Chapter Four

29.7K 941 135
                                    

Song: 22 - Gavin James

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: 22 - Gavin James

Good night

When we got out of the car I was surprised to see where we are.

He brought me to Jollibee! Jolly freaking bee!

Hindi naman sa nag-rereklamo ako... but I wasn't expecting this! Kumakain naman ko kahit papano sa Jollibee. Hindi ko lang labis akalain na dito niya ako dadalhin for our "supposedly" date.

"I hope this place is okay." Aniya ng tuluyan na kaming makababa ng kotse niya. Tumango ako sakanya.

Nakakahiya naman kasi kung magrereklamo pa ko hindi ba? Tsaka hindi naman siguro talaga date 'to diba? Napilitan lang siya. Sinabi niya rin sa akin na... he's just helping me out.

Pumasok kami sa loob at agad rin naman kaming binati ng nagbukas ng pinto.

"Jolly Evening po, Ma'am Sir!" ngumiti siya sa amin. I smiled back.

Dumiretso kami sa counter para makapagorder na.

"What's yours?" He asked.

Ibinigay ko na sana sakanya ang pera ko pero hindi niya ito tinanggap. Tiningnan niya lamang ako.

"I'll pay mine. Kahit ano nalang." Sabi ko. Inabot ko ulit sakanya ang pera ko ngunit di niya parin ito tinatanggap. Tiningnan niya ako ng matalim.

Medyo nagulat ako doon. Nakakahiya naman kung hindi ako magbabayad ng akin!

"I'll pay, Samantha. You should go and look for some available seats."

Wala rin ako nagawa, kaysa makipagtalo pa ako sakanya edi wala kaming narating. Kaya heto ako ngayon at nakaupo mag-isa habang hinihintay siyang dumating kasama 'yung order namin.

I checked my phone baka sakaling may nagmessage sa akin. Nang makitang mayroon nga ay agad kong binuksan ang message ni Ryan.

Ryan:

You have a photoshoot for tomorrow. 9 AM. At Taguig. Metro Magazine is requesting you to be on their cover. Are you in?

Napangiti naman ako sa text niya. Another blessing! Metro Magazine is a very well known magazine in the Philippines!

Ako:

Of course! I'll check my schedule for my classes tomorrow. I'll let you know right away. Thank you, Ryan!

Si Ryan ay 'yung bakla kong handler. May time na masungit siya pero most of the time ay nagkakasundo naman kami.

Siya na nga ang itinuturing kong best friend simula nang iniwan ako ng makati kong kaibigan noon. Masungit lang siya when it comes to work, pero kung ibang bagay naman... He's really fun to be with!

Hindi ko na nacheck pa ang ibang texts dahil dumating na si Zach bitbit ang order namin. Inilapag niya ang isang spaghetti sa harap ko kasama ang iced tea. Ang kanya naman ay Burger Steak.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon