Chapter Seventeen

24K 698 82
                                    

Song: Let It All Go- Birdy ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Let It All Go- Birdy ft. Rhodes

Comfort

Today I'll try to convince my family to attend my graduation again. 

Umakyat ako sa pinakamataas na palapag ng school at humanap ng mas tagong lugar. I made that sure no one will see me here not even Zach, Kelly or even Ian. Wala akong nakitang ni isang estudyante na nandidito. Okay na rin siguro dito. 

Pumwesto ako malapit sa bintana. Medyo madilim dito dahil tago rin 'tong napuntahan ko, e. Balita ko dito rin daw gumagawa ng kababalaghan ang mag-jowa sa school. Sana naman ay wala akong maencounter na ganito dito ngayon. 

Tanaw sa bintana ang buong school. Masarap rin ang simoy ng hangin dito. Now I found my perfect spot!

Nilabas ko ang phone ko at mabilis na dinial ang telephone number sa bahay. It took me three rings before someone answered the call. 

Akala ko ay kung sino na ang sumagot nung una. Akala ko ay nawrong number ako, but when I heard my Dad's voice ay bigla akong napaayos ng upo.

"Hello?"

"Hello... Dad" malungkot kong sinabi. I feel so anxious while I was waiting for him to speak. I was even biting my nails. Gross.

"Is this Samantha?" Walang bahid ng emosyon ang boses niya. "What do you want?"

"I... I just want to let you know that... Uhh I'm graduating this April. There's a chance na maging Magna Cum Laude ako and I want you... there." Hirap na hirap akong sabihin ang mga ito. 

Last week kasi nalaman kong nasa Dean's Lister ako at sinabi sa akin na may chance raw ako na maging Magna Cum Laude. Gulat na gulat ako at sobrang saya ko.

"Oh, nice. What are you taking again?" He asks.

"Interior Design." I bit my lower lip.

"We're not coming." Nagulat ako sa sinabi niya. I thought he would be proud of me dahil may chance akong maging Magna Cum Laude. 

Nung High School nga ay makapasok man lang sa top ten ay hindi ko magawa. Ngayon na dumating sakin 'yung ganitong achievement, I thought he would be finally proud of me.

"Why?"

"I told you to take Law but you didn't. Kung Law lang sana ang kinuha mo at naging Magna Cum Laude ka ay malamang pupunta ako." 

Oh, right. Ayaw niya nga pala akong kumuha ng kahit anong kurso bukod sa Law. Law lang wala ng iba. But I didn't like that course. I hate it. Makakita palang siguro ako ng isang Republic Act ay mababaliw na ako. Ano pa kaya kung kakabisaduhin mo pa ang lahat ng iyon edi namatay na ako?

"Dad, please..."

"No, Samantha. I told you to take Law but you didn't. And mind you, you separated from us and you decided on your own. Do you expect me to be happy with that?" A tear escaped from my eye. Agad ko rin iyong pinunasan.

When We Were Faking It (When Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon