star

258 7 0
                                    

"hhaaaaaaaaayyy"

Ang sarap matulog.

Bago pa ko tuluyang hatakin muli ng mapang akit kong kumot at unan ay bumangon na ko. Kakamot kamot akong naglakad patungong banyo at saka nag hilamos at nagmumog. Ramdam ko kasi ang naiwang bakas ng super adventurous kong saliva.

Deretso sa kusina at naginit ng bahaw na kanin at ulam na natira kagabi. Oks na oks dahil doble daw ang makukuhang carbs kapag bahaw na ang kanin, ayon sa mga matatandang ermetanyo. Nagpakulo nadin akong tubig para sa kape.

Habang naghihintay ay binuksan ko ang bintana at nagsimulang magwalis walis. Istretch istretch ng konti, makapag release manlang ng gabutil na pawis.

Maliit lang ang apartment ko. Pang isahang tao lang talaga. Pagpasok mo ay sala na agad tapos isang kwarto sa kabilang gilid katabi ng banyo at kusina sa likod nito. Yeh, pang single ang peg pati ng mga kagamitan ko.

Tamang tama lang sa solo flight na gaya ko. Yes, solo na ko. Wala ng pamilya. Ulila. Kaya nakakalungkot na pati sa pag-ebeg ay ulilang lubos din ako. Charot!

Pero mas pinili kong magpatuloy at maging masaya. Ilang taon na ko dito sa lunsod at sa pinagtatrabahuan ko. Ayos nga eh. Full package kasi. Mag aassist lang ako ng isang tao at babantayan na din lalo na sa studies nito dahil medyo slow mo ang functioning ng utak. No offense pero yun ang totoo. Mabait naman ito kahit papano. At yun nga, dahil kailangan ko itong bantayan ay dapat kasama ko ito sa iisang eskwelahan. Kaya eto, nagkaron ako ng scholarship. Kapag sineswerte ka nga naman. At mas lalo akong naging masaya dahil ang school na ito ay ang pinapangarap kong mapasukan. Ngayon isa na kong estudyante sa eskwelahang ito. Kahit hindi yung course na gusto ko ang kinukuha ko kasi nga kelangan akong maging buntot nung boss ko ay ok lang. Wala na nga kong mahihiling pa eh. Sapat na sapat na to.

Nang marinig ko ang malanding sipol ng pinapakulo kung tubig ay agad akong nagsalin sa tasa at tinimpla ang paborito kong 3in 1. Nagsandok na don ako ng gabundok marikit na kanin at ulam saka naupo at nagsimula ng lumafang.

Denise Michelle Lazaro ang pangalan ko. 20 years old lang ako. 3rd year college na ko at kagaya ng sa boss ko ay bussiness management ang kinukuha ko. Biology talaga ang gusto ko pero okay na yun. Basta may college degree. Ahm, physique?? Di ko madefine. Pangit na kung pangit. Eto kasi ang laging sinasabi nina Ella sakin..

"Ano ba naman yan, denden !! Mag ayos ayos ka nga ng sarili mo! Ang kapal kapal ng buhok mo tapos lagi pang naka lugay! Nagagawa mo pa bang suklayin yan?? Pati yang salamin mong makapal pa sa bubog ng aquarium! Kayang kaya mo namang bumili ng contacts! Hay nako talga tong babaeng to! Walang kasense sense sa fashion!! 21st century na tayo teh!!"

Ayan. Haay. Anong mali sa paborito kong attire?? Hindi naman mala maria clara. Ewan ko sakanila. Hindi ko nalang pinapansin kasi di ko din sila magets.

Kahit ganito lang buhay ko ay masaya ko. Simple at tahimik. Wala din naman akong masyadong kilala at kaibigan. Dalawa lang ang kilala ko na masasabi kong kaibigan ko talaga. Ayun si Jorella at si Bea Tan.

Maloko din yang dalawang yan. Unlike me, may mga kaya sila. Kaya lagi akong OP. Pero ok lang kasi mababait naman sila at gusto akong laging kasama. Laging ako ang pinagkakaisahan, eh. Lagi nilang inaabuso ang kabaitan ko, chos leng. Lagi lang naman nilang binabasag ang mga trip ko sa buhay. Hindi naman ako napipikon kasi biruan lang naman. Pinakang lambingan na siguro namin yung mga ganun. Ang magpatayan.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Deretso ligo at naghanda na pagpasok. 7am palang naman at 8 pa ang first subject namin. Wich is major kaya kailangan kong maagang pumasok para makapagprepare. Mahilig kasi sa surprise ang prof. Namin dun eh. Buti sana kung ako lang eh. Kaso kailangan ko pang hilain yung alaga ko. Txk txk.

Scenarios Of UsWhere stories live. Discover now