"Set! Set! Set!"
"Nice! "
"Tao sa dos! "
"akin!"
"heyy! "
"Receive lang!! "
"Tao! Tao!"
"hey!!"
"mine, mine! "
"Set!!"
At hindi na napigilan ang paglagapak ng bola sa sahig ng kalaban, katapusan ng rally at ng 3rd set. Panalo kami. Pero di ko feel, di parin kasi umuuwi yung mood ko eh.
Nakipagshake hands na kami sa kalaban. Mga taga kabilang school lang sila at halos kakilala rin naman namin. Friendly game lang naman to. Parang tune up game nadin, ganun.
Nakipag kumustahan muna kami sa mga kakilala namin na nandun, lagi kasi namin sila nakakasama sa mga after party kaya naging close narin kami sa iba.
Napukaw ang atensyon namin sa kantyawang nangyari.
"ayiiieee!!"
"ang sweet!"
"Sana oil may jewa! "
"Neks nemen!"
"Iba talaga kapag may bebe!"
"Inggit akooo!"
Napatingin ako sa tampulan ng asaran.
Si Ara at Dennise.
Pinupunasan kasi ni Den ng pawis si Ara sa likod nito habang si Ara ay nakayukong namumula dahil sa atensyon na nababaling sakanila.
Pfft. Di bagay sakanya kiligin.
"ssshhhht! tahimik na." mahinang depensa nito.
Naiiling lang akong nagpatuloy sa pag ayos ng gamit ko. Feeling ko kasi lalo akong nawalan ng gana.
Hay, malala na to ah.
Baka mamaya nyan mawalan na din ako ng ganang kumain, kasi malungkot na ko lagi, tapos lalo na kong papayat, tapos madedepress ako, tapos magpapakamatay...
Okay, OA na, Ly. Advance ka masyado mag isip?
Pasimple na sana kong tatakas sa scene of the crime kaso may ibang balak ang tadhana.
"Ly! " tawag sakin ni Ara.
Nilingon ko naman ito. "Bakit? "
"Dumating si insan! Hinahanap ka, puntahan mo daw sya. "
Natuwa naman ako sa balitang yun. Close ko kasi talaga si Laura, pinsan nya.
"Osige, pasabi punta ko bukas." sagot ko at sinakbit na ang duffel bag sa balikat ko.
"Nice! Sige sige, sabihin ko. " tapos bumaling na ulit sya kina Den na kakwentuhan si Ella.
Close na talaga ang dalawang yun.
Tumalikod na ko at tatakas na sana ulit, kaso..
"Alyssa! "
Napatiim bagang ako.
Really? Hindi ba talaga pwedeng makaalis ako dito ng tahimik at matiwasay at makauwi nalang at matahimik na ang buhay? Kailangan talaga ganito?
Wala naman akong nagawa at muli silang hinarap..
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
Любовные романыShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love