AD FTW

225 4 0
                                    

An: Helowww!!

Naexpired lang ako. Enjoy!

---








"So ate ly, kelan ka ba aamin?" Tanong ni Jia.

"Ha? Sinasabi mo jan?"

"Sus!  Sige, kunyare di namin alam." palatak ni Bea T.

"Kunyare di namin alam na may gusto ka kay ate den!"

Nanlaki ang mata ni Ly, at parang isdang bukas sara ang bibig,  pero wala namang lumalabas na salita. Natawa lang ang teammates nya.

"Wait!!  What's kunyari??" Kyuryus na kyuryus na tanong ng conyong si bdl.

Napafacepalm naman ang karamihan sa kanila.

"Parang nag aacting, beadel! Jusko ginoo!"

"Ow,  right. Play pretend!" nanlalaki pa ang mata nito sa napagtanto.

"Kayong mga bata kayo,  kung ano ano sinasabi nyo ha. Mag warm up na nga kayo!"

"Ayiiiee si ate Ly nag b-blush!"

"Hahaha mas nangingitim kamo!"

"Warm up! Go!  Go!  Go!" Pag iwas nya sa mga ito.

Inaasar man ay nag take lead na si Aly sa pag wawarm up nila dahil totoong paitim na sya ng paitim sa sobrang hiya at isa pa sobrang lakas na ng kabog ng dibdib nya samantalang hindi pa sila nagsisimula.

Nabanggit lang yung pangalan nya ganito na makareak ang sistema ko..  Pano pa kaya..  Haayy!



---




Ang buong teammates nila ay nasa UP oval.  Kakatapos lang ng morning jog at free period sila pagkatapos. Wala lang, natripan lang nila magjogging kahit dapat ay day off nila.

Habang ang iba ay abala sa paghaharutan at pagttrash talkan. Si Aly naman ay abala sa pagtitig sa nagiisang Denden Lazaro na kung maka tawa akala mo eh wala ng bukas.  Kagagawan ni Ella na nagtatakaw nanaman.

"Sooo.."

"Ano, ang lagay ba eh ganito nalang tayo?"

"Hanggang titig nalang sa malayo ganern?"

Nagtatakang napalingon sya kina Synjin at Bea Tan na halatang sya ang pinaparinggan. Gaya nya ay naka lugmok rin sa sahig ang mga ito.

"Ano nanamang pinaglalaban nyo jan?" Napapasimangot nyang turan sa mga ito na nagsingisi lang sa reaksyon nya.

"Its just that we don't understand why won't you just confess your feelings for her. She's like.. Super single."

"Pffft,  super single. Bet ko yon, Amy!"

Tuluyan ng napasimangot si Ly. Muli syang pasimpleng sumulyap kay Den.

Yun na nga eh,  single nga, may friendship naman na pwedeng masira o mawala.




---




"Itanong mo sa akin,  sino'ng aking mahal

Aaaaahh,  aaaaaahh,  aaaahh, aaaaahh

Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal

Aaaaahh,  aaaaaahh,  aaaahh, aaaaahh.."

"Oy, ano ba yan, ha? Napapansin ko laging si Ly inaasar nyo. Ano bang meron?

Agad nagsitahimik ang buong team ng sitahin sila ni Den, na bumababa ng hagdan, mula sa pag awit nila at pang aasar kay ly.. Na heto at pulang pula habang nagbibusy busyhan sa telepono nya.

Scenarios Of UsWhere stories live. Discover now