Una..
Unang beses Kang Nakita
Sa hagdan, akoy pababa
Nasilayan ang iyong ganda
Gandang kaiba sa iba
Napako ang mga paa
Natulala, napanganga
Sa isang banda
Naisip na baka ikaw na..
Pangalawa..
Nagdalawang isip bigla
Parang kahibangan ito
Ni hindi pa nga sigurado
Sa sarili nangangamba
Paghanga lang ba
O pag ibig na nga
Pangatlo..
Pangatlong hakbang
Mula saiyong anino
Sa gitna ng ating pasilyo
Nadako ang tingin
Sa buhok mong itim
Malayang hinahangin
Muling napatanong
Ito bay paghanga
O simula ng pagpapakatanga
Pang apat..
Pang apat na mesa
Mula sa bintana
Dito sa kantina
Tanawa na tanaw kita
Di lang nagpapahalata
Oo nga pala..
Ngalan koy sa B nagmumula
Ikaw kaya?
Pang lima..
Panglimang beses na
Ng pagsulyap saiyo
Buti may dalang libro
Para paraan din to
Syempre nakakahiya
Para kong stalker mo
Ano bang meron sayo?
Sa baitang na ika walo
Nakuha mong atensyon ko..
Pang anim..
Anim na buwan na
Ng huli kang makita
Di na alintana
Di ka na naiisip
Pagkat di ka na nahahagip

YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomansaShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love