Chapter Six

27.8K 843 51
                                    

Song: Train Wreck- James Arthur

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Train Wreck- James Arthur

Good

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa school. Mamayang hapon ay may meeting naman ako kasama si Ryan para sa New York's Fashion Week na magaganap sa susunod na linggo.

Kinuha ako ng Chanel upang maging isa sa mga models na lalakad sa kanilang fashion show.

Hindi naman agad ako tumanggi dahil alam naman natin na sobrang kilala ang Chanel sa buong mundo at puro mga sikat na models rin ang pinipili nito para sakanilang Fashion Week.

I was actually planning on asking Zach today, kung alam niya na ba ang tungkol sa mga articles. Pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.

Mamaya pa naman ang klase ko kaya dumiretso ako sa boy's locker room. Of course, hindi ako pumasok. Baka may makita pa akong hindi ko dapat makita. Kaya naghintay lang ako sa labas, nagbabaka sakaling nandito sa loob si Zach.

Ilang oras rin ang lumipas ngunit wala akong nakita ni anino ni Zach na lumabas. Nagulat nalang ako nang lumabas si Justin, isa sa mga members ng football team.

"Uhm... Justin, nandiyan ba si Zach?" tanong ko. Lumingon siya sa akin.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa at tsaka ngumiti. I suddenly felt uncomfortable with the gesture. 

"Didn't see him, though. Baka nasa field na? Need anything?" tanong niya.  Umiling ako. 

"Ah... Wala naman. Sige tingnan ko nalang sa field. Thanks!"

Maglalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ang balikat ko. Bahagya akong nagulat. 

"Hey! Sabay na tayo pumunta."

Hindi ako agad nakasagot. Wala na rin naman akong nagawa dahil sumabay na siyang maglakad sa akin. 

"So," he started. "You and Zach, huh?"

Nilingon ko siya. Nag-iisip ng pwedeng isagot. "Uhmm..."

I'm lost for words! Hindi ko talaga alam ang sasabihin. I don't even know how will I react.

"It's kind of surprising you know," Humawak siya sa kanyang baba at tumingin sa langit. "We weren't expecting Zach to be in a relationship since we all knew he is still moving on."

"Moving on from what?"

"You don't know yet?" Turo niya sa akin sabay natawa. "Ah! I'm starting to doubt your relationship. Meron nga ba? Meron nga bang namamagitan sainyo?" He smirked na parang nang aasar.

"It's your choice if you don't want to believe it." sabi ko. "Hindi naman kami pumasok sa ganitong relasyon na kailangan pa naming patunayan sa ibang tao kung totoo ba o hindi." Mas binilisan ko naman ang paglalakad para maiwanan ko na siya.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon