Song: I Can't Make You Love Me- Bon Iver
Us
I woke up to see him gone in bed. Twelve o'clock pa ang flight namin and it's only seven o'clock in the morning. Malayo ang airport dito kaya kailangan na namin mag-handa ngayon palang.
Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga couch sa balkonahe. Nakatingin lamang siya sa dagat.
Ngayon palang ay kailangan ko ng tanggapin na hindi niya kayang ibigay sa akin ang bagay na gusto ko.
Kailangan ko rin tanggapin na hindi kami dapat sa isa't isa.
Naramdaman niya sigurong may tao kaya naman ay napalingon siya sa likod niya. Agad naman akong tumalikod at dumiretso sa labas ng Villa.
Kinuha ko ang bike ko. I didn't bother knocking on Ryan and Tony's room to join me for breakfast. Kaya ko namang kumain ng mag-isa.
I spent hours staying at the restaurant I found. Ilang beses na ring nag-ring ang cellphone ko sa mga tawag ni Ryan. Hindi ko iyon sinasagot.
Nang mag eight-thirty na ay napagdesisyonan ko ng bumalik upang maghanda na sa flight namin mamaya.
Malayo palang ay naaaninag ko na sila Ryan. Kasama nila si Zach. Bumaba ako ng bisekleta nang malapit na ako sakanila. Ryan rushed to me and hugged me tight. Nagulat ako with his sudden reaction.
"I thought something happened to you! Zach said you were gone for hours and I started getting worried." He said.
Nahagip ko ang tingin ni Zach. Tamad ko siyang tiningnan at mabilis rin naman nag-iwas ng tingin.
"Akala ko nangyari na naman 'yung ginawa mo noon." Ryan added.
The day I caught Xander cheating on me, I ran away without Ryan knowing. Hindi ko alam kung saan ako pupunta noon. Basta kung saan nalang ako dalhin ng paa ko nun. Para akong walking dead ng oras na iyon.
Dinala ako ng sarili kong paa sa isang bar na hindi ko alam kung saan. I got drunk so bad. Nagising na lamang ako na nasa ibang bahay ako.
I woke up with a guy beside me. Akala ko ay may nangyari sa amin. Buti na lamang ay wala. Sabi niya ay kaibigan raw siya ni Xander. He met him at multiple parties.
Buti na lamang ay hindi niya ako pinagsamantalahan kundi hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko.
He dropped me off at Xander's flat completely clueless that we're nothing anymore. That his friend cheated on me with my best friend.
Medyo may tama pa ako ng oras na iyon kaya hindi ko rin alam ang ginagawa ko noon. Basta nalang ako dinala ng sarili ko na i-ring ang door bell nila.
Xander dropped me off to my condo and after that he flew to Chicago.
Ryan was already waiting for me inside my unit nang pumasok ako. He was muttering something pero walang pumapasok sa tainga ko. Paikot ikot lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
When We Were Faking It (When Trilogy #1)
RomanceSamantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relationship ended long ago. As she was trying to get her life back on track, he suddenly came back and no...