Chapter Ten

26.3K 788 66
                                    

Song: So Cold- Ben Cocks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: So Cold- Ben Cocks

Phone Call

Dalawang shows rin ang natapos ko sa araw na iyon. Kinagabihan namn ay bumalik na rin agad ako ng Manila kahit sobrang hassle ng byahe.

Ang kulang kong tulog ay ibinawi ko nalang sa eroplano. Buti nalang rin at nagising agad ako nang pababa na ito kung hindi mas lalo pang lalalim ang tulog ko at maiiwan na akong mag-isa dito.

Some stewardess asked for a picture with me before I head off from the plane and I didn't decline. The stewardess greeted me a good bye once I made my way out. 

I put on my shades dahil umaga na at mas may chance na marecognize ako dito. Wala pa naman din akong kasama. Tumawag ako ng taxi para ihatid ako hanggang condo. Sa haba ng biyahe ay nakatulog muli ako. Sobra kasi ang traffic ngayon. Buti na lamang at wala akong pasok.

Nang sumapit ang gabi ay mas finocus ko ang sarili ko sa pag-aaral. Lalo na para sa mga quiz na ibibigay sa amin sa mga susunod na araw. Nang makahanap ng oras ay inayos ko rin ang thesis ko. I'm almost halfway through it.

Hindi ko na rin namalayan na sobrang late na pala dahil tinablan na ako ng antok. Nang sumapit naman ang umaga ay mabilis rin akong nagtungo sa school at pumasok sa aking klase.

Today marks my first day of break from modeling.

Buti na rin pala ay natapos ko na ang plates ko rito noong nakaraang linggo kung hindi patay na naman ako neto sa professor dahil wala akong maipapasa sakanya. I checked my designs and found myself feeling so satisfied with it.

Nang ako na ang magpapasa ay tiningnan ako ng prof.

"You still got time to finish your plates despite of the hectic schedule." She smiled.

"Of course, Ma'am." She checks them one by one. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang nginingitian niya ang mga plates ko.

"I'm amazed by your work, Ms. Enriquez. I have to keep one of these and show it to my other class." She looks up at me. I smiled brightly at her.

"Really, Ma'am? Thank you!"

Hanggang sa pag-upo ay hindi maalis ang ngiti ko. I didn't know that she will like my designs. Mas marami pa kasi dito sa amin ang mas magaling sa akin. Seeing their designs and all.

Nag sabay naman kami ni Kelly nung lunch. She added me on Facebook last night at nakapag-usap rin kami kahit saglit.

"It's been a while, Sam, ah? Busy?" Tanong niya sa akin.

"Yeah. It's been really hectic, pero ngayon hindi na siguro masyado."

"Saw some of your pictures from the show. You looked great! I'm also sure that you did great." She smiled at me. I smiled back.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon