"kaya mo yan" walang gana kong sabi.
"No, I don't think I can. I'm backing out." Tarantang sabi nya habang paikot ikot.
Napakunot ang noo ko sa kaartehan nya. mukang napasubo ako nung sinabi kong tutulungan ko sya.
"Saglit nga. Unang una wag mo kong inglishin, ang aga aga pa. Pangalawa, wala pa tayong ginagawa, nagpplano palang tayo. Wag kang paranoid. At pangatlo, pwede bang maupo ka muna?"
Ang ending nakatingin lang sya sakin. Ewan ko kung may pumasok ba sa isip nya sa mga sinabi ko.
Napabuntong hininga ko bago ko sya hinili paupo sa tabi ko. Parang dun lang sya natauhan dahil nagsimula namang magtaas baba ang binti nya.
Hay naku, napakamot ako sa hindi makati.
" Pwede ba, chill ka lang.. wala pa tayong ginagawa oh."
" Kasi naman eh. Pano kung magfail lahat ng gawin natin? Or she's not just into girls like me.. oh god!"
Ang sarap nyang iuntog para matauhan.
"Have you seen your self?"
Yan napapainglish nadin tuloy ako.
"I mean.. siguro naman di mangyayari yang mga iniisip mo. Di pa nga tayo nagsisimula eh. Wag kang nega. Sige ka, kakapanick mo baka lalong walang mangyari." Pananakot ko. At mukang effective naman dahil kumlma sya ng very light.
Napapailing nalang ako. Buti at mejo maaga pa. Konti palang ang nasa school. Napagkasunduan kasi naming magkita para magplano. At dahil di daw pwede sakanila at lalo na samin dahil dun nagkalat sina kimang na kala mo walang sariling bahay, napag desisyunan naming dito nalang sa school ng maaga para iwas issue nadin.
Napatingin ako sakanya...
"Ganito. Dahil mukang wala kang planong magstatement of the problem, ako na ang bahala sa unang hakbang na gagawin mo."
Napatingin sya sakin. Yung tipong napaka inosenteng tingin na parang wala syang kaalam alam kung anong gagawin nya.
"Okay, ganito, si eruh, gusto nya natural lang, yung walang arte. Basta kumilos ka dahil yun ka. Walang pagpapanggap, o pakitang tao para lang magustuhan. Mamaya. Ipapakilala kita sakanya. Sasabihin kong nagkakilala tayo nung inutusan ka ni mam, ha?"
Tumango sya pero parang wala naman sa sarili. Pero tuloy lang ako sa sasabihin ko kasi nakita ko na sila ells na pumasok ng gate.
" Basta mamaya ha? Wag kang kung san san pupunta para kapag naka tyempo tayo madali kitang mahahanap. Geh bye na. Kita nlang tayo sa classroom."
Matapos non ay nagmamadali kong kinuha ang bag ko at iniwan na sya na nakatayo lang dun. Sinalubong ko sina kim na naglalakad na sa pathway.
"Oh, aly. Ang aga mo ah. Goodmorning sayo." Bati ni kim, naghigh five kami.
Napatingin ako kay ella na parang bad mood ang aura today.
"Anyare sayo?" Tanong ko pero imbis na sagutin eh nauna lang syang maglakad at iniwan kami. Nagtatakang nilingon ko sina ara.
"Si kim kasi eh. Akala biro biro lang nung sinabi ni ells na walang kakain nung chocolate nya. Ayan tuloy."
Napatingin ako kay kim na sobrang guilty ng mukha.
"Kasi naman eh. Walang nagluto ng almusal. Ang aga aga mo kasing umalis." Depensa nya.
Sasagot na sana ko pero maydumaang mga babae. Gumilid muna kami kasi nasa gitna pala kami.
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomanceShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love
