Epilogue

54.1K 1.2K 541
                                        

Songs: Remember Who I Was- James Arthur

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Songs: Remember Who I Was- James Arthur

Not Just You- Cody Simpson

Zach

"Stay with me, Xander. Please! Ako nalang ulit." Kunot noo kong pinapanood si Samantha Enriquez na nagmamakaawa sa boyfriend niyang si Xander.

Everyone gathered around the gym nang dahil dito. Sam is the famous model while Xander is the star player of the basketball team kaya naman naging usap-usapan agad at nagsipuntahan agad ang lahat dito.

Ayoko talagang pumunta dahil aanohin ko naman 'to diba? Si Ian lang naman ang nag-pumilit sa akin na pumunta. He always wants to know everything kahit hindi naman kailangan.

Halos lahat ay nagbulungan nang inalis ni Xander ang pagkakahawak sakanya ni Samantha. I heard everyone gasp nang nilapitan ni Xander si Alisha instead of Sam. Freaking asshole!

They left Samantha crying at the center alone. Oh shit.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng gym. Parang wala lang sakanila ang nangyari. Parang wala lang sakanila na may iniwan sila doon na luhaan.

"Nakakaawa naman si Sam." Ani Ian habang nakatingin sa babaeng nasa gitna ng gym na umiiyak parin hanggang ngayon.

Napatitig lang rin ako sakanya. Why would she even beg for him when he already cheated on her? Maybe she's out of her mind. Or maybe she's blinded by her love for him.

Nakayuko lang siya at nag-patuloy sa pag-iyak. Wala ni isa ang nagtangkang lumapit sakanya. Patuloy lang siyang pinagbubulungan ng mga tao dito. Kumunot ang noo ko. Don't these people have anything else to do instead of gossiping about her?

Everyone gasped nang biglang tumayo si Samantha at dire-diretsong lumabas ng gym. Everyone turned to her.

Whoa! She's a mess!

"Tapos na. Pwede na ba tayong umuwi?" Tamad kong tinanong kay Ian. He tsked. Napahawak pa siya sa kanyang baba at hinimas himas 'to.

"Grabe noh? Wala man lang lumapit sakanya para tulungan siya. Nakakaawa naman."

I sighed in frustration. Mukhang wala pa siyang balak na umalis dito kaya naman ay hinila ko na siya palabas. He keeps on thinking and rambling about what happened. I seriously want him to shut up.

"Edi sana nilapitan mo... Diba crush mo siya?" Tumawa lang si Ian. He patted my back.

"Bro, alam mo namang shy type ako kaya di ko magawa. Gustohin ko man... Pero, pare, grabe talaga! Kung ako 'yun di ko gagawin 'yun sakanya. Samantha Enriquez na 'yun, bro! Di na dapat pinakakawalan 'yung ganon!"

Umiling-iling pa siya habang nagsasalita. Ian has a huge crush on Samantha Enriquez. Nabibingi na nga tainga ko tuwing binabanggit niya 'yun, e. Paulit-ulit lang rin naman 'yung sinasabi niya.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon