Halloween party..
Nawawalan ako ng ganang umattend. Kahit ilang buwan na ang lumipas mula nung maging close si parekoy at si Dennise.
Okay lang naman sakin..
Hindi, okay lang talaga.
Seryoso okay lang.
"Oy, Ly. Ok ka lang?" Biglang tanong ni ella na busy kakanguya.
Tiningnan ko lang sya dahil para namang di sya nageexpect ng sagot ko. Naiiling akong tumayo at pumunta ng office.
Student council office. Officer kaya ako.
Busy ang lahat para sa preparation para mamayang gabi. Tho para sakin medyo boring kasi alam ko na ang mga mangyayari. Isa pa wala akong plus one.
"Oy, ly! Tara na dali!" Hinihingal na tawag ni kimang.
Nilapitan ko na sya kasi kawawa naman.
"Problema mo?! Imma busy person."
Isang hampas naman ang natanggap ko.
"Aray ah. Ano bang kailangan mo??"
"Wag mong sabihing nakalimutan mo?!"
Tiningnan ko sya ng may pagtataka.
At muli nakatanggap nanaman ako ng hampas.
"Ouch! Namumuro ka na ah. Bat ba di mo nalang sabihin kung ano yung nakalimutan ko?!"
Umayos sya ng tayo, sa wakas, at hinawakan ako sa balikat. Muka syang nagmamakaawa.
"Diba tutulungan mo ko gumawa ng surprise??"
Bigla namang may nagclick sakin.
Oo nga pala. May nililigawan sya. Biruin mong may nakapagpalambot pa sa pusong nickel na ilang taon na sa freezer ni kimang? Iba din. Kinabog ang charms ko.
"Oo nga no. Eh pano yan busy ako oh.."
"Eh hanggang mamaya pa naman yan eh. Tulungan mo muna ako. Bumalik ka nalang mamaya.."
Parang maiiyak na sya. At dahil may pusong cheesecake ako. Sige na nga.
"Sige na, oo na. Boring din naman dito eh."
Biglang naman syang napatalon kaya napatingin yung ibang students samin.
"Kalma lang. Kakahiya ka talagang kasama."
Natigilan naman sya at seryosong tumingin sakin.
"Ah ganon? Kinakahiya mo ko? Ganun nalang ba yon? Yung mga pinagdaanan natin?! Ang dami na nating pinagsamahan ah! Ikakahiya mo lang ako? Gra---"
Bago pa sya mageskandalo, hinila ko na sya paalis sa hall.
Nagtungo kami sa kanila na dalawang kanto lang ang layo mula sa school. Nagtataka nga ko bakit mas gusto nya pa sa bahay namin eh mas malayo. Iba din topak neto eh.
"O ano na bang gagawin natin??" Inip kong tanong habang nagpapaypay. Ang init ah. Katanghaliang tapat kasi.
"Eh diba yung chinat ko sayo nung isang gabi. Oh eto electric fan, kakahiya naman sayo eh."
Tinutok nya sakin yung electric fan na naka no.3. sira talaga tuktok nito. Pinindot ko naman ito para umikot, nakakalunod yung hangin.
Habang busy sya na ilabas yung mga kakailanganing gamit ay napatingin naman ako sa poster nya ng BTS.
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomanceShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love