, e.

Sabi naman ng ibang estudyante na nagsisimula na akong ipakita ang mean side ko. Siguro ay sanay sila na nakikitang hindi ako pumapatol sa kung ano mang ginagawa nitong si Xander sa akin noon. 

Habang ang iba naman ay sinasabi na karapat dapat lang daw kay Xander ang inabot niya sa akin nung nakaraang linggo. Which is, tama naman! Hindi pa nga sapat 'yung ginawa ko sakanya para makaganti sa sakit na pinaranas niya sa akin noon, e.  

Minsan naman ay nakakasalubong ko si Zach pero ako naman itong mabilis ring iiwas. Ewan ko ba! Hiyang hiya na kasi talaga ako sa taong 'yon. 

Sa tuwing kasabay ko si Kelly ay minsan napapansin kong napapatingin siya sa amin. At kung magtatagpo man ang mga namin ay ako agad itong iiwas ng tingin. I look pathetic. Hindi naman naging kami ng tunay pero ganito ako umakto.

Daig ko pa mga naging girlfriend niya, e! 

Ngayon naman ay nasa airport ako. I'm going to New York tonight. It's New York's Fashion Week this season. Kaya naman halos lahat rin ng mga models ay nagliliparan na rin papuntang New York ngayon. 

After this, it's going to be my break. Kaya naman ay dalawang mag kasunod na fashion show ang tinanggap ko dahil syempre, tutal magbbreak na rin naman ako from work susulitin ko na on the last day.

Chanel and Burberry casted me to walk on their fashion show. I will get to bond with other famous models. May iba rin naman akong kaclose kaya hindi na rin problema sa akin kung maout of place man ako kung sakali. 

So far so good naman at walang taong nakakarecognize pa sa akin dito sa airport while I'm waiting for my flight.

One hour delayed lang naman ang flight at dalawang oras na ako naghihintay dito! Sobrang aga nga akong ginising nitong si Ryan kasi daw baka malate kami sa flight tapos pag dating namin ay delayed naman pala!

So, Ryan being my handler, kasama siya sa New York. Sinulit na rin ni bakla ang chance dahil dun nakatira ang family niya. Kaya besides sa pagiging handler ko ay magpapaka bakasyonista rin daw muna siya.

"Pwede bang after ng show babalik na rin agad ako ng Manila? May quiz kasi kami next week. I need to catch up with the lessons." Sabi ko kay Ryan. Umangat naman ang tingin niya sa akin. He pouted. 

"Akala ko naman maeexplore pa natin ang New York. Okay lang naman, e. At isa pa, the management already knows you're going to have your break so it doesn't matter na rin." Tumango ako sakanya at ngumiti. "Siya nga pala... How's school?"

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon