Chapter Eleven

26K 799 72
                                    

Song: I'll Be Home- Meghan Trainor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: I'll Be Home- Meghan Trainor

Christmas

Dumaan ang ilang buwan hanggang sa magpapasko na. 

Ryan and I planned on celebrating Christmas with his family in New York. May pera naman ako kaya makakabili rin ako ng ticket.

Sinabi ko kay Ryan ang naging phone call namin ni Caitlyn noon. He felt sorry for me and warned me to never call again. Sabi niya hahanap raw siya ng paraan para makuha ang number ni Caitlyn para kahit papano ay makakapagusap parin kami.

That's what friends are for.

I cried for weeks nang dahil doon. Ilang bote rin ng concealer ang naubos ko nun para lang matakpan ang eyebags ko. And thank God no one noticed...

Patuloy parin ako sa pag-iwas kay Zach lalo na't he saw me at my miserable state. Kaya mas lalo  lang tuloy akong nahiya sakanya.

Noong nagkaroon ng homecoming game ay hindi ako sumama kay Kelly kahit inaya niya ako. I spent the rest of that week or month mourning for myself. Minsan ay naaawa na rin ako sa sarili ko dahil ako na nga itong nang-iwan, ako parin itong pilit na bumabalik. 

Well, it's family. You will always do anything for family.

Pero pamilya pa ba nila ako?

Ngayong Christmas break ay wala akong masyadong ginagawa kung hindi ang manood lang ng manood ng kung ano-anong TV series. 

Minsan ay aayain ako ni Ryan sa bar pero minsan lang rin naman akong sumama dahil hindi naman ako ganon kalakas uminom. Wala rin naman akong ginagawa doon kung hindi ang umupo at tingnan sila na nag-sasaya. 

My social life sucks. Nawala ata sa akin ito nung simula na iniwan ko ang pamilya ko.

Ryan who's always busy with his work ay minsan nalang rin makitulog sa condo ko. Minsan nalang rin kami magkita dahil masyado siyang maraming inaasikaso.

Si Kelly naman kapag inaaya ko ay kailangan ko pang kumbinsihin ng one hundred times para lang sumama sa akin mag mall. Buti na lamang ay mapipilit mo parin.

Nang dalawang araw nalang bago magpasko ay lumipad na kami ni Ryan patungong New York. His family are already waiting for us at the  airport.

I'm so grateful kasi kahit papano nakakapagcelebrate parin ako ng pasko kasama ang pangalawang pamilya ko.

"Why don't we shop for our Christmas presents tomorrow, Sam?" Ryan suggested.

"I'm actually thinking about it. Hindi naman siguro masama." Sabi ko.

Ganoon nga ang ginawa namin ng susunod na araw.  I have to go on a separate way while I'm shopping with Ryan dahil 'yung regalo na niya ang bibilhin ko. 

He keeps on telling me about this Yves Saint Laurent boots that he keeps on obsessing over and I thought that it would be the perfect gift for him. 

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon