"hoy babae! Bakit ka late?!" Bungad sakin ni Ells at pinalibutan nila ko. Grabe, daig ko pang kriminal.
Naglalabasan na kasi ang mga tao dahil nagbell na. Hindi na siguro sila makapaghintay kaya sinugod na ko sa upuan ko. Napasulyap ako kay seatmate na parang nagmamadaling ayusin yung gamit nya. Nasa gilid lang kasi nya si ara na isang lingon lang ay kaharap nya na. Napangisi naman ako.
"Hoy, sagot. Ngingisi ngisi ka pa jan." Natuon kay ella ang atensyon ko kaya nagpaliwanag nadin ako. Baka bugbogin pa ako eh. Mahirap nang mabangasan ang kagandahan ko.
"Dumating kasi sina tita, eh alam nyo na paborito ako nun, sinama ko pagsundo eh madaling araw na kami nakauwi kasi nadelay pala yung flight nya. in short, tinanghali ako ng gising." Sa kalagitnaan ng paliwanag ko ay napansin kong napalingon si ara na nakakunot ang noo kay seatmate na tarantang taranta sa pagtayo paalis. Napangisi tuloy ako lalo. Ang cute lang nila.
"Parang natutuwa ka pa jan? Diba ka war mo yung tita mong yun?" Takang tanong ni kim at tumango din naman sila. Hala, lagot.
"Ha? Ah.. ano. Basta. May naisip lang ako." Palusot ko at inayos na ang gamit ko. Iwas iwas lang.
"Naku, baka may naisip nanaman yang kalokohan sa anak ng butihin nyang tita." Naiiling na sabi ni ara.
"Lagot ka nanaman sa nanay mo hahahaha"nakitawa nalang ako para di mahalata at sumabay na sakanila.
After lunch ay humiwalay muna ako sa kanila para kunin yung textbook sa locker ko para sa susunod na subject. Pagliko ko galing hagdan ay may nabangga ako. Napaka engot talaga. Nalaglag tuloy yung mga gamit nya.
"Naku sorry, ate. Hindi ako nakatingin sa daan eh. Pasensya na talaga." Despensa ko habang nakikipulot sa dala nyang mga folder.
"H-hindi.. ano.. ok lang. Ako na dito, salamat nalang.." natunghay ako para makita Kung sino sya. At di nga ako nagkamali. Si seatmate!
"Ikaw pala yan. Haay, sorry ulit sa kaclumsyhan ko ah." Tumayo na kami pareho at inabot ko sakanya yung last two folders. Nakatungo nanaman sya. "Akin na nga.. san ka ba?" Parang nagulat pa sya ng kunin ko yung kalhati ng dala nya na halos matabunan na yung mukha nya. Hindi rin kasi sya katangkaran.
"A-ako nalang.. sakin naman inutos eh.." di nya naman maagaw dahil may dala din sya. Nginitian ko nalang sya at nagsimula ng maglakad.
"San ba to dadalhin? At sinong nagutos sayo at di ka manlang pinatulungan sa mga naglalakihang maton sa tabi tabi?"
Sumabay na din sya sa paglakad. So tataas na ulit ako.
"Ahh.. kaya ko naman. Dapat di mo na ko tinulungan. Mukhang nagmamadali ka kanina eh." Nakatungo parin sya. Seryoso? Anong meron sa sahig?
"Ang rude mo naman makipagusap. Paborito mong tingnan yung sahig noh?"
Tumingin naman sya sakin. "H-ha? Ah.. ano.. pasensya na." At tumungo naman.
"Haay, wag ka ngang laging nakatungo." At dahil strong ako inisang hawakan ko lang yung mga folder at itinaas ang mukha nya. Ayan! Perfect.
"Yan! Wag kang laging nakatungo. Nakakatakot ka eh. Ang ganda mo pa naman." Oops! Damn this uncontrollable mouth. Ayan, ayan.. tumungo nanaman sya pero. Namumula ba sya? Uuuy. Nagbblush?!
"Kita mo to nakatungo nanaman." Napailing nalang ako sa kakulitan nya. Kaso may bigla akong naalala.
"Pwede magtanong?" Tiningnan nya naman ako na parang nagaalangang barahin ang sinabi ko. Tinaasan ko lang ng kilay kaya napatungo nanaman. Napabuntong hininga nalang ako. Ako syang nangangalay kakatungo nya eh.
