Song: Sermon- James Arthur ft. Shotty Horroh
Headlines
I woke up to my alarm ringing.
May shoot nga pala ako ngayon. Ayoko pa sana bumangon ngunit hindi pwede. Ryan will kill me pag nalate ako. Kaya naman ay mabilis rin akong bumangon at naligo.
Buti nalang at malapit lang dito sa condo ang pag-gaganapan ng shoot kaya hindi na rin problema sa akin ang traffic. I wore a button-down shirt and shorts. Kinuha ko rin ang aking handbag na nakapatong sa aking bedside table.
Pagkababa ko sa ground floor ay agaran akong binati ni Kuya Jayme. Isa sa mga guards dito sa condo.
"Good Morning, Miss Ganda!"
Ngumiti naman ako sakanya.
"Si Kuya talaga kahit kailan." sabi ko sabay umiling. Tumawa siya sa aking sinabi.
"May shoot kayo, Ma'am?" Tumango ako. Agad namang dumating ang valet kaya pumasok na ako sa kotse ko. "Ingat po kayo, Ma'am!"
"Thank you, Kuya!"
Dumating ako sa studio nang may natitira pang twenty minutes before the actual call time. Ryan immediately smiled at me nang makita ako. Minsan lang rin kasi ako maging maaga sa shoot.
"Buti naman at hindi ka late." Umirap siya sabay humalukipkip.
"Nakakahiya naman kasi sa'yo." Sabi ko. Pumwesto naman ako sa harap ng make up station.
Hinihintay ko na lang ang magmemake up sa akin at sa mag aayos ng buhok ko. I checked my phone first habang nag hihintay para hindi ako mabored. Nawala lamang ang tingin ko doon nang bigla akong tinawag ni Ryan.
"Samantha, they're going to be your glam team for your shoot today." Ani Ryan kaya agad ko ring itinago ang cellphone ko. I smiled at the group of people.
"Hi! I'm Mikko. This is my team." Ani ng make up artist.
"Hi! I'm Samantha." Nakipagkamayan ako sakanya. Pagkatapos naman noon ay inayos niya na ang mga gagamitin niya sa akin.
Walang ano-ano pa ay nag umpisa na silang ayusan ako.
"Simple lang naman ang theme ng shoot for today. You just gotta do your best." Paalala sa akin ni Ryan. Tumango ako at nginitian siya.
"Of course! I won't disappoint." Ryan winked at me. I chuckled.
"That's my girl!"
Ilang oras makalipas ay nag-umpisa na rin ang shoot. The photographer keeps on throwing compliments at me while I try to strike different poses for the photos.
"You're so pretty! Hindi na ako nagtaka pa kung bakit nagustuhan ka nung sikat na Quarterback sa school niyo."
Mabilis akong napabaling ng tingin sa photographer when the glam team flocked at me. Kumunot ang noo ko. What does he mean by that!?
BINABASA MO ANG
When We Were Faking It (When Trilogy #1)
RomanceSamantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relationship ended long ago. As she was trying to get her life back on track, he suddenly came back and no...