"dali na kasi, besh. Pleeeaaasseee!" Pamimilit ni ella sakin with matching puppy dog eyes at paghila sa damit ko. Iniwas ko na ang katawan ko dahil nahuhubaran na ko.
"Sinabi na ngang ayoko eh. Kita mo ng pinagbawalan ka na diba?" Pagmamatigas ko na syang ikinanguso nya. "Pwede ba wag mo kong ganyanan? Hindi ka bagay maging tuta." Pagsusungit ko dahil ayaw nya paring tumigil.
Pinipilit nya kasi akong samahan sya panonood ng liga ng women's basketball samay covered court namin. Meron daw syang isang close friend dun na napangakuan nyang manonood sya. Kaso dahil laging present sa bawat laban ay hindi na sya pinapayagan nina tito ngayon. Not unless she's with me. Kaya eto at binibulabog nya ang pagrereview ko.
"Dali na kasi besh. Last na talaga to. Promise, cross my heart. Mamatay ka man." At nagsign pa sya.
Napataas ang kilay ko sa narinig at ibinaba ang binabasang libro "Ah ganon?"
"Hindi besh. Joke lang naman eh. sige na kasi please." Pagsusumamo nya pero di parin ako nagpatinag. "Ayaw mo talaga ah. Ganito nalang, samahan mo ko ngayon and in return I'll do your sunday tasks for a month. Deal?" Napaisip naman ako sa proposal nya.
Hmm, dahil sa pag gardening lang ako natatanging weak, pwede na. "Make it for two months." Ngising sabi ko.
Napabusangot naman sya at parang napaisip din. "Nubanaman yan mapapasubo pa ata ko nito. Haay, kung di lang malakas sakin ang baldong yun eh." Bubulong bulong pa sya. "Sige na sige na. Samahan mo lang ako ngayon." Sabi nya na parang desperedo na talaga.
Napatawa naman ako. "Gano ba kahalaga yang taong yun para magmakaawa ka pa sakin ngayon?"
Kasi knowing besh wala naman syang kaibigan na hindi ko kilala. Mapili din kasi ang isang to eh. So i wonder..
"Basta, malaki utang na loob ko dun. Bilisan mo na besh at magbihis ka na. Dali na dahil magsisimula na ang game in 30 minutes!" Pinagtulakan nya pa ko sa banyo kaya wala na kong nagawa at gumayak na.
Nasa labas palang kami ng court ay dagsa na ang tao. May ilan din akong namukhaan na kaklase. Ang nakakaasiwa lang ay ang mga nakakasalubong naming nagyoyosi o di kaya ay may hawak nabote ng beer.
"Halika na besh. Magsisimula na" excited na sabi nito at hinila na ko sa loob.
Mas madaming tao at halos magsiksikan na yata. Wala na din kaming nahanap na mauupuan kaya nakatayo nalang kami samay gilid wich is so frustrating dahil nakakahiya sa mga nagtatangkarang nakatayo din sa unahan namin. Patalon talon pa nga si ella para makita yung hinahanap nya.
May 7 minutes pa bago magsimula ang game. Hindi naman sa ayaw ko ng larong to, actually varsity si dad nung kabataan daw nya at mukhang susunod sa yapak nya ang nakababata kong kapatid na si mosh. Pero kasi ayaw na ayaw ko sa maingay. Mas gusto kong magkulong sa kwarto at makinig ng mellow music. Di tulad sa ganito na halohalo ang amoy kaya nakakahilo. Tapos may ilan pang nakakasakit sa pakikipagsiksikan. Gagun ba sila kamanhid para hindi mapansing nakakasakit na sila?
"Ly! Ly!" Tawag ni ella sa kung sino. Hindi ko lang muna ito pinansin dahil abala ako pagtanggal nung alikabok na kumapit sa tshirt ko. Bwisit, napasandal pa ata ko samay grills kanina.
"Uy! Pots! Naku, buti dumating ka. Kala ko iindyanin mo nako eh."
"Asus pwede ba naman yun. Alam mo namang malakas ka sakin eh. Good luck MVP!"
"Hala sya oh. Hindi pa nga nagsisimula yung game."
"Nako, sure nayan. Ikaw pa ba?! Yakang yaka mo yan. Durugin silang lahat!"
"Hahaha, ikaw talaga pots, ang dami mong kasaysayan. Teka, bakit di ka pa nakaupo. Naku wala na palang pwesto. Halika dito samay courtside namin."
"Ay! Nakalimutan ko. May kasama ako. Den! Oy, den?"
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomanceShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love