Samantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relationship ended long ago. As she was trying to get her life back on track, he suddenly came back and no...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: Fool's Gold - One Direction
Date
Kada klase ata na mapapasukan ko ay tinatanong ako tungkol sa relasyon namin ni Zach. Masyado atang kalat na hindi parin siya nakakamove on sa ex niya. Kaya naman pala ang hot issue nito sakanila ngayon.
Tapos eto namang si Xander... may pakulo pa nalalaman! Ang lungkot lungkot daw tuwing nakikita nilang naglalakad.
Sus! For all I know malungkot lang 'yun dahil baka natanggihan siya ng type niya.
Nginingitian ko na lamang ang mga nakakasalubong ko sa tuwing tatanungin nila ako about sa issue na kinasasangkutan ko dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot. I wonder if Zachary were asked about our "relationship". Ano kaya ang sagot niya?
I don't think he's the type of guy na magdedeny sa friends niya. Nabubuang na nga ata ako dahil ilang beses ko ng ginugulo itong buhok ko habang nakaupo dito sa canteen.
I'm waiting for Kelly to arrive dahil napagkasunduan namin nung lunch na kakain kami ulit after school. Ilang tao na rin ang bumati sa akin. At marami na rin siguro sakanila ay iniisip na nababaliw na ako dahil hindi ako mapakali. Para akong kiti-kiti dito.
"Why do you look so problematic?"
Napaangat ako ng tingin nang makita si Kelly na nakaupo na sa harap ko.
"E, kasi diba... 'Yung crazy stunt namin ng pinsan mo... Ang bilis kasi kumalat dito sa school. Ayoko namang isipin talaga nila na meron?" Nag-aalala ko siyang tiningnan. She chuckled.
"I heard that Zachary were asked the same question. He's the type of guy who's true to his words. Kaya hindi naman siguro magdedeny 'yun. If that's what you're worried about." Inilabas niya ang wallet niya.
"Hindi ko na alam..." Ngumuso ako at tumingin sa malayo.
"What do you want nga pala? My treat! Since ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng kasabay."
Mabilis ko namang inilabas ang wallet ko dahil ayoko isipin niya na sinasabayan ko siya kasi naaawa ako sakanya dahil wala siyang kasabay at nagmamagandang loob lamang ako.
"Oh, no! Ako na! Kahit ano nalang sa akin." binigay ko sakanya ang pera ko pero agad niya ring binalik ito sa akin.
"Bukas nalang 'yan. Ako nalang libre mo bukas. Today, it's on me." She smiled.
Wala rin akong nagawa kung hindi ang ibalik ang pera ko sa wallet dahil naglakad na siya palayo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi parin mawala sa isip ko ang posibleng mangyari kung pagpapatuloy namin ni Zach itong stunt na 'to.
Mas lalo pang lumala 'tong iniisip ko nang makita kong pumasok ang team niya sa canteen. Agad ko namang itinago ang sarili ko at yumuko na lamang para kunwari ay may binabasa ako pero wala naman talaga. I grabbed Kelly's book in front of me.