"You like my friend, ara, noh?" Pinrangka ko na. Wala namang sense kung magpapaligoy ligoy pa ko.
Parang natigilan sya at lalong napatungo. May itotodo pa pala yung pagkakatungo nya?
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Don't me. I've been observing your actions lately tho." I shrugged.
"Huh? You've been what?" Takang tanong nya at napatingin sakin. Letse naman talaga ang bungangang to oo. Pahamak!
"I-i mean.. ano.. magmula nung nakita ka naming nakatangin kay galang nung sa cafeteria. Yun.. yun talaga simula nun." Aist, kumagat ka naman sa half truth explanation ko. Wait! Half true? Anong ibig sabihin mo dun?! Haay, mababaliw ako dahil sa babaeng to eh. Nakakataranta. Bakit ba kasi ang rosy cheeks nya?!
"Ahh.. ano.. h-hindi. Napatingin lang siguro ako nun. Hindi talaga. Wag mo kong isusumbong." Got her! Ding ding ding ding!!!
"Edi umamin ka rin hahahaha sabi na nga ba tama ako eh hahaha" sinasabi ko na nga ba eh! Hindi nga ako nagkamaling psych ang kunin ko. Huh!
Nakita ko namang nakakagat labi na sya at namumula lalo Hala! Napasobra ata ako. Huminga muna ako ng malalim at pikalma ang mga kalamnan.
"Biro lang. Pero tunay. Tama nga ako. Gusto mo tulungan kita sakanya?" Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi yun. Pero huli na dahil nakalabas na sa bibig kong walang kwenta. Basta bahala na. Yun naman talaga ang ultimate goal diba?
"Uhm.. k-kasi.. ano uhh" napatungo nanaman sya. Haaay.
Muli kong itinunghay ang mukha nya at parang automatic namang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero parang nawala ang mga imahe sa paligid at tanging mukha sya lang ang nakikita ko. Lalo na ang mga asul nyang mata na nagniningning sa gitna ng liwanag, nangungusap ito, kakaiba. Kahit pa contact lenses lang iyon ay bagay na bagay sakanya. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko ng mapalipat ang tingin ko sa mga labi nya. hindi sya nakalipgloss pero natural ng kulay nito, parang ang sarap halikan ng mapupulang-- pula.
Namumula sya!
Hala!
Natigil ako sa harapang pagtitig sakanya at napahakbang paatras.
"Uhm- uhh.. basta tutulungan kita.. dun sa ano.. kay uhh.. kay ara. Oo, kay ara." Natataranta kong sabi at nauna ng maglakad.
Bahala na sya kung anong gusto nyang isipin. Basta ako nararamdaman ko na ang pamumula ng tenga ko.
Ng macompose ko na ang sarili ko ay nagtataka ko syang nilingon at nakita ko syang tulalang nakatayo parin dun.
Napabuntong hininga ko at lumakad pabalik. At dahil malakas ang trip ko ay basta basta ko hinipan ang mukha nya na ikinagulat nya naman. Napahalakhak tuloy ako sa reaksyon nya. Hahahaha
Sinamaan nya naman ako ng tingin na ipinagkibit balikat ko lang.
"Tara na, ano ka ba? Di ko naman alam kung san ko to dadalhin eh." Sabi ko at marahan syang itinulak para maglakad. Para syang naestatwa eh. Kung di sya nakatayo iisipin ko ng nastroke sya eh.
Bubulong bulong syang naunang maglakad at sumunod naman ako agad.
Sinadya kong hindi tumabi at sabayan sya sa paglakad dahil sa libo libong bagay na tumatakbo sa isip ko.
Atleast libre ko syang natititigan mula dito, ilang hakbang ang layo mula sakanya.
Yung kahit sa isang saglit lang nasakin lang ang atensyon nya? At kahit may distansya masasabi kong magkasama kami. Kahit hanggang pagtingin lang ok na. Yung kahit ito lang walang magkakait sakin na gawin.
Natawa ko sa mga pinagiisip ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinusundan syang maglakad. Ewan ko kung bakit pero masaya ko.
Nako.. baka may future akong maging personal julalay. Hahahaha
Pwede.
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
Storie d'AmoreShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love
