Chapter Thirty

24.7K 984 402
                                    

Song: Close- Westlife

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Close- Westlife

Happy

Naputol lamang ang tinginan namin nang ipakilala na ang susunod na team. Nakita ko rin na kumaway si Ian kay Kelly. Konti nalang talaga iisipin ko na may something silang dalawa.

Nang matapos ang toss coin, inanunsyo na kung sino ang offense team at kung sino ang defense team. Bago ako syempre manood ulit ng finals ay nag-binge watch ako ng football games sa youtube para may idea na ako.

Offense team will be the St. John University while the defense team will be the Golden Hills University.

When the game started sobrang naging maingay na ang field. Ang dalawang pinsan ni Zach ay sobrang nagkakatuwaan sa pagchecheer.

The opponent team was too good to be true ngunit parang wala lang iyon kela Zach. They still did well kahit na magaling ang kalaban. Zach was really good. Even Ian. Kaya naman todo cheer rin itong si Kelly.

I didn't know Ryan knows something about football dahil mukhang hindi siya clueless habang nanonood. Di kagaya ko noon. Natapos ang second half ng lamang ang St. John University ng isang touchdown.

Kung magpapatuloy ang maganda nilang performance ay may chance silang maging champion.

And so, they did. Ang St. John Football Team ang tinanghal na champion ng University Football League. Tuwang-tuwa ang buong student body sa pagkapanalo ng St. John. Ian was the one who scored the championship point.

"Your boyfie is so good ha?" Pang-aasar sa akin ni Ryan. I rolled my eyes at him playfully.

Sabay sabay kaming bumaba ng bleachers upang salubungin sila Zach. Peter and John was still going crazy about the game. Sa sobrang intense nito parang hindi sila makamove on dahil bukambibig parin nila 'yon.

Sinalubong si Zach ng daddy niya at niyakap siya. Habang ang mommy niya naman ay hinalikan siya sa magkabilang pisngi. He was holding his trophy. Siya kasi 'yung tinanghal na MVP ng UFL. Habang si Ian naman ang Finals MVP.

They asked Peter to take their photo with Zach's trophy. Hindi man ngumingiti si Zach, ang gwapo niya parin. Para talaga siyang modelo minsan. Hinila naman ako ni Katarina at pinasali sa picture nila. I stumbled a little dahil sa gulat ko sa ginawa niya.

She placed me beside Zach. I mumbled a congrats to Zach at ngumiti na sa harap ng camera. Even Kelly, Peter and John joined the photo. Si Ryan ang naging photographer.

"Oh, si Samantha at Zach naman!" Anunsyo ni Ryan. Nilakihan ko siya ng mata. Jusko naman itong si Ryan!

"Oonga, anak. Kayo naman ni Sam." Ani Tito Patrick. Umalis na sila sa tabi namin at pinanood kaming dalawa. Zach put his arms around my waist nang mag-umpisang magbilang si Ryan.

"Let's go. Let's celebrate outside! Zach, make Ian come with us." Sabi ni Tita Carmel at nagsimula na silang mag-lakad. Ang dalawang magkapatid na si Peter at John naman ay nautosan pa si Ryan na kuhanan sila ng picture sa field kaya medyo malayo rin sila sa amin.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon